Obsession 16: Buonanotte, Vita mia

904 20 1
                                    

M. A. R. G. O. (Point of view)

HANGGANG ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nalaman ko tungkol kay Terrence.

Ligtas ba na makasama namin siya sa iisang bahay?

Alam kong delikado ang isang Mafia dahil sa mga naririnig ko at nababasa ko tungkol sa kanila. How can he kill someone? Ang hirap isipin na kaya nyang pumatay ng tao.

He's a jolly person but deep inside, he's dangerous.

Dapat kong makausap si Xavier tungkol kay Terrence, dapat maging maingat kami sa pag-sama sa kaniya dahil pati kami ay pwedeng mapahamak .

Alas onse na pero hindi parin ako makatulog.  Hanggang ngayon iniisip ko parin ang naging usapan namin kanina.

Lumabas ako ng kwarto at nag-tungo ng kusina para sana uminom ng tubig—

"Oh god!"

Napasigaw ako ng makitang may nakaupo sa dining table. Ahh! Nakakagulat! Madilim sa paligid kaya hindi ko makita kung sino ang taong 'to.

I open the switch at tinignan kung sino siya. "X-xavier?"

Nag-angat siya ng tingin sakin. He's looking at me intently. Ang pupungay ng mga mata niya.

"B-bakit gising ka pa?"

Teka.. Bakit ako nauutal?

Yumuko siya sa lamesa at ininom ang isang lata ng beer. "I can't sleep."

Napa-isip ako sa sinabi niya. Dahil nanaman ba 'to sa insomia niya? So hindi siya nagbibiro? May insomnia talaga siya?

"You think, solusyon 'yang beer para makatulog ka ha?"

Tumingin siya ulit sakin.

Hindi ko maiwasang mapalunok. Bakit napakaamo ng mukha niya ngayon?

"Please.. Dont..hate..me.."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Huh?"

"I said don't hate me."

Ramdam kong sincere siya sa sinabi niya. Don't hate him? Seriously? Eh kahit sabihin niya 'yan hate ko parin siya!

Pero hindi naman 'yung sobra sobra.

I just hate him dahil sa masungit nyang ugali.

"Lasing kana. Why don't you try to sleep? I'm sure makakatulog kana nyan." Wika ko.

Lumagok ulit siya ng beer. "Told yah.. Hindi ako makakatulog kapag wala akong kasama. Paano ako makakatulog kung hindi naman kita nakikita?"

Napanganga ako sa sinabi niya.

Seryoso ba 'to?

Mukhang pinag-titripan niya ko eh.

"Don't joke me aroud, Xavier. Gabi na. Tulog kana. Pinapataas mo nanaman ang high blood ko eh." Sabi ko at dumaretso sa refrigerator at kumuha ng tubig.

Mafia's Obsession #3.1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon