Obsession 8: Welcome to Italy - Part two

1.1K 23 0
                                    

KASAMA ko sina Tita Xyrene at Tito Javier habang si Xavier naman ay hindi ko alam kung saan pumunta. Mukhang kasama niya ang parents ko kaya wala rin sila.

"We can rent a condo, Tita. Hindi namin kailangan tumira sa bahay niyo." Sabi ko sa mommy ni Xavier.

She wants us to live in their mansion! Kakahiya.

"You're my son's fiancé, Margo. Malapit na kayong ikasal. You better stay here with your family para pag-usapan din ang kasal niyo."

Napag-bugtong hininga ako sa sinabi ni Tita. Mukhang wala nakong magagawa sa gusto niya.

"Xyrene is right. Magiging asawa ka na ni Xavier kaya mabuti ng dito ka tumira sa mansion. You're part of our family, Hija." sabi
naman ni Tito Javier.

"Titira sila dito sa mansion?"

Napalingon kami sa nag-salita. "Yes, anak. I'm sure you'll like it dahil mas magiging close kayo ni Margo."

Nag-salubong ang kilay ni Xavier dahil sa sinabi ni Tita.

Mukha namang hindi niya rin gusto na dito kami mag-stay. Well we're same. Ayaw ko ring makasama siya sa iisang bubong.

"Ciao! Oh god I miss you Tita and Tito!"

Napalingon kami ulit ng biglang may sumulpot na isang babae at kasama pa nito ang parents ko. Who is she?

Sa mukha nito hindi siya mukhang pinay.

"Is that you Naomi? Oh god! Give me a hug." Ani Tita Xyrene at nag-yakapan sila nung Naomi.

Mukhang mag-kakilala silang dalawa.

"Buongiorno!" Nabigla ako ng batiin ako nung babae. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman siya maintindihan. I think she's talking in Italian language. Malamang nasa Italy! "I said good morning." Anito at ngumiti.

She's pretty. Matangkad din ito at napaka-charming ng mukha.

Kamag-anak ba niya sina Tita Xyrene?

"Good morning too." Sagot ko kaya naman lalo itong ngumiti at hinarap ulit si Tita.

"Who is she Tita?" Naomi asked. Hay buti nalang at english na. Hindi ko siya maintindihan sa Italian eh.

"She is the fiancé of Xavier. Meet Margo, Naomi. Siya ang magiging asawa ni Xavier." Nakangiting sabi ni Tita.

Ngumiti si Naomi at nabigla ng bigla nya kong niyakap. "Che piacere vederti!" Aniya kaya hindi ako makasagot sa sinabi niya. Bumklas siya sa yakap at hinarap ako. "Oh sorry. I must speak in english. Che piacere vederti means how nice it is to see you." linaw niya.

Medyo nahiya ako dahil kailangan niya pang i-translate into english para maintindihan ko. "I'm glad too." Sagot ko sa sinabi niya.

Ngumiti lang siya bilang sagot at hinarap si Xavier.

"Come stai?" Nakangiti niyang sabi kay Xavier.

Ngumiti pabalik si Xavier kay Noami. Aba marunong palang ngumiti ang masungit na Xavier? "Sto bene grazie, e tu?"

Napanganga ako ng mag-salita ng Italian si Xavier.

Omg marunong siya!

Malamang self dito siya lumaki sa Italy! I said at the back of my mind.

Mafia's Obsession #3.1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon