Maaga akong nagising at naligo.
Nagsaing nalang din ako since hindi pa gising sina mama at tita.Mabilis na naluto ang kanin ng mapagdesisyunan kong manood ng t.v sa salas.
"Oh Cie? Ayus kana?"
Napatingin ako kay tita na kakalabas lang ng kwarto niya.
Pinilit kong ngumiti sa kanya at tumango.To be honest, hindi pa talaga ako totally okay, pero kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko. Hindi na ganun kabigat katulad ng kahapon.
Ngumiti lang si tita sakin saka naupo siya sa sofa sa tabi ko.
"Mabuti naman kung ganon. Naku, ang bata mo pa para malugmok sa problema. Di bale, para makalimutan mo na yan, gagala tayo ulit mamaya! Libutin natin ang buong baranggay namin. Lalakarin natin para masaya" nakangiti padin si tita habang nagsasalita.
Pinilit ko nalang ngumiti bilang tugon. Okay nga siguro kung gagala kami, nakakabagot din kaseng manatili sa bahay at manuod lang ng t.v.
Nagpaalam naman si tita na maliligo muna kaya naiwan akong mag isa ulit sa salas.
Umupo ako ng maayos at napatigil ako ng makita ko ang design ng shorts ko. Floral ito at kulay pink. Naalala ko bigla yong sunflower na nakuha ko sa bintana kahapon.
Sigurado akong galing yon kay Sol. Ang ipinagtataka ko lang ay pano niya nalamang kina tita ako nags-stay? Hindi ko panaman siya napapakilala? Or maybe nakita na niya akong umuwi sa bahay?
Naalala ko naman bigla nong isang araw nong nagkantahan kami sa sirang bahay kubo. Sabay nga pala kaming umuwi, malamang sa malamang ay nakita niya akong pumasok sa bahay ni tita.
Di ko mapigilang mapangiti ng kaunti. Ang laking impact kase ng ginawa niyang pagbigay ng bulaklak sakin, pati yong card niya.
Di ko aakalaing masasandalan ko ang isang taong nakilala ko lang 9 days ago. Masyadong mabilis para maging magkaibigan kami agad pero hindi ko naman pinagsisihan yon.
Sol is a great man. So funny yet so deep kind of person. Masaya akong nakilala ko siya.
Maya maya ay nagising nadin yong iba at sakto namang naluto na ni tita yong uulamin namin kaya kaagad na kaming nagbreakfast kasama na pati si tito.
Actually madalang lang talaga namin nakakasama si Tito sa breakfast dahil kadalasan ay maaga etong umaalis papunta sa trabaho niya.
Tulad ni tita kanina, kinausap din ako ni mama kung ayus na daw ako, ganun padin naman ang naging tugon ko, pilit na ngiti at tango.
Pagkatapos kumain nanood nalang ako ulit ng t.v, mamayang ala una nalang daw kami maggagala ni tita kase may pupuntahan sila ni mama ngayong araw.
Hindi na niya sinabi sakin kung saan pero basta daw ay babalik sila kaagad. Wag nalang daw muna ako lumabas ng bahay para daw safe.
Mag-iisang oras na akong nanunuod ng t.v nang nagulat ako ng may tumawa. Tinignan ko kaagad kung sino yon at napagtanto kong si Adrian lang pala! Nakaupo siya sa isa pang sofa.
"Nandiyan ka pala?! Ninyerbusin ako sayong bata ka!" Medyong inis na sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman to sakin "hehe, tulala kase kayo ate sa t.v kaya siguro hindi moko napansin"
Napaisip naman ako, siguro nga. Masyado kase akong nakafucos sa t.v na comedy movie ang palabas. Napagtanto kong tumawa siya dahil sa pinapanood namin.
"Nakakain kana?" Tanong ko sa kanya at tinuon na ulit ang atensyon ko sa t.v
Hindi kase namin siya nakasama kumain, nakalimutan ko pa nga siya, masyadong occupied lang siguro ng utak ko, hayzz.
"Wala pa po mamaya nalang siguro, kakagising ko lang kase" sagot niya at tanging tango nalang ang tugon ko.
BINABASA MO ANG
Cielo (Completed)
ContoWhen sun says goodbye and the sky was filled with darknes, I close my eyes as my heart felt the emptiness, it never felt before. -Cielo COMPLETED Editing Cover photo: from Pinterest