Maaga akong nagising ngayon. Naisipan ko ding magsaing habang natutulog sina mama at tita. Hindi naman ako ganun katamad noh. Dipende lang talaga minsan sa mood ko ang kasipagan ko.
At isa pa, nakakahiya nadin kase kina tita, parang palamunin na ang peg ko sa bahay nila.
Habang hinihintay maluto yung sinaing eh napagdesisyunan kong maupo muna sa upuan sa harap ng mesa na pinagkakainan namin which is malapit sa pinaglulutuan.
Nangalumbaba ako at napatingin sa labas ng bintana. Nag aagaw ang ilaw sa dilim. Napatingin ako sa kalangitan at nakikita ko ang mga butwin na kumukupas na ang ningning dahil paparating na ang araw.
Paulit-ulit. Yun ang masasabi ko sa mga nangyayare sa kalangitan.
Dadating ang araw at magbibigay ng ilaw sa langit, at mamaya'y mamamaalam at lulubog.Ang paligid ay mapupuno ng dilim, ngunit nariyan ang buwan at bitwin upang magbigay ng kakaunting liwanag. Sa huli ay muling maglalaho ito sapagkat magbabalik ang araw. Pabalik balik, ngunit hindi naman nakakasawa.
Natauhan ako ng makarinig ako ng yapak, kaya kaagad ko itong nilingon.
"Aba... Ang aga ng gising natin ah"
Ngumiti ako ng kaunti ng makita si mama, lumapit ito sa sinaing ko at binigyan niya ako ng echos look, kaya natawa nalang ako ng mahina.
Nagpaalam siyang maliligo kaya tango lang ang naging tugon ko.
Maya maya ay naluto na ang sinaing ko ng pumasok naman si tita at tito sa kusina. "Uy Cie! Ang aga mong nagising ah! Teka? Ikaw nagsaing?" tita saka nakatingin sa kalderong pinagsaingan ko.
Tumango lamang ako, bat parang gulat na gulat sila na kaya kong magsaing? Ganon naba ako katamad sa paningin nila para manibago sila? Haha!
"Naks naman, o siya at magluluto nako ng ulam" tita kaagad lumapit sa ref nila at binuksan ito.
"Beh, aalis nako" napatingin naman ako ngayon kay tito.
Napatigil naman sa pagtingin tingin si tita sa ref. "Huh? Kumain ka muna, masyadong maaga pa"
Oo nga, kaka alas sais pangalang eh.
"Dapat agahan ko ngayon, marami pa akong aayusan ngayon" saad ni tito.
Wala namang nagawa si tita kundi mapatango nalang. Kaagad namang umalis na si tito, narinig ko din ang pag alis ng tricycle niya.
Nagpaalam naman ako kay tita na lalabas lang ako sandali.
Naisipan kong maupo sa isang plastic bench dito sa tapat ng bahay nila at napatingin tingin sa mga halamang bulaklak ni tita, halos karamihan ay mga orchids.
Nabaling naman ang atensyon ko sa mga tao na kaedad ko na mukhang nagjojogging, nagkwekwentuhan sila at panay pa ang tawa. Naalala ko naman bigla mga barkada ko. Si Marie na maarte at honest, si Gilliane na madaldal at laging nambabara, si Rey Mark na bakla at puro kalalakihan ang nasa isipan, at si Bebecel na kadalasang seryuso at tahimik. I missed them already.
Nagtingin tingin pa ako sa paligid ng mapunta ang paningin ko sa sirang kubo at puno ng santol sa di kalayuan. Hayzz! Ano bayan! Naalala ko naman tuloy yong naganap kahapon, nakakahiya talaga ako! Balak ko panaman magpasignal ulit dyan mamaya, sana lang ay hindi na magpasignal ulit yong lalaking yon.
"Eto nga pala ang kapatid ko at anak niya, galing silang Capiz mare!" pagpapakilala ni tita sa amin ni mama sa kumare niya.
Nandito kami ngayon sa bahay ng kumare ni tita Aiza, sumama din si mama. Nilakad lang naman namin at mga halos walong bahay bago kami nakarating.
BINABASA MO ANG
Cielo (Completed)
Historia CortaWhen sun says goodbye and the sky was filled with darknes, I close my eyes as my heart felt the emptiness, it never felt before. -Cielo COMPLETED Editing Cover photo: from Pinterest