Cielo 1 (April 8, 2019)🌇

74 4 0
                                    

"Kumusta kana Cie? Sampu ka palang nong huli kitang nakita!Mabuti nalang at nakabisita kayo dito ni mama mo. Nakuu dalagang dalaga kana!"

Pinilit kong ngumiti sa harap ni tita Aiza at napakamot sa ulo ko.

Ganito talaga mga dialogue ng mga tita kapag nakita nila muli ang long lost pamangkin nila.

Nakakaawkward lang kase hindi ko alam sasabihin sa kanya since ngayon ko lang siya nakita pagkatapos ng halos siyam na taon. Yun yong time na nagbakasiyon siya sa probinsiya namin dahil nagkaroon kami ng family reunion.

"Feel at home ka lang dito hija, pupunta lang muna ako sa kusina para magluto ng pananghalian natin" nakangiti niyang saad saka umalis na. 

Umikot ang paningin ko sa bahay niya. Sementado, hindi pa gaanong tapos kase wala pang finishing at pintura, simple at kakaunti lang ang gamit.

Napatingin naman ako ngayon sa bintana at tinatanaw ang lugar nila. Isa din itong probinsya tulad na lamang ng lugar na pinanggalingan ko. Tahimik, madaming kahoy at maganda ang tanawin. Malaking akala ko na malasyudad dito pero nagkakamali ako.

Napasandal ako sa upuan at parang ngayon ko lang napansin ang pagod sa haba ng naging biyahe namin ni mama.

Summer ngayon kaya naisipan niyang magbakasyon dito. Sa katunayan ay hindi naman ako ganon ka willing dahil trip ko pa sana instead magbakasyon kasama ang boyfriend at barkada ko papuntang Cebu, pero yun nga hindi natuloy dahil bago paman ako makapagpaalam kay mama ay nakabili na pala ito ng ticket papunta dito.

"Tulungan ko lang si tita mo" sulpot ni mama na nakaupo rin sa isa pang sofa, tumayo siya saka pumunta na din sa kusina.

Naisipan kong kunin ang cellphone ko at kaagad napakunot ang noo ko ng makitang no network ito.

Walang signal dito?!

Kaagad ako napatayo at winagayway sa ere yong cp ko. Shocks! Hindi pwedeng walang signal dito! Pano ko makokontact si Hanz niyan?!

"Anong ginagawa mo ate?"

Nagitla ako sa nagsalita. Napagtanto kong si Adrian pala yun na nakaupo lang sa sahig sa gilid while playing his toy, siyam na taong gulang na siyang anak ni tita, in short pinsan ko siya.

"W-wala ba kayong signal dito?" Tanong ko dito

Napatingin ito sa nilalaro niyang robot na laruan. "Wala po eh, pahirapan ang signal dito sa amin"

Napabusangot nalang ako at ibinulsa na lamang yong cp ko.

Pano na yan?! Aishh!

Baka isipin ni Hanz ayoko siyang makausap! Nooooo!

"Pero kung kailangan mo talaga ate, may alam akong lugar kung saan madalas magpasignal si mama pag may gusto siyang tawagan" Adrian saka inosenteng nakatingin sa akin.

Umupo muna ako ulit sa inuupuan ko kanina saka nangalumbaba.

"Saan naman? Sa bayan niyo?"

So kailangan ko pa pumunta don para lang magpasignal? Ang effort naman.

"Hindi po, masyadong malayo ang bayan dito"

Mukha nga... Hayzzz.

"Eh nasaan?" Tanong ko nalang ulit dito

Baka naman pinagloloko ako ng batang to?

"Andon oh, hindi naman kalayuan" sya saka nakaturo sa labas ng pinto.

Napatingin naman ako doon, puro lang naman kahoy ang nakikita ko, pero may iisang bahay kubo na nakatayo sa gitna neto.

"Doon sa katabi ng maliit na kubo sa may puno ng santol, dyan, may signal dyan pero minsan mahina" dagdag pa nito.

Nakita ko yong tinutukoy niyang puno ng santol. Ano banaman yan, nakakatakot naman don. Hayzz!

Nagpatuloy nalang ulit sa paglalaro si Adrian, habang ako napapahikab nalang sa sobrang bored. Ano nalang gagawin ko dito? Magtitiis ako ng dalawang linggong walang kontak sa mga barkada at boypren ko?! Tsk!



"GUSTO mo bang mamasyal Cie?"

Napatingin ako kay tita, kumakain na kami ngayon ng pananghalian.

Pinilit kong ngumiti. Saan naman kaya kami mamamasyal dito? Titingin kami ng mga kahoy at mga farms? Eh ganto din naman yong nakikita ko araw-araw sa lugar namin.

"May sikat ditong talon sa lugar namin, maligo tayo don bukas!" Dagdag pa ni tita saka nagpatuloy na sa pagkain.

"Sige, magandang ideya yan Aiza" sulpot naman ni mama

Talon? Waterfall yun diba?
Nakaramdam naman ako ng kakaunting excitement, feel ko din kase magswimming.

Pagkatapos kumain ay nagkwentuhan pa sina mama at tita, habang ako naman ay naghugas ng pinggan, nakakahiya naman kase.

Tinutulungan ako ni Adrian sa pamamagitan ng pag igib niya ng tubig mula sa kanilang puso na ginagamit kong pangbanlaw sa mga pinggan.

"Wala kabang kalaro dito?" Naitanong ko kay Adrian na nagbobomba ng puso.

Para kaseng wala akong nakikitang bata kanina pa.

Napatingin ito sa akin "Meron po, marami sila sa katunayan. Mga bandang hapon pa po o di kaya umaga yun lalabas sa mga bahay nila para makipaglaro" saad neto.

Napatango na lamang ako.

"Eh ang papa mo? Nasan siya nagtatrabaho?" Tanong ko pa ulit.

Sa pagkakaalam ko ay nag aayos yon ng mga sirang motor at kotse. Ano nga ulit tawag don? Mekaniko??

"Sa kabilang barangay siya nagtatrabaho, madalas hapon o di kaya ay gabi na siya umuuwi" sagot niya

Napatango tango nalamang ako ulit.

Ang simple ng buhay nila.
Kami naman ay kahit nasa probinsya nakatira ay masasabi kong may kaya kami dahil narin sa trabaho ni papa na seaman.

Napatingin ako ulit sa pamamahay nila. Pag ito ay natapos at napinturahan ay tiyak na gaganda ito. Siguro ay pinag iipunan pa ito ni tita Aiza.




Nang mag alas dos ay napagdesisyunan naming magsiyesta ni mama, napagod din kase siya sa byahe. Pinatulog kami ni tita sa isang vacant room na plano nilang gawin talaga as guest room. 

Mabilis na nakatulog si mama pero nanatiling gising ang aking diwa. Ano bayan! Inaantok ako pero hindi ako makatulog! Siguro naninibago lang ako dito kaya ganun.

Nagpatagilid ako saka kinuha ang cellphone kong wala paring signal.

Nagwoworry na ako na baka marami nang text yong si Hanz. Mabilis panaman yon magtampo.

Naalala ko bigla yong itinuro sa aking lugar ni Adrian na may signal daw. Punta kaya ako don bukas? Magpapasama nalang ako kay Adrian.

Maya maya ay hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

---
A/n: Don't forget to vote, comment and share.
Photo from Pinterest

Cielo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon