Cielo 10 (April 16, 2019)🌇

35 3 0
                                    

"Everything's going to be okay Cie. Mama is here for you" naiiyak na saad ni mama sa akin habang yakap yakap niya ko.

Napapahagulgol narin ako ng di oras. Akala ko naubos ko na lahat ng luha ko kagabi. Akala ko naubos na yong sakit. Akala ko mamamanhid nalang ako.

Pero hindi eh, naiiyak at nasasaktan padin ako.

Napagdesisyunan ko nang sabihin kay mama ang lahat kani-kanina lang. Di ko na kayang harapin tong problema ng mag isa. Para akong nalulunod na hindi ko alam.

Kumuwala si mama sa pagyakap sakin saka hinarap ako.

"You'll be fine. Maybe not now but soon."

Umiiyak lang ako. Gusto kong magpakatatag pero hindi ko na kaya. Hindi ko kinaya ang mga sunod sunod na pangloloko ng dalawang taong kapwang mahahalaga sa buhay ko.

"I-I'll help you Cie... Hindi ko hahayaang maging ganto ka habang buhay"

Napatingin ako kay mama. After all, I should be thankful that I have my mother who always there for me. Kung wala siya hindi ko na alam ang gagawin.

"Gagaling kadin, I- I promise" mama saka niyakap ako ulit.

Nakunot ang noo ko sa sinabi ni mama. Gagaling? What does she mean?

Pero narealize ko nalang na siguro she is referring to my heart. Ang puso ko na durog na durog na. I hope so na gagaling nga ito, but I'm sure it will be hard. Hindi ganun yun kadali.

Pagkatapos ng ilang minuto ay hinayaan na ako ni mama sa kwarto at lumabas na. Humiga ako at patuloy sa pagtulo ang mga bwesit kong luha. I look pathetic, and I hate it. Pero tao lang din ako, nasasaktan.

I should be the one Hanz love the most. I should be the one who will be marrying him.  I should be the one who will become the mother of our child in the future. I should be the one who will be with him till we grow old.

Pero hindi na yon mangyayare. That Bebecel stole all of that from me, and I can't accept it!

Parang bigla nalang akong nawalan ng gana sa buhay. Parang ang dilim dilim ng paligid ko.

Napatingin ako sa bukas na bintana dito sa kwarto ko. Umuulan ngayon, at dumadagdag yon ng kalungkutan sakin. Para bang nakikiayon ang panahon sa nararamdaman ko ngayon.

Kalahating araw akong nanatili sa kwarto. Dinalhan nalang ako ng pagkain ni mama pero hindi ko naman kinakain kase wala akong gana.

Pagsapit ng hapon ay nagpunta sa bahay sina Annie, Feleah at Mayca para sana yayain daw akong gumala pero hindi naman ako pumayag, wala akong ganang umalis ngayon sa bahay ni tita.

Nanatili sila ng mga kinse minutos sa kwarto ko at nakipagkwentuhan, puro tango lamang at pilit na ngiti ang naging tugon ko sa kanila, tinanong panga nila kung bakit namamaga daw ang mata ko pero di ko sila sinasagot. Sa totoo lang ayoko munang may makausap ngayon, pero nakakahiya naman kung papaalisin ko ang tatlo.

Umalis din naman sila ng kusa di kalaunan. Habang ako ay patuloy na nakahiga sa kama.

Kahit maligo man lang di ko na magawa.

Ayokong maging miserable. Pero masisisi ba nila ako? Sobrang bigat ng pinagdadaanan ko ngayon.

Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan. Nagising nalang ako na medyo madilim na ang paligid, kaagad akong tumingin sa relo ko sa sidetable at napagtantong alas singko y medya na pala ng hapon.

Umupo ako sa kama at nakatulalang nakatitig sa sahig. Blangko ang isip ko ngayon. Para bang namanhid na ako.

Tumayo ako at kumuha ng suklay at humarap sa aparador na may salamin sa gilid.

Pinagmamasdan ko ang repleksiyon ko doon habang sinusuklay ang aking buhok.

Napatigil ako di kalaunan at tinitigan ang mukha ko.

Ano bang wala sa akin na meron kay Bebecel?
P-panget ba ako sa paningin ni Hanz?
Hindi ba ako naging mabuting girlfriend?
S-san ako nagkulang?

Tumulo nanaman ulit ang mga traydor kong mga luha. Nakakainis! Nakakasawa na!
Wala akong magawa kundi ang umiyak lang ng umiyak! Kung sana lamang ay nandon ako sa lugar namin ay kinumpronta ko na ang mga walang hiyang dalawang yon. Pero hindi eh, ilang araw pa bago kami makauwi ni mama. Nakakainis!

Bigla ko na lamang naihagis yong suklay ko, dumiritsyo iyon sa labas ng bintana na nasa gilid lamang nitong aparador.

Ayoko na sanang pulutin pa yon pero hindi ko kayang balewalain, nag iisa nalang yong suklay ko.

Lumapit ako sa bintana. Ilalabas ko na sana ang kamay ko para abutin ang suklay ko ng may mapansin ako.

May nakaipit na bulaklak sa gilid ng bintana kaya kinuha ko ito.

Isa itong sunflower at hindi ko mapagkakailang ang ganda ganda neto. Napatingin pa ako sa labas nagbabasakaling mahuli ko ang nag iwan neto dito pero ni isang taong dumadaan ay wala.

Napatingin ulit ako sa sunflower. Napansin kong may nakasabit na maliit na card sa tangkay nito kaya kaagad ko itong binasa.

'I'll be with you from dusk till dawn :) cheer up and be positive dear'

Habang binabasa ang bawat salita ay hindi ko na namamalayang nakangiti na pala ako.

Di ko maintindihan, pero ang lakas ng impact sakin nong letter.  Parang may kung anong humaplos sa puso ko na umiiyak at bigla nalang itong tumahan.
Kaunti at simpleng mga salita, ngunit para bang libo libong kahulugan ang nakatago dito.

Nawaglit bigla ang lahat ng nararamdaman ko. Para bang bigla nalang gumaan ang lahat.

Napatingin ako sa langit at tinanaw ang papalubog na araw.
Hawak hawak ko padin ang bulaklak at nanatiling may ngiti sa labi ko.

Eto ang kauna unahang nakangiti ako habang nakatanaw sa sunset. At imbes lungkot ay pag asa ang bigla kong naramdaman. Baliktad ang nangyayare, imbes makaramdam ako ng dilim ay sa halip nakaramdam ako ng liwanag sa puso ko.

Kasabay ng pamamaalam ng araw sa langit ay ang pamamaalam ko din sa mga luha, sa lungkot at sa miserableng ako sa araw nato.

Tuluyan na ngang umalis ang araw at nabalot na ng kadiliman ang langit ngunit lumabas ang kumikinang na bitwin at ang magandang ilaw ng buwan. Nagsasabi sa akin na hindi ako nag iisa at may mga taong nariyan sa akin para maging sandalan ko, katulad ni mama, ni papa, si tita, si Adrian, si Tito, si Marie, si Rey Mark, si Gilliane........

At si Sol.

Cielo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon