Chapter 48

50 6 0
                                    



Dear John
Taylor Swift
5:18 ──────|── 6:43
|◁          II          ▷|



ELY



Nagising akong sobrang saya sa umaga. 'Di na katulad noon yung mga araw ko na minsan unmotivated ako, stressed, at uninspired mag-aral. Grabe, ganito pala talaga effect kapag may boyfriend no? Tapos halos isang buwan na kaming nagd-date—

OMG. Today is our first monthsary. Muntika ko na makalimutan. Buti napansin ko kaagad yung calendar ko na may red mark sa May 7. Pero, may klase pa ako, unfortunately.

Dali-dali akong naghanda para sa klase ko at dumiretso sa university. Sa gate, 'di ko naman inasahan na magkasabay kami ni Raigne. Kaagad niya akong binati. "Good morning, Ely! Good mood ka ata today."

"Yeah, pero knowing na may mga tests pala today, stressed ulit ako hehe," sabi ko pero yung totoo, nastressed ako kakaisip sa mga naririnig ko tungkol sa kanya dito.

Lately, may naririnig akong mga rumor na iniisa niya mga kilalang campus heartthrobs daw rito. May ilan daw na nahuli siyang nagmamake-out sa iba-ibang lalaki sa iba't ibang sulok ng university. Wala rin naman akong lakas ng loob na tanungin siya dahil baka maoffend ko lang siya.

Buti naman ay nakita ko si Claire kaya humiwalay na ako kay Raigne at nagpaalam. Nakahinga naman ako ng maluwag habang naglalakad kami palayo. "Oi Ely, pansin mo ba?" kaagad na tanong niya.

"Na ano?"

"Pansin ko yung tyan ni Raigne. Parang malaki."

"Talaga ba? 'Di ko napansin kanina eh," sabi ko habang inaalala ko si Raigne kanina.

"Buntis kaya siya? Knowing na nagmamake-out siya sa mga guys dito, baka natuluyan," sabi niya.

"Sshh, ikaw ha, ingat-ingat ka sa pinagsasabi mo. Kapag kumalat 'yan, ikaw talaga ituturo ko. 'Di pa naman ako marunong magsinungaling," sabi ko sa kanya saka kami dumiretso sa building namin.

Focus muna ako sa studies ko today at sinagot ng maigi yung mga tests namin. Kinalimutan ko muna yung monthsary namin, pero pansin kong 'di pala nagtext sa akin si Paul simula kanina umaga.

Siguro, naghahanda na 'yon sa mini-celebration namin mamaya.

Pagkatapos ng klase namin ay kaagad akong pumunta sa mall para maghanap ng mabibiling regalo para kay Paul. Lately kasi, parang ako na lang parati yung tanggap ng tanggap ng kahit ano mula sa kanya kaya this time, ako naman ang babawi.

May pera pa naman akong naitabi na muntik ko ng ibili ng mga merch ulit. Siguro collection break muna ako dahil may ibibili lang ako for Paul. Nag-isip naman ako ng magandang regalo hanggang sa may nadaanan akong store ng watches na may sale. Kaya, pumasok muna ako at nagtingin-tingin muna sa mga wristwatch dito.

Medyo nalula ako sa mga presyo ng una kong nadaanan hanggang sa nakarating ako sa section na pasok sa budget ko yung mga relo. Tsaka, napakaganda pa ng mga design hanggang sa may nabili rin ako worth 3k na wristwatch. Sana magustuhan niya 'to.

Since may extra pa ako ay naghanap pa ako ng pwedeng idagdag sa gift niya hanggang sa may nadaanan akong gadgets store. May nakita naman akong magandang headphones kaya kaagad kong binili 'yon. Medyo luma na rin yung napapansin kong headphones na ginagamit niya.

Tinignan ko naman ang phone ko pero wala pa rin akong natatanggap na text galing kay Paul. Almost 6pm na at sa pagkakaalam ko, tapos na ata klase niya. Pero, baka may aberya sa kanila at busy sila—

"Oh Ely, ikaw pala 'yan," sabi ng nakasalubong ko na nakilala ko kaagad, si Dan.

"Hi Dan, kasama niyo ba si Paul?" tanong ko.

"Ah hindi eh. Pero, busy ata sila sa rehearsal nila sa school. Baka ando'n pa siya ngayon," sagot niya.

"Sige, sige. Salamat."

Pumara na ako ng taxi at pumunta sa Cailer. Medyo hindi ko pa naman kabisado yung loob ng university nila. Nang nakarating na ako ay kaagad kong iniwan ang ID ko sa guard since guest ako sa school nila. Nagtanong naman ako kung saan nagrerehearsal yung mga taga College of Music at kaagad tinuro ni guard yung lugar.

Nagpunta ako sa building ng College of Music at nakarating sa music room nila pero kaunti na lang ang mga estudyante doon. May nakapansin naman sa akin sa labas at tinanong ako. "Ah sino po ba inaantay nyo?" tanong ng babae na sa tingin ko estudyante rin dito.

"Ah si John Paul Abellana po. Andito po ba siya?"

"Naku, kakatapos lang ng rehearsal namin. Wala na siya rito."

"Ah, okay po. Thank you!"

Lumabas ako ng building at sinubukang tawagan si Paul pero 'di siya sumasagot eh. Kinakabahan na tuloy ako.

Nadaan ko naman ang open field nila at may napansin akong dalawang nag-aaway. 'Di na sana ako makikialam pero pamilyar sa akin ang babaeng kaharap ng lalaki hanggang sa tuluyan ko siyang nakilala.

Si Raigne.

Pasimple akong lumapit sa isang puno at nagtago. Medyo curious na kasi talaga ako sa kanya dahil sa mga rumor sa school kaya intriga na ako nang makita ko siya.

"So, ano? 'Di mo aangkinin ang bata sa tyan ko? Binuntis mo ako. You had sex with me two months ago. It was supposed to be a protected sex but you took off your condom and put your d*ck in me kasi yun ang gusto mo," halos mangiyak-iyak niyang sabi.

'Di ako sumilip dahil baka makita nila ako. So, totoo nga sinabi ni Claire kanina na baka buntis siya. Pero sino yung kausap niy—

"I'm sorry but that's not my child. 'Di ko papanagutan 'yan."

No'ng nagsalita ang kausap ni Raigne, medyo nakaramdam ako ng kirot sa loob ko. Ang dami tuloy pumasok sa isip ko pero baka nagkataon lang na pareho lang sila ng boses.

"Don't wait na ako mismo magsasabi nito sa boyfriend mo, Paul."

"Don't you dare—"

Just right after I heard she called him by his name, I went out behind the tree I was hiding. Pareho silang lumingon sa akin nang napansin nila ang presensya ko. 'Di ko mapigilang maluha nang makitang si Paul nga ang kausap niya.

Si John Paul Abellana.

"Ely," he called me and walked towards me but I stepped back.

"You don't have to explain. Narinig ko lahat, Paul," nauutal kong sabi. Tinignan ko naman ang hawak kong paperbag na naglalaman ng regalo ko sana sa kanya sa monthsary namin. Napatawa na lang ako.

Lumapit ako sa kanya at binigay ang paperbag. "Happy monthsary."

Isang pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya bago ako umalis sa harap niya at tumakbo palayo. 'Di ko inaasahan na gan'to pala ang madadatnan ko. Narinig ko mismo kay Raigne ang lahat.

Siguro nga, tama ang narinig kong player nga talaga siya. Kaya nga siguro, ginantihan siya ni Ate Chesca sa mga pinaggagawa niya dati. Sana, 'di ko na siya pinagbigyan pa.

Sana 'di na lang siya yung pinili ko sa umpisa pa lang.

Kung alam ko lang na ito ang mangyayari.

Lumabas ako ng Cailer U at pumara ng masasakyan na jeep pauwi. Sumakay ako sa pinakadulo at sumandal. Wala na akong pakialam kung mapansin ako ng ibang tao dahil sa paghagulgol ko.

Niloko ako.

Siguro nga, malas ako pagdating sa pag-ibig. Sana hindi na ako humiling pa kung masasaktan rin pala ako sa huli.

Kinuha ko ang earphones ko at kaagad nagpatugtog ng kanta para naman gumaan ang pakiramdam ko pero unang tumugtog yung paborito pang kanta ni Paul. Mas naiyak na lang ako.

Pagpindot ko ng next button, ibang kanta na pinapakinggan ko. Tinignan ko ang phone screen. It was playing Dear John.

Tamang-tama.

Habang dinadamdam ko bawat linya ng kanta, patuloy ring tumulo ang mga luha ko. Inaaalala ko ang bawat sandaling kapling ko siya. Mga masasayang alaala kasama siya. Yung boses niya. Yung ngiti niya. Yung mukha niya.

'Di ko aakalaing ang mga bagay na nagpapangiti sa akin ay magpapaiyak sa akin ngayon.

Wala na. Siguro hanggang doon na lang ang lahat na tungkol sa amin. Akala ko siya na.

Akala ko lang pala.

Ramdam ko namang parang nag-iiba na ang takbo ng jeep hanggang sa sumigaw ang driver sa harapan. "Walang preno!"

Kita ko ang takot ng mga kapwa ko pasahero sa loob ng jeep, ngunit huli na ang lahat nang lumiko ang sinasakyan namin at bumundol sa isang pader sa gilid ng kalsada. Isang malakas na pwersa ang naramdaman naming lahat at sa muling pagdilat ko ay nakahiga na ako sa kalsada, 'di makatayo, duguan hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay.

His Favorite Song (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon