"Ingat kayo!" Sigaw ni tita saka kumaway sa amin ni mama na nakasakay na sa tricycle at palayo na sa kaniya at sa bahay niya.Naisip ni mama magpunta kami ng bayan ngayon para gumala gala at mamili narin ng mga pasalubong.
Isasama pa sana namin sina tita at Adrian kasu ayaw nila kase time na daw namin to para makapagbonding ni mama. Wala naman kaming nagawa kundi ang umalis nang dalawa lang kami.
Nakaabot kami ng kinse minutos nang marating namin ang main road kung saan dumadaan ang mga bus. Di kalaunan ay nakapara naman si mama nang bus kaya kaagad kaming pumasok at maupo.
Nasa tabi ko ang bintana at nakatanaw lang ako sa mga nadadaanan namin. Masyado kaming maaga at actually mag f-five thirty palang nang umaga. Dapat daw kase naming agahan sabi ni tita para daw hindi kami gabihin ng uwi dahil aabot dalawang oraw daw ang byahe.
Nakakaramdam ako ng kaunting excitement kahit papano pero mas nangingibabaw sakin ang lungkot. Ramdam ko padin ang sakit mula sa mga nalalaman ko kahapon kay Bebecel. Hindi ko naman ganun kadaling makakalimutan yon.
Pero pinipilit kong maging matatag at kung maaari ay wag munang isipin yun lalo nat nasa bakasyon ako. Saka ko nalang poproblemahin kapag nakauwi na kami ni mama.
Napangiti ako ng unti unting lumalabas ang araw at nagbibigay na nang liwanag. Ang ganda lang tignan.
Kung papapiliin ako kung sunset ba o sunrise? Mas paborito ko ang sunrise, kase ang sarap ng pakiramdam ko pagnakakakita ako nito. It symbolizes new beginning and hope.
Hindi ko naman sinasabi na ayoko sa sunset. Masarap din itong tignan pero may halong lungkot yon. Parang nagsasabi na tapos na, at mababalot ang paligid ng dilim.
Halos dalawang oras din akong tulala at kung ano ano ang iniisip ng hindi ko namalayang nakarating napala kami sa bayan.
Bumaba kami ng bus atsaka pumara ulit ng tricycle papuntang mall. Trip muna kaseng kumain ni mama sa fast food chain since hindi pa kami nakakabreakfast kanina bago umalis.
Kakabukas palang ng mall pagkarating namin. Kaagad na kaming pumasok at kumain sa food court. Tahimik lang ako habang kwento lang ng kwento si mama. Di ko alam, tinatamad lang talaga ako magdaldal lalo nat kumakain ako. Loyal ako sa pagkain, lol.
Habang kumakain narinig kong tumunog yong cp ko kaya kaagad ko itong kinuha sa bulsa ko at tinignan ito.
Sunod sunod akong nakatanggap ng mga text, karamihan ay galing sa mga barkada ko. May signal nga pala dito sa bayan, muntik ko pang makalimutan.
From Gilliane:
Wuy! Ayus klang? Alm mo na?
From Marie:
Did u & Bebecel talk alrdy?
From Rey Mark:
Huy gurl! Sinasabi q sau, wag n wag mng kalimutn yng paslbng q!
Nasapo ko ang noo ko sa naging text ni bakla sakin. Imbes kamustahin ako, inuna payong pasalubong niya, ayus yan.
Yun lang ang nareceive ko at wala na. Mabuti naman at hindi na nagtangkang magtext yong dalawang taksil sakin. Hayz....
Hindi ko na nireplyan ang mga text nila kase ayoko munang pag usapan yong tungkol samin ni Hanz. Ibinalik ko nalang sa bulsa ko yong cp ko.
Natapos na kami sa pagkain ni mama ng mag umpisa na kaming gumala sa loob ng mall. Namili kami ng mga damit at kung ano ano pa.
Naggrocery nadin kami para kina tita Aiza para naman may maiambag kami sa kanila, medyo nakakahiya nadin kase.
Mahaba ang pila sa counter kaya matagal kaming naghintay. Nang magsawa ako nagpaalam nako kay mama na gagala lang ako muna within the grocery department only, baka may makita pa akong pagkain na kakailanganin namin kaya ihahabol ko nalang.
BINABASA MO ANG
Cielo (Completed)
Cerita PendekWhen sun says goodbye and the sky was filled with darknes, I close my eyes as my heart felt the emptiness, it never felt before. -Cielo COMPLETED Editing Cover photo: from Pinterest