Chapter 20: Panaginip

74 4 0
                                    

LISA's POV

It's already Tuesday at ala-una na ng hapon pero wala pa ding tawag sa akin si Jungkook "Ganun ba sya ka-busy para hindi ako matawagan?" inis na tanong ko pa sa sarili ko.

Huminga ko ng malalim... Baka tinatapos nya na lahat ng kailangan nyang gawin para maaga syang maka-uwi. Napangiti naman ako sa naisip ko... Baka nga!

Katulad kahapon ay wala naman akong masyadong ginawa, pumunta ako ng ospital kanina para sana bisitahin si Arra pero wala sya dun ang sabi ng secretary nya ay bumalik daw sya ng Australia dahil emergency daw, i called her at sabi nya naman ay about lang daw yun dun sa hospital dun sa Australia... Na-gi-guilty tuloy ako dahil ipinasa ko sa kanya yung trabaho ko, sobrang busy nya tuloy.

Kanina naman ay tumawag sa akin si Jisoo at nakipag-kwentuhan sa akin kaya naman hindi ako na-boring masyado kanina...

Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko pa din mapigilan na hindi mag-tampo kay Jungkook, hindi naman ako ganito kabilis mag-tampo ganito lang siguro ako dahil buntis ako at masyado akong emotional at isa pa ay wala akong ginagawa.

Ayaw ko mag-shopping, mag-libot at mag-luto dahil tinatamad ako, wala din akong ganang pumunta sa garden. Gusto ko sana tawagan si Mommy pero nahihiya naman ako, hindi pa din kasi ako ganun kasanay na nakakasama yung Mommy namin ni Jungkook dahil kailan lang naman kami kinasal at hindi ko din naman masyadong naka-usap o nakilala man lang yung Mommy nya dati.

Napalingon ako sa pinto ng may kumatok "Pasok" 

Si Lila "Ah Ma'am kukunin ko lang po yung laundry" paalam nya sa akin at tinanguan ko naman sya bilang sagot, nag-tungo sya papunta sa bathroom at ako naman ay nanatiling naka-upo dito sa kama at nag-iisip

Hayst kailan mo ba ako tatawagan Jungkook?! Kailan ka ba uuwi?!

Itinakip ko yung unan sa muka ko para pigilan yung luha na nagbabadya ng tumulo. Maya maya lang ay narinig ko na na sumara yung pinto, umalis na siguro si Lila.

Kinuha ko yung phone ko at muling ichineck yun pero wala pa ding tawag o text man lang si Jungkook.

Inis na ibinalibag ko yung cellphone sa kama atsaka ako tumayo at pumunta sa balcony para makapag-pahangin at para mabawas-bawasan ang inis ko dahil baka pati ang baby ko ay nai-stress na din.

Hinawakan ko yung tyan ko atsaka ko yung hinaplos haplos para kahit papaano ay mawala ang stress ko.

Ilang minuto lang ako nag-stay sa labas at pumasok na din ako, bumalik ako sa pag-kakaupo sa kama at kinuha ko ulit yung cellphone ko, may notification sa IG...

=Jeon Jungkook just posted a photo=

Eh? Nag-post sya? 

Dali dali ko yung binuksan na isang napaka-laking pagkakamali dahil parang gusto ko ng sumabog sa sobrang inis.

Picture ni Jungkook kasama yung Secretary nya! Tsh at sobrang close pa nila ah! 

Wala sa sariling naibato ko yung cellphone ko, natamaan nung cellphone yung vase at pareho silang nabasag.

Humiga ako at nag-talukbong atsaka ako umiyak... Naiinis ako! Na-bubwisit ako! Nagseselos ako!!!

Nang hindi na ako makahinga sa ilalim ng kumot ay tinangal ko na yun para makahinga ako ng maluwag, sinusubukan kong pigilan yung mga hikbi na lumalabas sa bibig ko pero walang kwenta din yun dahil pilit pa ding lumalabas yun.

Tumagilid ako ng higa at hindi pa din tumitigil yung mga luha ko sa pag-tulo, hindi ko alam kung bakit ako umiiyak! Pero nagseselos ako! Selos na selos ako sa kanilang dalawa kahit na alam kong wala naman silang relasyon!

The Unwanted Girl : Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon