Obsession 5: Life before marriage

1.4K 34 0
                                    

MAHIRAP tanggapin pero dapat. Wala akong magawa para ipag-laban ang relasyon namin ni Rance.

Paano kung hindi naman matutuloy ang kasal namin nung Xavier? Paniguradong hindi parin kami magiging masaya dahil ipapakasal din siya sa ibang babae.

Napag-desisyunan ko na wag ng pumasok ng afternoon class dahil paniguradong kakausapin ako ni Rance. Ayokong umasa siya na may magagawa siya para isalba ang relasyon namin. He can't do anything dahil ipapakasal din siya sa iba.

I'm on the way to my parent's house. Pinapapunta ako ni daddy dahil may sasabihin daw siya.

Sigurado naman akong tungkol sa kasal nanaman ang pag-uusapan.

Pinambilis ko ang pag-mamaneho para makarating kaagad ako. I badly wanted to take a rest in my condo pero kailangan ko pang umuwi sa bahay. I parked my car in our garage ng bigla akong napatigil.

Bakit may Ferrari na kotse dito?

Sa pag-kakaalam ko walang kotse si dad na Ferrari. Kanino kotse ito?

Dali dali akong pumasok sa loob ng bahay at nagulat ng makitang nag-uusap sina mommy at daddy kasama si Xavier.

So sa kaniya 'yung kotse sa labas?

"Thanks for understanding us, anak. Mabuti nalang at sinunod mo kami." Ani mommy.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Understanding?" Tanong ko.

"Oo dahil nakipag-hiwalay kana kay Zrel. Mas magiging madali ang kasal niyo ni Xavier." Nakangiti nitong sabi.

Nagulat ako sa sinabi ni mom.

"Papaano niyo nalaman?" Tanong ko.

Papaano nila nalaman eh hindi ko man sila sinabihan?

"Xavier told us."

Nalipat ang tingin ko kay Xavier dahil sa sinabi ni daddy. Paano niya nalaman eh umalis na siya kaninang pinag-usapan namin ni Rance ang tungkol dun?

"H-how did you know that?"

Hindi niya ko sinagot bagkus tumingin lay daddy. Aba bastos to ah!

"I guess kailangan na niyang malaman, Tito." Aniya kay dad.

Tumikhim si daddy bago siya nag-salita. "You need to marry Xavier right away, Margo.   Bukas na bukas ay ikakasal na kayo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni dad.

"B-bukas?" Hindi ko makapaniwalang sabi.

"Oo anak. Bukas. Prepare yourself dahil sa Italy kayo ikakasal."

Lalo akong nagulat sa sinabi ni dad.

Eto 'yung sinabi ni Xavier kanina kay Rance na pupunta siya ng Italy. Doon pala gagawin ang kasal.

Mabuti nalang at nasabi kona kay Rance kanina ang tungkol sa kasal ko. Kakabreak ko lang kay Rance pero heto ako't ikakasal na agad sa iba.

Hindi ko magawang sumagot sa sinabi ni dad at lumabas nako ng bahay. I can't take it anymore. Masyadong masakit.

Pumasok ulit ako sa kotse ko at siyang pag-tulo ulit ng luha ko.

"Sorry, Rance. Ang hina ko para ipag-laban ang relasyon natin." Bulong ko sa kawalan at inumpisahan ng buhayin ang makina ng sasayan.

Kailangan kong makalimot.

X. A. V. I. E. R (Point of view)

NAPAILING ako ng umalis ulit si Margo ng bahay. Bakas parin sa mukha niya kanina ang lungkot at galit.

Mafia's Obsession #3.1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon