Cielo 3 (April 10, 2019)🌇

57 1 0
                                    

Nanunuod ako ng pilikulang My Perfect You sa t.v ng bigla akong yayain ni tita sa kusina para turuan daw akong magluto.

Pinaupo niya ako sa harap ng mesa at pinahiwa sakin ang mga gulay na isasangkap namin sa lulutuin niyang sinigang na baboy.

Patago nalang akong napapabusangot dahil wala talaga akong hilig sa pagluluto.

Kumain pa siguro, oo. Haha!

"Pagkatapos, ilagay na yong baboy, kamatis at sibuyas sa kumukulong tubig para lumambot ito" saad ni tita habang ginagawa ang mga instructions sa pagluluto.

Tumatango lamang ako at tumingin ulit sa mga hinihiwa kong okra. Hayyzz, nasasayangan ako doon sa pinapanood ko, hindi pa kase yon natatapos, ano kayang kasunod non?

"Pagkatapos nating mananghalian mamaya, subukan mo ding gumala gala dito Cie, maraming mga binata at dalaga dito na kaedad mo, pwede mo silang kaibiganin , mababait naman ang mga tao dito" nakangiting saad ni tita saka umupo sa upuang nasa tapat ko, hawak hawak nito ang sandok.

Nahihiyang ngumiti ako sa kanya. Pano ko gagawin yon? Hindi naman ako ganon kafriendly. At hindi ako yong tipong unang mag aaproach sa mga taong di ko kilala.

"Naku..  di bale, isasama kita sa bahay ng kumare ko bukas, ipapakilala kita sa tatlong dalaga nitong mga anak, para naman hindi ka mabagot dito, ilang araw kadin mananatili dito." nakangiti pa nitong saad.

Napatango nalamang ako bilang tugon at nagpatuloy sa paghihiwa.

Hindi ko maiwasang mailang at mahiya parin kay tita. Hindi naman kase ako yong tipong madaling makipagclose.

"May boyfriend kaba ngayon?" Pang eechos bigla ni tita

Tumango ako kaya napapalakpak ito sa tuwa. Pinilit kong hindi matawa sa naging reaction niya. Ayus ah, mukang bet pa ni tita na may boyfriend ako samantalang yong ibang tita ko lagi akong sinisermonan, kulang nalang ipamadre nila ako.

"Anong pangalan? Ilang buwan na kayo?" Naeexcite na tanong ni tita

"Tatlong taon na po kami, Hanz po ang pangalan niya" nakangiting kong tugon.

Naalala ko naman kaagad si Hanz, namimiss ko na ang lalaking yon.

Napatingin ako ulit kay tita nang wala akong marinig na reaksiyon mula sa kanya.

Bakas ang gulat sa reaksiyon niya. Naroon din ang.... takot?

"B-bakit po?" Sabi ko sa kanya. Parang bigla naman akong kinabahan, don't tell me nakakita ng multo si tita?

Napalingon lingon ako at nakaramdam ng kaunting kaba. Tumingin ulit ako kay tita na tumayo na at hinalo halo ang niluluto niya. Napansin kong seryuso na ito.

"Tita? A-ano pong problema?" Tanong ko sa kanya. Ang creepy niya.

Bigla itong humarap sa akin at ngumiti "wala hija, bigla lang sumakit tiyan ko"

Napatango nalang ako, ngeks, sumakit lang pala ang tiyan. Muntik na akong niyerbyosin.

"Nandito na ako" sulpot naman ni mama na kakapasok lang dito sa kusina at may dala dalang mga plastic na may laman ng pinamili niya mula sa palengke sa kabilang barangay. Inilagay niya ito sa mesa katabi ng mga gulay na hinihiwa ko.

"Naks naman, mabuti at tumutulong ka sa pagluluto kay tita mo" pang eechos ni mama sakin at saka nilapitan niya si tita na busy sa kakahalo ng niluluto niya.

Natapos ko naman ang paghihiwa kaya tinignan ko ang mga pinamili ni mama. Karamihan ay kakanin at mga dried fish. Nakabili din siya ng mga softdrink kaya natuwa ako, kahapon ko pa kaseng request sa kanya na bumili ng softdrink.

Cielo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon