A/n: Sorry for the wrong grammars and typos.
Sorry din kung ngayon lang nakapag update.----
"Uy! Ang takaw mo naman, dalawa palang nakain ko tas apat na sayo" nakakunot noong saad ko kay Adrian.
Tumawa lang siya at napabusangot nalang ako.
Binigyan kase kami ng mga nilagang mais ni tita at eto kami parang nagf-food race sa sobrang takaw namin, wala eh food is life haha!"Aiza? Tao po"
May narinig akong may tumatawag sa labas ng bahay pero si tita na ang nag atubiling bumukas ng pinto.
"Oh bayaw! Salamat at pumayag kang pumunta dito"
Nakangiting bati ni tita don sa parang kaedad niyang babae, may kasama itong mukhang 10 years old na babae, anak siguro nong bayaw ni tita.
"Oo, alam kong kailangan niyo ng tulong ko, ipinasara ko muna ang klinika ko dahil sabado naman ngayon" sagot nong bayaw ni tita
Since hindi ko naman sila kilala at wala akong pake, ibinalik ko nalang ang atensiyon ko sa mais.
Napansin kong umupo yong dalwang bisita ni tita sa kabilang sofa na katapat namin ni Adrian.
Nag uusap usap lang naman sila, pinakilala naman ako ni tita sa kanila at tanging ngiti lang ang naging ganti ko. Maya maya dumating si mama at nakisali narin sa kwentuhan.
Nanatili akong nakafucos sa mais ko at ganun rin naman si Adrian. Ayus yan, mukang may pinagmanahan ang pinsan ko sa pagiging matakaw haha.
"Uy, ang daya naman, ang dami mo nang nakain" inis pero pabulong kong sabi kay Adrian pero puro tawa lang ang tugon niya. Aba naman.
"What are you whispering? You look creepy"
Gulat akong napalingon sa likod ko. Nakita ko yong babaeng bata na nakaupo na pala sa tabi ko at nakataas ang isang kilay sakin. Ang maldita naman ng datingan ng batang to.
At hello! Bumubulong ako kase siyempre nagbibigay respeto ako kina tita na seryusong nag uusap, ayoko namang umistorbo. Anong creepy don? O.a neto.
Hindi ko siya pinansin, ayaw kong pumatol sa kanya lalo na't nasa harapan namin nanay niya.
Pasalamat ka, kung hindi tinarayan na kita.
Tinignan ko nanaman ulit si Adrian, nanlaki ang mata ko ng isang mais nalang ang natitira!
Lokong to, ang bilis kumain!"Wuy, di kana naawa sakin" naiinis kong sabi sa kanya, pero sa pangatlong beses ay tinawanan lang niya ako at dinilaan pako. Sige mang asar ka pa, hayz!
"Hey, seriously? Are you crazy-" hindi na natuloy yong sasabihin netong bata nong sitahin siya ng mama niya.
"Aien, stop it. Come here and just shut your mouth as possible"
Ayan! Oh di yan napala mo? Haha!
Padabog lang etong si Aien na tumayo saka umupo na sa tabi ng mama niya, nagrolled eyes pa siya sakin, patago ko din siyang nirolled eyes. Kala naman neto magpapatalo ako, duh....
Humarap nalang ulit ako kay Adrian, sinamaan ko siya ng tingin. "Nakakainis ka, hintayin mo mamaya babatukan kita, pasalamat ka kaharap natin mama mo"
Bumusangot naman siya ngayon, "ate naman eh, kasalanan ko bang ang bagal mong kumain"
Abat! Inambahan ko siya ng batok pero kaagad siyang nakatakbo papuntang kusina. Akala naman niya hindi ko siya hahabulin ha! kaya napagdesisyunan kong tumayo na, magpapaalam sana ako kina mama para pormal na makaalis ng mapagtanto kong seryuso lang silang lahat na nakatingin sakin. Nakaramdam ako ng hiya.
BINABASA MO ANG
Cielo (Completed)
Short StoryWhen sun says goodbye and the sky was filled with darknes, I close my eyes as my heart felt the emptiness, it never felt before. -Cielo COMPLETED Editing Cover photo: from Pinterest