"Bilisan mo na dyan Cielo, naghihintay na sina tita at tito Antony mo"
Natatarantang nilalagay ko ang mga extrang damit sa bag ko para pampalit ko mamaya pagkatapos maligo. Ngayon na kase kami pupunta sa talon.
Sinuot ko na ang bag saka lumabas ng kwarto.
"Tara na" mama saka lumabas na kami ng bahay.
Nakasakay na sa tricycle sina Adrian at tita habang ang asawa naman niya ang magdadrive sa amin. Ngayon ko lang siya nakita, at masasabi kong mukha siyang mabait.
"Sumakay na kayo" tita saka ngumiti.
Sa likuran kami umupo ni mama at kaagad pinaandar ni tito ang tricycle.
"Papano pala ang trabaho mo Antony?" Tanong ni mama kay Tito.
Hindi ko naman makita ang reaksiyon ni Tito dahil nasa likuran nga ako at nagdadrive siya.
"Hindi muna ako pumasok bayaw, mamayang hapon nalang" tugon nito.
Halfday in short.
Napatango tango nalang si mama as if makikita yon ni tito.
Napapatingin ako sa mga nadadaanan namin. Mga farm at kabahayan, may mga taong nasa labas ng kanilang bahay, yong iba parang nakikitsismis habang ang iba ay tumatambay tambay lang. Walang pinag iba sa pinagmulan kong probinsya.
Pagkatapos ng halos bente minutos ay narating na namin yong waterfalls. Napatulala ako sa ganda nito. Ang taas noon at ang linaw linaw ng tubig, with matching usok pa sa ilalim nito. Parang gusto ko kaagad tumalon doon at lumangoy.
May mga tao rin dito ngayon. Mga kinse ata, may amerikano pa nga eh.
Inilagay namin sa malalaking bato sa gilid ang aming mga gamit. Nag umpisa namang magpaapoy si tito sa gilid dahil mag iihaw ito ng mga pinamili niyang seafoods kaninang umaga pa.
"Tara! Maligo na tayo!" Yaya ni tita na nauna nang lumapit sa tubig at kaagad nagtampisaw. Sumunod naman kaagad si mama ganon din si Adrian.
Nahihiya naman akong lumapit din doon. Nakakailang kase yong mga kalalakihang naliligo at tumitingin sakin. Gosh! Bat pa kase ako nagshorts!
Pero naisip ko, alangan naman maliligo akong nakapantalon? Hayzz. Pinilit kong wag silang pansinin at pumunta nalang ako kina mama na sarap na sarap nang lumalangoy.
Ramdam na ramdam ko ang lamig ng tubig. Nagulat nalamang ako ng bigla akong sabuyan ng tubig ni Adrian. Napangisi nalamang ako saka gumanti din sa kanya.
Parang biglang nawala ang pagkahiya ko at nag umpisa nakong lumangoy langoy. Nagfeeling sirena ako..haha! Halos dalawang oras din kaming nakababad sa tubig nang yayain na kami ni tito na kumain ng pananghalian.
Umupo kami sa mga bato at pinapak ang mga seafood na inihaw niya. Niyaya din ni tita yong mga tao dito kaya marami kami ngayong kumakain. Natatawa nga ako sa Amerikano na nakikitawa lang kapag nagbibiruan silang lahat eh mukha namang hindi niya gets haha!
Napagtanto kong magkakilala lang pala silang lahat. Ganon naman talaga sa probinsya diba? Halos lahat ng nasa lugar nila ay magkakilala at magkakaibigan pa. Di tulad ng sa syudad kung saan parang strangers ang isa't isa. Not all, but mostly.
Pagkatapos naming kumain ay lumangoy kami ulit ng isang oras pa hanggang sa napagdesisyunan na naming magsibihis since mag aalauna na at kailangan na naming umuwi. Isa pa, pupunta na kase ng trabaho si Tito.
Nagsihanap sina mama at tita ng lugar kung saan sila pwedeng bumihis, habang si Adrian at Tito naman walang malisyang nagbihis mismo sa gilid since lalaki lang naman sila.
BINABASA MO ANG
Cielo (Completed)
Short StoryWhen sun says goodbye and the sky was filled with darknes, I close my eyes as my heart felt the emptiness, it never felt before. -Cielo COMPLETED Editing Cover photo: from Pinterest