Chapter 10: Dads

97 3 0
                                    

LISA's POV

Nakatulog ako sa sasakyan kanina dahil nakaramdam ako ng pag-kahilo, hindi ko na lang ipinahalata kay Jungkook dahil alam kong mag-aalala na naman sya.

Ayaw na ayaw ko na nag-aalala sya dahil masyado syang napa-praning.

Agad akong pumunta sa kwarto para makapag-pahinga dahil nahihilo talaga ako, pag-dating ko dun ay agad naman akong napatakbo sa banyo dahil naduduwal ako.

Akala ko pa naman ay magiging maayos ang araw ko dahil hindi ako naduwal kaninang umaga.

Narinig ko na may pumasok sa kwarto at kasunod nun ay ang mga yabag ni Jungkook papunta sa akin, naramdaman ko yung mainit nyang palad na hinahaplos ang likod ko.

Nang mayari akong dumuwal ay naghilamos ako.

Nang mayari akong maghilamos at mag-mumug ay sumisik ako sa kanya.

"Love" nang-hihinang tawag ko sa kanya.

"Are you ok?" nag-aalalang tanong nya sa akin.

"N-Nahihilo ako Love" mahinang sabi ko sa kanya.

"Ha?" iniharap nya ako sa kanya atsaka ako sinuri, nanghihina ko lang syang tinignan.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang pagka-hilo, napakapit din ako sa kanya dahil parang anytime lang ay mawawalan na ako ng balance.

"Nag-lalambot ako" dagdag ko pa.

Medyo nagulat pa ako ng buhatin nya ako atsaka naglakad papalabas, nakapikit yung mga mata ko dahil hilong hilo talaga ako, naramdaman ko na lang na inihiga nya na pala ako sa kama.

"Shít" mahinang mura nya na narinig ko din naman "Let's go to the hospital Love" Aya nya sa akin, ganito sya palagi pag sobrang nag-aalala na sya sa akin.

"No need" sagot ko sa kanya, alam ko naman kasi na normal lang toh, dahil patapos na din yung first trimester ko.

"What do you mean No Need? Eh nahihilo ka nga and you look pale baka may mangyaring masama sa inyo ni baby." nag-aalalang sambit nya sa akin.

"Napagod lang ako Jungkook and this is normal pag napapagod ang buntis, don't worry. Doctor ako and marami na akong cases na kinaharap na ganito din" ngintian ko sya para naman mapanatag ang loob nya.

Narinig ko pa na huminga sya ng malalim "You sure?" tanong nya pa.

Isang tango lang ang naisagot ko habang nakapikit dahil napapagod talaga ako. Naramdaman ko ang mainit nyang labi sa nuo ko.

Narinig ko ang mga yabag nya papalabas ng kwarto at ako naman ay naka-pikit lang.

Hinde agad sya nakabalik at maya maya lang ay nakatulog na ako at hinde na sya hinintay pa, pakiramdam ko ay sobrang pagod na pagod ako ngayon.

Nang magising ako ay madilim, naka-sara na yung mga kurtina at naka-patay yung mga ilaw dito sa kwarto.

Bumangon ako, hindi na ganun kasama yung pakiramdam ko, hindi na din ako nahihilo. Hindi na ako nag-abala na mag-bukas ng ilaw at dumeretso na ako sa closet ko para makapag-bihis na ako.

Nag-suot na ako ng pajama ko atsaka ako lumabas. Dumeretso ako sa office ni Jungkook dahil baka nandun nga sya.

Pag-dating ko dun ay naabutan ko sya kasama si Dad at ang Daddy in Law ko. Mukang seryoso yung pinag-uusapan nila.

Bahagya kong binuksan yung pinto atsaka ako kumatok dun, tsaka lang nila ako napansin, nginitian ko lang sila.

Lumapit na ako sa kanila, i hug and greet them, atsaka ko lumapit kay Jungkook, humalik ako sa pisngi nya.

"Sorry Dad naabala ko ata kayo"

"No worries anak"

"It's already late Dad, napadaan po kayo?" baling ko sa Daddy in Law ko "Having a serious talk?" dagdag ko pa.

"It's not that serious iha, were just having a little meeting about the anniversary of the company" napa-tango tango naman ako sa sinabi nya.

"Are you ok now?" napatingin naman ako kay Jungkook ng magsalita sya.

"Mmm" sabi ko habang tuma-tango tango pa.

"Why? What happened?" napatingin naman kami kila Daddy ng magtanong sya.

"She's feeling dizzy earlier"

"It's just normal Daddy, lalo na't malapit nang mayari yung first trimester ko kaya ganun, you don't have to worry" paliwanag ko atsaka ko sila nginitian, "Continue with your meeting, lalabas na ako I'll stay in the kitchen Love" paalam ko sa kanila.

"Don't tire your self" tinanguan ko lang sya bago ako lumabas sa office nya.

Bumaba na ako papunta sa kusina at nakita ko naman sila Lila na nag-pe-prepare na ng dinner namin.

Hindi ko na binalak pang tumulong dahil tinatamad ako. Para kasing sobrang napagod ako sa ginawa namin ngayon ni Jungkook.

Dumeretso ako sa living room at naupo dun, binuksan ko din yung T.V para hindi naman ganun ka-boring, isinampa ko din yung paa ko sa may sofa.

Habang naonood ako ay naagaw ng paningin ko yung picture namin ni Jungkook na bagong kasal. Napangiti naman ako ng makita ko yun. Parang kahapon lang kami kinasal, sobrang saya ko sa tuwing maiisip ko na akin sya, na mahal nya ako.

Dati ay hanggang pangarap ko lang lahat ng meron ako ngayon. Akala ko hindi na ako ituturing nila Ate at Dad bilang kadugo nila, akala ko hindi na ako mamahalin ni Jungkook pero ngayon sobra sobra pa ang natatangap ko.

Akala ko hindi na ako magiging masaya pero ngayon ay sobra sobra at umaapaw pa yung sayang nararamdaman ko. All the pain and tears are all worth it dahil ganito naman ang kinalabasan.

Hinawakan ko yung tyan ko, napangiti naman ako sa isipin na may isa na namang buhay na nasa sinapupunan ko, hindi ko pa din mapigilan na mamangha sa isiping may isa pang buhay sa loob ng tyan ko.

"Hindi na ako makapag-hintay na makita ka anak" mahinang bulong ko habang hinahaplos haplos ko yung tyan ko.

Aaminin ko na natatakot pa din ako, natatakot ako na baka maulit yung nangyari, natatakot ako na mawalan ulit ng isang anghel baka hindi ko na kayanin kung sakaling mangyari ulit yun.

Agad naman akong napatingin sa may gawing hagdan ng may marinig akong mga yabag.

Nakita ko sila Jungkook na pababa na, yari na siguro sila. Agad naman akong tumayo mula sa pagkaka-upo at sinalubong sila.

"Mauuna na kami anak" paalam ni Daddy sa akin.

"Dinner?" tanong ko.

"Hindi na iha, kumain na din kami may business meeting kasi kami sa isang restaurant kaya kumain na din kami" sabi ni Daddy in law.

"Ahh ganun po ba, sige po ingat" lumapit ako sa kanila at nakai-pagbeso.

Hinatid namin sila hanggang sa labas ng pinto atsaka nagpaalam. Hinintay muna namin n aumalis yung mga kotse nila bago kami pumasok sa loob.

"Aren't you dizzy anymore?" tanong sa akin ni Jungkook.

Umiling lang ako bilang sagot sa kanya.

"Did you help in the kitchen again?" tanong nya na naman, tsk hindi ba nauubusan ng tanong tong lalaki na toh?

"Nope, tinatamad ako eh" naka-ngusosng sagot ko sa kanya.

"Bago yan ah" biro nya pa kaya naman sinimangutan ko lang sya "I was just joking" sabi nya pa atsaka lumapit at hinapit ako sa bewang tsaka kami sabay na naglakad papunta sa kusina.

I'm So Happy, I couldn't wish for more.

~TO BE CONTINUED~


The Unwanted Girl : Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon