Chapter 21: Another dream

82 2 0
                                    

LISA's POV

Biyernes na ngayon... it's been two days. Hindi pa din ako bumibili ng cellphone at wala pa din akong balak buksan yung mga social media ko dahil baka may makita na naman ako.

Hindi pa din kasi nawawala sa isip ko yung picture ni Jungkook at nung Secretary nya...

Selfie Picture yun, yung secretary nya ang may hawak nung camera, magka-dikit ang muka nila ni Jungkook at nakahawak pa ang kamay nya sa dibdib ni Jungkook... Lalo akong naiinis at nagseselos sa tuwing naiisip ko yung picture nila.

Hindi pa din mawala sa isip ko yung napanaginipan ko, nadugtungan pa yun nung mga nakaraang araw.

I know i'm stressed at dapat hindi ako nagpapa-apekto pero hindi ko maiwasan.

Natatakot ako... Natatakot ako na masaktan ulit ako ni Jungkook at mas natatakot ako na mawalan ulit ng anak.

Mag-isa akong naka-upo dito sa dining table, katatapos ko lang kumain. Maya maya lang ay tumayo na ako bumalik na ulit ako sa kwarto.

Pag-pasok ko sa kwarto ay magulo pa din yung kama at nandun pa din yung basag na base at cellphone, sinabihan ko sila Nelia at Lila na wag na munang pumasok sa kwarto namin ni Jungkook.

Naglakad ako papunta sa kama at nahiga ulit dun, naka-tagilid ako at medyo naka-baluktot pa. I know i'm over reacting pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang pigilan yung pakiramdam ko at hindi ko din maiwasang isipin yung mga pagkakamaling nagawa ni Jungkook nuon.

Natatakot ako na gawin nya ulit yun ngayon.

Natatakot ako na maulit ang nakaraan.

Huminga ako ng malalim atsaka ko ipinikit ang mga mata ko. Kinumbinsi ko ang sarili ko na hindi na ulit mauulit iyon.

Nanatili lang akong naka-pikit ng mga ilang oras ngunit gising pa din ang diwa ko. Ganito lang ang ginagawa ko nung mga nakaraang araw.

Babangon 

Kakain 

Hihiga 

Maliligo at hihiga ulit.

Madalas ganito ang ginagawa ko, pag-nakahiga ako ay ipinipikit ko lang ang mga mata ko at tinatangal ko lahat ng mga iniisip ko para kahit papaano ay na-re-relax ako.

Ayaw kong ma-stress dahil makakasama yun sa anak ko.

Katulad kahapon ay mabilis na lumipas ang oras at gabi na naman... Bumangon na ako atsaka ko isinindi ang ilaw at dumeretso sa bathroom para makaligo na.

Nang mayari akong maligo ay bumaba na din ako para maka-kain na, nakahanda na yung pagkain sa may lamesa.

Saglit lang akong kumain, umakyat na ulit ako sa taas at nag-toothbrush pagkayari ay nahiga na ako.

Hinintay ko lang na dalawin ako ng antok...

***

"Were gonna name him Jung-Ki Laurens Jeon" sagot ko dun sa Nurse pero ang tingin ko ay nakapako pa din sa anak ko, umalis din agad yung nurse nung nasagot namin yung mga tanong nya.

Pareho kaming nakangiti ni Jungkook habang tinitignan yung anak namin "Baby JL" tawag ko dito.

It's been a year since nung proposal nag-plano kami ng mahigit isang buwan then we got married after that, and I'm so happy because our angel is here.

Maya maya lang ay nagsidatingan na yung mga bisita namin, nangunguna na dun si Arra, nakapila na din yung mga naga-apply na maging ninong at ninang.

The Unwanted Girl : Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon