Treat People With Kindness
Harry Styles
0:16 ─|─────── 3:17
|◁ II ▷|
ELY
Nasa isang jeep ako ngayon at tila parang malabo ang paningin ko. Hindi ko maaninag ang mga mukha ng mga pasahero.
Kasalukuyan akong nakikinig ng music sa earphones ko, yung nga lang nakakabit ang kabila sa katabi ko. Nilingon ko naman kung kanino nakakabit ang earbud.
Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti. Hindi ko talaga siya makilala. Ang labo ng paningin ko. Saka ko lang din na-realize na magkahawak kami ng kamay. Ewan ko, parang kinikilig ako.
May naririnig naman akong mga boses pero wala akong maintindihan. Tinatapik niya ako ng ilang beses, at kinabahan naman ako sa sunod na ginawa niya. Bigla naman siyang pumikit at dahan-dahang nilalapit ang kanyang mukha sa akin.
Hindi ko alam ang nangyayari nang maabot niya ang mga labi k—
"Kring! Kring!"
Napabalikwas ako sa aking kama dahil sa alarm ko. Tinignan ko kaagad ang orasan at nalaman kong alas sais na pala ng umaga.
Nakatulog pala ako sa pakikinig ng music sa phone ko, at nakakabit pa ang earphones sa mga tenga ko. Kaya pala kung anu-ano na lang napapaginipan ko.
Napasapo naman ako nang nasagi sa isip ko yung eksenang napaginipan ko kani-kanina lamang. Bakit napaginipan ko siya?
Bakit gano'n yung eksena?
Shuta, ba't parang nabitin ako kahit na naaasiwa akong aalahanin yun? Hays, kung anu-ano na lang talaga yung pumapasok sa isip ko. Ang aga-aga pa naman para mainis. Hays.
Bumangon ako sa kama at pumunta sa kusina. 9AM pa naman ang class ko kaya may time pa akong magluto ng breakfast ko at maglinis ng apartment.
I-oon ko na sana ang stove para makapagluto na ako kaso may kumatok sa pintuan. Baka si Aling Rea yun na balak kunin yung tupperware na ibigay niya sa akin kahapon.
Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang isang maliit na batang lalaki sa nakangiti sa akin. Si Dexter pala, yung bunso ni Aling Rea. "Kuya Ely, pinapakuha raw ni Mama yung tupperware," sabi niya.
"Sige, kukunin lang saglit ni Kuya yung tupperware."
"Okay po. Maghihintay po ako rito," sabi niya at binigyan ako ng isang malaking ngiti.
Bumalik ako sa kusina ang kinuha ang tupperware na binigay sa akin ni Aling Rea na may laman na menudo no'ng nakaraan saka binigay kay Dexter. "Oh eto. Sabihin mo sa Mama mo na maraming salamat ha," sabi ko.
"Okay po. Thank you rin sa pagsauli," sabi niya nang kay cute na cute, kaya napapisil na lang ako sa mataba niyang pisngi. Chubby kasi itong bata na 'to.
"Magpakabait ka sa Mama mo ha," sabi ko pa sa kanya saka siya bumalik sa apartment nila.
Buti naman, napa-good mood ako dahil sa batang yun. Kaya naman, parang na-energize yung katawan ko. Madali lang kasi ako mahawa sa isang ngiti, lalo na't galing sa mga bata.
Pagkatapos kong mag-almusal ay naligo ako at nag-ayos. Muntik naman akong mag-panic dahil akala ko, wala na akong maisusuot na uniform. Buti na lang, naalala ko na Wash Day pala ngayon.
Nang nakapagbihis na ako, umalis na ako ng apartment at naglakad papunta sa university. May time pa naman ako, and besides, this will serve as my morning exercise routine.
Actually malalakaran lang naman ang university, pero kapag uwian na, lalo na't inaabutan ako ng gabi, sumasakay na lang ako ng jeep. Of course, lagi akong nad-drain every after class, kaya wala na akong lakas para maglakad. Tsaka medyo madilim rin kasi ang mga kalye dahil sira-sira mga poste ng ilaw dito. Ewan ko ba.
Nakarating na ako sa tapat ng university. Kailangan ko na lamang tumawid sa pedestrian lane. Hindi pa nag-Go yung light sa lane kaya na nag-antay muna ako.
Nasagi naman sa paningin ko ang isang lalaking tila pamilyar sa akin. May kasama siyang babae at naglalakad sa parehong sidewalk kung saan nakatayo ako.
Nang ma-realize ko kung sino siya, tinakpan ko kaagad ang mukha ko. Kunware inuubo ako para makayuko ako.
Nang dumaan sila sa likuran ko ay lumayo naman sila sa akin na parang bang takot na mahawaan sa "ubo" ko. Nakalayo na naman silang dalawa ngunit lumingon ang lalaki sa akin at nagka eye-to-eye contact kaming dalawa.
Agad namang akong umiwas. Baka makilala niya ako, pero imposible naman kasi na sumbrero ako at naka-casual ako.
Hindi ko alam kung bakit ako kumikilos nang ganito. Siguro, ayoko lang ng kausap ganito kaaga. Tsaka isa pa, baka hindi na rin ako naalala ni Jacob. Kay tagal na rin no'ng nagkilala kami—
Teka nga, ano bang issue ko sa kanya? Wala naman. Psh, paranoid na paranoid ah.
May kumalabit naman sa akin sa tabi ko na nagpabalik sa wisyo ko. Si Peter. Tinanggal ko naman ang earphones ko dahil parang may sinabi siya kanina. "Hi, Peter. May sinabi ka?" tanong ko.
"Ang sabi ko, tatawid ka pa ba? Nag-go na yung light," sabi niya at saka ko lang na-realize na nagsitigil ang mga kotse sa daan.
"Ay, sorry. Tatawid na," sabi ko saka ako humakbang sa lane.
Sabay kaming tumawid pero nabigla na lang ako nang nilapat ni Peter yung braso niya sa likod ko. Nagkatinginan kami at binigyan pa niya ako ng kanyang ngiti.
Gwapo naman si Peter. May fashion sense rin siya base sa outfit niya tuwing Wash Day. Hindi siya typical na head-turner sa unang tingin pero malakas ng sex appeal niya. Yung nga lang, nakakaturn-off ang tabas ng dila nito, kagaya no'ng narinig kong usapan nila ni Nico sa likuran ko.
Sabay kaming pumasok sa university ngunit humarap sa siya akin nang nasa tapat na kami ng building.
"Sensya kung hindi na kita mahatid sa room. May pupuntahan pa kasi ako. Bye, Ely," sabi niya sa akin sabay kindat.
Uhm, in the first place, hindi ako nagsabi na ihahatid niya ako sa room. Anong nakain ng isang 'yon?
"Oy, kita ko 'yun. Kayo na ba ni Peter?"
Nagulat ako nang biglang sumulpot sa tabi ko si Claire. "Shuta ka naman, 'wag ka namang manggulat sa akin. Ang aga-aga pa oh!"
"Tsk, 'wag mong ilihis yung topic. May something ba sa inyo ni Peter?" tanong niya.
"Anong pinagsasabi mo? Nagkataon lang na nakita niya ako sa labas kaya sumabay siya sa akin. Hindi ko nga alam anong nakain no'n," depensa ko.
"Naku, 'wag ang isang 'yun, bes. Player yun eh--"
"Alam ko naman. Tsaka isa pa, 'di ba ang sabi ko..."
"Wala munang lovelife hangga't hindi pa grumagraduate," we said in unison.
"Buti naalala mo," sabi ko pa sa kanya pero inirapan lang niya ako.
"Naku, kung nasa akin lang talaga yung mukha mo, Ely, baka na-jowa ko na lahat ng mga gwapo rito sa uni-- aray ko po! Oo na, punta na tayo sa room," sabi niya nang siniko ko na siya dahil sa pinagsasabi niya.
BINABASA MO ANG
His Favorite Song (Completed)
RomanceTwo strangers in a very unexpected scene: Ely, a seeker of true love, and Paul, the brokenhearted one. What started as a fleeting moment, now becomes a turning point in their lives. Challenged by fate, will their story unfold into a playlist of happ...