A/n: The song that was sang by Sol for Cielo is entitled 'Never Be Alone' by Shawn Mendez.
----
Ala una palang ng umaga ng gisingin ako ni mama para maghanda ng gamit dahil uuwi na kami ngayon.
Tulala lang ako at ramdam ko din ang pamamaga ng mga mata ko dahil sa magdamagan kong pag iyak kagabi.
Mabagal at mabigat ang bawat pagkilos ko. Pagkatapos mag impake ay naligo nadin ako at nagbihis na.
Pumunta na kami ng kusina ni mama para kumain pero ni isang butil ng kanin ay hindi ko kayang nguyain. Nawawalan na ako ng gana, hindi lamang sa pagkain kundi pati narin sa buhay.
Gusto ko nalang mamatay para matapos na ang sakit. Pero alam kung hindi yun ang dapat gawin.
Nagkwentuhan pa si mama at tita ng mapagdesisyunan na ni mama na umalis na kami dahil alas singko na.
Lumabas kami ng bahay ng bitbit - bitbit ang aming mga bagahe. Sumalubong sakin ang lamig at langit na nagbubukang liwayway.
Imbes saya ay lungkot ang nadama ko rito. Baliktad sa dapat kong maramdaman tuwing makakakita ako ng sunrise.
Tumulo nanaman ang luha ko habang pinagmamasdan ko ang mga kakahuyan sa harapan ng bahay ni tita.
Walang kubo, walang puno ng santol. At ang pinakamasakit, walang Sol.
Ang bigat bigat sa luob ko na para bang nalulunod ako ngayon at nahihirapan nang huminga.
Hinaplos ko ang puso ko at napapikit na lamang.Mas pipiliin ko pa atang magstay sa mundong kasama si Sol kesa mabuhay sa realidad.
Sa realidad kung saan puro problema at lungkot lang naman ang nakakaharap ko."Anak, tara na" natauhan ako sa pagtawag sakin ni mama kaya sumakay na kami sa tricycle ni tito.
Aalis na sana kami ng may makalimutan si mama kaya dali dali itong pumasok ng bahay ni na tita.
Umalis din muna si tito kase naiwan rin into ang baon niya para sa trabaho niya.
Nakaupo lang ako at nakatanaw sa langit. Tulala lamang.
"Ate Cie"
Kaagad akong lumingon para makita ang nagsalita non.
Napangiti ako ng mapait ng makita si Adrian na nakangiti sakin.Heto nanaman. Nakikita ko nanaman.
Sa kabila na alam kong hallucinations ko lang siya, bumaba parin ako sa tricycle at niyakap si Adrian.
Umiiyak nanaman ako ng hindi ko namamalayan. Naging malapit sa akin ang batang ito. M-mamimiss ko siya.
"Mag ingat ka ate sa pag alis, at sana wag kanang babalik pa"
Napabitaw ako sa kanya at nanatiling may ngiti sa kanyang labi.
Ngayon alam ko na kung bakit sinasabi nila to sakin. Na dapat hindi na daw ako babalik pa.
Gusto nilang maging maayos na ako at kung maaari ay wag ko na sana sila makita pa. Dahil sa tuwing makikita ko siya, nagpapahiwatig lang yon na hindi ako okay. Na may mali sakin.
Kumuway pa si Adrian at saka naglakad na papasok sa bahay. Sinundan ko lang siya ng tingin.
Napatingin naman ako ngayon sa lupang karsada dahil nakarinig ako ng tahol ng aso. Kaagad ko nakita si Estrella na hila hila ang aso niyang si Doggy.
Nakangiti siya sakin at kumakaway. Nagpapahiwatig na nagpapaalam na siya sakin.
Ngumiti na rin ako at kinawayan din siya. Di kalaunan ay nakaalis na rin siya at napagdesisiyunan ko nang maupo ulit sa tricycle dahil bumalik na sina mama at tito.
Napabuntong hininga ako.
Para talaga silang totoo para sakin. Hindi na ako magtataka kung bakit parang napalapit na ako sa kanila.
Napamahal na sakin ang mga karakter na ang utak ko mismo ang gumawa.
Umandar na ang tricycle ni tito at umalis na kami. Pero hindi pa kami nakakalayo ng mahagip ng mata ko ang sirang kubo at puno ng santol.
At doon. Nakatayo si Sol na nakangiti at kumakaway lamang sa akin.
Sa pagkakataong ito tumulo ulit ang luha ko.
Si Sol na naging sandigan at kaibigan ko. Si Sol na nariyan noong malungkot ako. Masasabi kong hindi ako magsisisi na nakilala ko siya.
Sa huling pagkakataon at tinignan ko si Sol at ngumiti.
Susundin ko ang sinabi mo sakin.
Aalis nako dito, at hinding hindi na babalik pa. Masakit pero yun ang nararapat. Salamat sa lahat.Tumingin na ako sa harap at pinahid na ang mga luha ko. Naramdaman ko naman ang yakap ni mama.
"Pag uwi natin. Ipapagamot kita kaagad anak."
Ngumiti na lamang ako sa kanya at hindi na nagsalita pa.
Pagkatapos sa tricycle ay sumakay na kami ng bus ni mama. Naging mahaba ang byahe kaya nakatulog ako.
Hapon na noong makarating kami ng barko.Kinaumagahan ay narating namin ang probinsya namin at kaagad sumakay ng bus ulit. Nang narating ang bayan namin ay saka naman kami sumakay ng tricycle para marating ang aming bahay.
Pinagmamasdan ko lamang ang mga kabahayan, taniman at mga tao na nadadaanan namin.
Huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng bahay namin kaya kaagad na kaming bumaba ni mama.
Habang nagbabayad si mama sa driver ay nakatitig lang ako sa bahay na nasa harap ko.
Nakauwi na rin ako sa wakas.
![](https://img.wattpad.com/cover/231660260-288-k700619.jpg)
BINABASA MO ANG
Cielo (Completed)
Short StoryWhen sun says goodbye and the sky was filled with darknes, I close my eyes as my heart felt the emptiness, it never felt before. -Cielo COMPLETED Editing Cover photo: from Pinterest