Chapter 19: Feeling lonely

79 1 0
                                    

LISA's POV

Lunes na ngayon at ngayon ang alis ni Jungkook papunta sa Siargao.

Nauna akong nagising sa kanya at nandito ako ngayon sa kusina nag-luluto ako ng breakfast namin.

Gusto kong sumama sa kanya pero alam ko na hindi nya din naman ako maaasikaso dun at paniguradong hindi nya din ako papasamahin dahil baka ma-stress at mapagod lang kami ni Baby. Sana lang talaga ay saglit lang sya duon!

Sobrang busy nya minsan tuloy ay hindi ko maiwasang isipin na wala na syang oras sa amin ng anak nya pero palagi naman syang bumabawi at alam at ramdam ko na hindi nya din naman gusto yun.

Habang nagluluto ako ay narinig ko na yung mga yabag ni Jungkook pababa sa hagdan kaya naman lumabas na ako sa kusina, nakita ko sya na nag-aayos pa ng necktie nya habang pababa ng hagdan.

"Good Morning Love" bati ko sa kanya.

"Good Morning, Aalis na ako Love" sabi nya na ikinalaki naman ng mga mata ko "Pero---"

"I'm sorry Love maaga kasi kami ngayon, I overslept"

"You haven't eaten yet, I---"

"Dadaan na lang ako sa drive thru mamaya Love, I'll go ahead... I Love you, Take care!" paalam nya atsaka lumabas na hindi man lang nya hinintay yung sagot ko kainis!

Bumalik ako sa kusina at nakita ko na nasusunog na yung niluluto ko kaya namana agad akong tumakbo papunta dun at pinatay yung kalan.

"Hindi na nga nakain nasunog pa" Inis na bulong ko sa sarili ko.

Inilagay ko na sa sink yung pinaglutuan ko at iniwan ko na lang dun dahil nabu-bwisit talaga ako!

Lumabas ako sa garden pero agad din akong pumasok sa kwarto dahil nababagot ako dun, dito naman sa kwarto ay naka-upo lang ako at walang magawa!

Nagpahatid ako ng pagkain dito at dito kumain pero naka-ilang subo lang ako dahil wala akong gana. Gusto kong tawagan si Jungkook pero mas gusto ko na sya ang tumawag at lumabing sa akin!

Itetext ko na lang sya!

 To: Love♥︎
Love, are you already on board?
MESSAGE SENT 

Ilang minuto ako naghintay pero wala akong nakuhang sagot mula kay Jungkook. Napapikit ako sa sobrang inis at parang gusto ko na din umiyak! Eh kasi naman isang linggo ko na nga sya hindi nakasama tapos mawawala na naman sya, sabado at linggo ko lang sya palaging nakakasama!

Muli kong kinuha yung phone ko atsaka ko kinontack si Arra.

"Hello" sabi ko ng sagutin nya yung tawag.

"Lisa I'm sorry mamaya na lang may emergency"

"Ah ganun ba---" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil namatay na yung tawag... Gusto kong tawagan yung mga kaibigan ko pero alam ko na busy din sila sa kaniya-kaniya nilang buhay.

Ala una na ng hapon at naka-tambay lang ako sa bahay at walang magawa...

"Tayo na naman naiwan dito anak" kausap ko sa baby ko habang hinahaplos haplos yung tyan ko.

Ngayon ko kang din napansin na naka-pang-tulog pa din pala ako kaya naman tumayo na ako at nag-punta na ng closet para mag-bihis.

Nagsuot lang ako ng simpleng kulay grey na may stripe na cotton dress na hangang siko ang haba ng mangas at hanggang tuhod ko.

Lumabas ako dito sa may balcony ng kwarto at nag-isip kung anong pwedeng gawin...

Aha!

Lumabas ako ng kwarto at pumunta dun sa may katabi'ng kwarto ng kwarto namin... Eto yung gagawin naming kwarto ng baby namin, wala pa syang decoration pero napinturahan na sya ni Jungkook dati... Plain white lang yung loob ng kwarto dahil hindi pa naman namin alam kung ano ang gender ng baby namin ni Jungkook.

Pareho kaming exited na malaman kung ano ang gender ng baby namin at nakapag-isip na din kami ng pangalan, Pag babae ulit ay ang ipapangalan namin sa kanya ay Jeon Lily Julianna or LJ for short kung Boy naman ay Jeon Jung-Ki Laurens ang ipapangalan namin...

"Ano sa tingin mo anak? Baby LJ or Baby Jung-Ki?" nakangiting tanong ko habang ang mga mata ko ay nasa tyan ko.

Pumasok na ako sa kwarto at dito lahat naka-tambak yung mga gamit na binili namin para sa baby namin.

Pumasok ulit ako sa kwarto ko at kinuha ang laptop ko atsaka ako bumaba at tumambay sa Living Room.

Nag-research ako ng mga room decorations para may Idea ako sa gagawin namin sa kwarto ng baby namin ganito din yung ginawa ko nuon sa kwarto ni Lana.

Habang nag-titingin ako ay nag-ring ang cellphone ko at agad ko naman yun kinuha, agad akong napangiti ng makita kung sino yun.

-----Love♥︎ Calling-----

Dali dali ko iyong sinagot.

"Love" tawag nya sa akin agad naman akong napangiti ng marinig ko yung boses nya.

"Are you already there?" tanong ko sa kanya.

"Yup, kararating lang namin, I'm sorry hindi ko na nasagot yung tawag mo Love"

"Nakakain ka na ba?" 

"Oo Love, buti na lang may dalang breakfast si Secretary Rosario"

"A-Ah ganon ba, masarap ba?"

"Oo Love actually ang galing nya nga mag-luto eh" masigalang sagot nya sa akin nang marinig ko yun ay bumagsak naman yung mga balikat ko "Love sorry I have to go na, I'll call you later ok!"

"Ok---" namatay na yung tawag.

Aaminin ko na nainis at nalungkot din ako... Hindi nya kinain yung niluto ko imbes ay yung dala-dala pa nung secretary nya! Naiinis ako dahil pinag-hirapan ko yung niluto ko kahit na nga ba nasunog yun!

Itinakip ko yung dalawa kong kamay sa muka ko dahil sobrang naiinis na ako! 

Tsh buti pa yung Secretary nya ay palagi nyang kasama! 

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko na itinuloy ang paghahanap ko ng design ng kwarto at umakyat na ako ng kwarto.

Pagdating ko sa kwato ay agad ko na ibinagsak ang katawan ko sa kama at ipinikit ang mga mata ko pero agad ko din iyong iminulat at bumungad sa akin ang wedding picture namin ni Jungkook.

We both look happy and in love,, I must say that it is a dream come true marrying a guy like Jungkook, I am sure that he is my forever, he is my life, and he's the one and the only man that I will Love.

~TO BE CONTINUED~


The Unwanted Girl : Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon