Chapter 20

131 10 4
                                    



This Kiss
Carly Rae Jepsen
1:00 ──|────── 3:48
|◁          II          ▷|



ELY



"Oy Claire, sige na, pauwiin mo na 'ko! Pagod na ako tsala wala na akong maisip na hula-hula sa mga customer eh!" sabi ko kay Claire habang nag-aantay kami ng susunod na customer.

"Ikaw? Pagod? Sino ba yung mas pagod, yung umuupo lang o yung todo sigaw dito sa labas para may customer tayo?" sabi niya.

"Pwede namang hindi ka sumigaw jan dahil may megaphone ka na no! Tsaka paulit-ulit lang yung sinasabi mo jan! Parang ka ngang sirang plaka jan!" sabi ko pa.

"Ewan ko sa'yo! Balik ka na do'n sa loob!" sabi pa niya.

"Break na lang! Huhu, gutom na ako eh!" pangungubinsi ko pa.

"Akin na muna phone mo."

"Ha? Bakit naman?"

"Naniniguro lang. Para may rason na bumalik ka dito sa booth," sabi pa niya saka ko sinuko ang phone ko sa kanya.

Umalis naman ako sa booth at pumunta sa food booths. Mukhang mas masarap ang mga pagkain nila ngayon kaysa last year.

Nakahanap naman ako ng booth na nagtitinda ng bananacue. Naku, tamang-tama dahil nagc-crave ako ng bananacue ngayon!

"Ate, pabili po bananacue," sabi ko sa tindera.

"Naku, may cute akong customer! Dagdagan ko na lang ng isang stick yung sa'yo, libre ko na!" sabi ng ale.

"Salamat po!" sabi ko na lang. Awie, nilibre pa ako ni Ate.

"So you really like bananacues?" rinig kong tanong ng katabi ko kaya napalingon ako.

Nakatingin siya sa akin pero naka-mask siya kaya 'di ko siya makilala. "Sorry, ako ba kinakausap mo?" sabi ko sa kanya.

Binaba niya ang mask at saka ko lang siya na nakilala. "Ely, right?" tanong niya.

Oh no. Siya yung lalaking nasiraan ng kotse no'ng nakaraan. Shemay, anong ginagawa niya rito?

"A-ah, sino ka? Di kita kilala, sorry," sabi ko na lang at kukunin ko na sana yung paperbag na naglalaman ng bananacue nang biglang binawi ng tindera.

"Oy jowa mo? Naku, ang pogi naman! Bagay na bagay kay--"

"Naku hindi po! Hindi ko siya boyfriend!" depensa ko.

"But I can be if you want to," sabi nitong Nathan na ikinainis ko lang.

"Sige po, Ate, eto po yung bayad! Thank you po!" sabi ko sabay kuha ng paperbag saka dali-daling umalis.

Buti naman ay hindi na sumunod yung Nathan na yun--

"Hey! Tumingin ka sa dinadaanan mo!"

"Ay hala, sorry po!" sabi ko nang may nakabunggo akong lalaki sa daan saka kumaripas ng takbo pabalik sa booth.

Pagdating ko ay sinalubong naman ako ng maingay na Claire sa labas ng booth.

"Oh, ba't parang takot na takot ka jan?! OMG 'wag mong sabihin na drug pusher ka na pala at hinahabol ka na ng pulis! Ano yan, droga--"

"Alam mo ang OA mo, sabihin mo lang na ayaw mo ng bananacue dahil uubusin ko na lang 'to nang mag-isa," sabi ko sa kanya.

"Oy pahingi naman oh! Nagbibiro lang kasi ako hehe," sabi niya.

"Huli ka!" Nagulat ako nang may humablot sa braso ko.

"Ha?"

"Pasensya pero nanghuhuli kasi kami ngayon ng mga nakasuot ng pink," paliwanag ng nakahawak sa akin.

"Wala naman akong pink eh!" sabi ko.

Saka ko lang din na-realize na may pink akong cap. Na naman. Nagpumiglas ako pero napakahigpit ng hawak niya sa akin.

"Oy yung bananacue ko!" sabi ko kay Claire kaya agad binigay sa akin yung isang bananacue bago ako dinala sa Jail Booth nila.

Nagmukha tuloy akong bata na kinakaladkad ng sariling ama. Psh.

Ipinasok na nila ako sa kulungan at sinubukan kong kumbinsihin yung humablot sa akin pero umalis siya agad.

Hays, maghihintay na naman ako ng magtutubos sa akin. Ewan ko ba kay Claire, kasi kahit kailan, wala talaga siyang planong tubusin ako kapag kinukulong ako sa Jail Booth nila. Psh.

Habang hihintay ako ay inubos ko muna ang hawak kong bananacue. Buti na lang nawala yung stress ko dahil sa sarap nito.

"Ely..." rinig kong sabi ng lalaki sa labas ng kulungan. Nagulat ako nang makitang si Vince pala yun kaya bigla akong nabilaukan.

"T-tubig!"

"W-wait! Kukuha ako!" sabi niya saka umalis. Agad namang siyang nakabalik at binigay sa akin ang bottle.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang mainom ko ang tubig. "Salamat--"

Bigla niyang binuksan ang pinto ng kulungan. "Uhm, gusto mo bang lumabas?"

"Bakit nasa iyo ang susi?" tanong ko.

"Ako ang tutubos sa'yo."

Nagtataka naman ako pero hinayaan ko na lang siyang tubusin ako kaysa ikulong nila ako dito ng magdamag.

Nasa field kami ngayon ni Vince at kumakain ng kwek-kwek. Favorite namin 'to noong close pa kami, kaya nagulat ako nang sabihin niyang favorite pa rin 'to hanggang ngayon.

"Kamusta ka na?" panimula ko.

"Okay lang, pero hindi na tulad dati na may kinukulit ako," sabi pa niya.

"Sus, na-miss mo yata ako," sabi ko at napatawa kaming dalawa.

"Oo, na-miss ko na ang dati kong bestfriend," sabi niya at napalingon kaming dalawa sa isa't isa. Agad namang akong umiwas ng tingin.

"So, ikaw lang pala ang tumutubos sa akin ng pasikreto last year?" tanong ko.

"Oo."

"At nagbibigay ng note?"

He nodded.

"Inaamin ko na naging gag* ako no'ng high school pa lang tayo, Ely..."

"Vince, hindi ka ga--"

"No. I really was. Halos hindi ko na mapatawad ang sarili ko no'ng narealize ko na pinakawalan ko lang yung taong laging andyan sa akin. No'ng panahong laging may away sa bahay, andyan ka sa tabi ko Ely. No'ng panahong lagi akong may napapanalunan, andyan ka rin sa tabi ko. Pero ano ang ginawa ko? Pinaglaruan ko lang ang puso mo."

Hinintay ko munang intindihin ng sistema ko ang lahat na sinabi niya. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Vince, matagal na 'yun. Tsaka napatawad na rin kita. No need to recall those memories na binaon na natin," I said then gave him a smile.

Bigla niya akong niyakap kaya niyakap ko naman siya pabalik.

"Are we friends now?" tanong niya.

"Hindi naman kita yayakapin pabalik kung hindi, di ba?" sabi ko at pinisil niya ang pisngi ko.

"You're still the cutest, Elmo!" sabi niya na ikinainis ko naman.

"Call me Elmo at babawiin ko ang sinabi ko!"

Pagkatapos ng usapan namin ni Vince ay sinamahan niya ako pabalik sa booth namin at do'n ay sinalubong ako ni Claire. Tinaasan pa nga ng kilay si Vince, pero buti na lang napakalma ko. Alam niya kasi ang history namin ni Vince.

Pagsapit ng 5PM ay umalis na kami ni Claire dahil hanggang jan lang ang afternoon shift namin. Bale, may papalit naman sa amin sa gabi.

"Bes, ayaw mo talagang magpagabi? May party daw mamaya dito eh!" sabi ni Claire.

"Psh, pagod na ako Claire tapos ipapapunta mo pa ako sa party. Ano, ubusan ng energy?" sabi ko.

"Heto naman oh, wala na akong kasama rito huhu," sabi pa niya pero hindi ako nagpatinag.

"Psh, uwi na ako, bye!" sabi ko saka siya iniwan sa booth.

Naglakad naman ako palabas ng gate nang may nakabunggo ako na nakasalubong.

"Ay, sorry po!" sabi ko pero biglang tumitig sa akin ang nakabunggo ko.

Nagtaka naman ako ng bigla niya akong hinila patungo sa isang madilim sa lugar at isinandal sa puno. Nagulat na lang ako sa sumunod na nangyari.









Hinalikan niya ako... sa labi.

His Favorite Song (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon