M. A. R. G. O. (Point of view)
KINABUKASAN nag-ayos ako ng sarili para sa pupuntahan namin ni Ella. Pupunta kami sa birthday party ng kaibigan namin.
"Where are you going?" Xavier asked.
Bakit ba bigla bigla nalang siyang sumusulpot?
Kakalabas ko lang sa condo ko at heto siya't nasa harapan ko. "It's none of your business."
Hindi siya kumbinsido sa sinabi ko kaya mas lalo pa nya kong nilapitan,
Tinakpan ko ang bibig ko.
"Why covering your lips?"
"Malamang lumalapit ka! Mahirap na baka halikan moko ulit." I said. Parang nag-kaphobia nako sa kaniya. Bawat lapit niya kasi sakin hinahalikan niya ko.
Kaunti siyang natawa. "Why Margo? Don't you like my kisses?" He said and lean on me.
Umatras ako while still convering my lips. "At bakit ko naman magugustuhan ha? Bastos ka!"
Tumawa lang siya at umayos ng tayo. Kaagad namang sumeryoso ang mukha niya. Hay bipolar talaga. "So, saan ka nga pupunta?"
Ang cool nyang tignan.
Imagine, naka-sweatpants siya at naka v-neck na white t-shirts tapos nakapamulsa pang nakatayo sa harapan ko?
Daig nya pa ang mga partners kong modelo eh.
"Wala ka ng pake dun." Sabi ko at nilagpasan na siya.
Nag tuloy tuloy lang ako sa pag-lalakad hanggang sa marating ko na ang kotse ko. Akmang papasok nako sa loob ng kotse ng biglang-
"What the hell?!" Sigaw ko ng hilain ako ni Xavier papunta sa passenger seat at sapilitang pinaupo dun.
"Stay still." He said and went to the drivers seat.
Hibang ba siya?!
Anong ginagawa nya sa loob ng kotse ko?!
"Lumabas ka nga!! May pupuntahan ako! Get out! Chu!" Sigaw ko at tinutulak siya.
Hindi siya natinag bagkus binuhay ang makina ng kotse. "Sorry but I'm stronger than you, Vita mia." He said and winked me.
Padabog akong sumiksik sa upuan ko. How dare him to enter my car without my permission! Sarap nyang sakalin!
"Why wearing a backless top?" He asked.
Napatingin ako sa sarili ko. Abat napansin niya pala ang suot ko? Nag-suot kasi ako ng backless white top with matching a skirt, tapos naka high heels din.
"Pake mo?"
"I have my rights. You're my fiancé. Next time don't wear that fucking revealing clothes. Nakakaakit 'yang suot mo."
Hindi ko masyadong rinig ang huli niyang sinabi dahil ibinulong niya lang 'yun. "Pardon?"
"Nevermind. Nga pala, saan ka pupunta? You have to answer me this time dahil ako ang nag-dadrive."
No choice talaga ako! "Empire hotel."
"Fuck?"
"Anong fuck ka dyan?"
"Tangina bakit sa hotel ka pupunta?"
"Malamang doon gaganapin ang birthday ng kaibigan ko!"
Huminahon siya sa sinabi ko. "Damn. Buti nalang at sinamahan talaga kita." Aniya at nag-taas ng isang kilay, "Who's that friend?"
BINABASA MO ANG
Mafia's Obsession #3.1 [COMPLETED]
RomanceUW SERIES #3: XAVIER LEGAZPI BTS Kim Seokjin as Xavier Legazpi G-FRIEND Kim Sojung as Margo Faye Vasquez Being obsessed with someone isn't good. He is a normal person and that's what everyone knows. Upon being a perfect guy- he has a vulnerable secr...