A/n: Sorry for the wrong grammar and typos.
----
"Ma! Totoo ang sinasabi ko! Hindi ako nagsisinungaling!"
Naiiyak na ako sa inis. Kahapon ko pang pabalik balik yun sinasabi kina mama pero ayaw talaga nila maniwala!
"Cie! Walang Sol! Wala!" Hinawakan na ako ni mama sa magkabilang balikat ko. Naiiyak nadin siya ganun din si tita sa gilid na pinapanood lang kami.
Napailing ako ng marahas. Ayaw kong maniwala sa kanya! Kahapon pa niya ko sinasabihan na hindi daw totoo si Sol. Pero hindi! Totoo siya! Totoong totoo siya at di ko maintindihan kung bakit nila ito sinasabi sakin.
"Ma, maniwala ka. I-I met him noong pumunta tayo sa falls tas lagi ko rin siyang nakakasama sa pinapasignalan ko sa tabi ng puno ng santol" paliwanag ko sa kanya pero napaupo lamang si mama sa sofa at napahawak sa noo niya.
"Anak, kahapon mo pa sinasabi yang nagpapasignal ka. Eh hindi ka naman lumalabas dito sa bahay ng tita mo."
Napahinto ako sa sinabi ni mama. A-ano?! P-panong hindi ako lumalabas eh palagi nga akong nagpapaalam sa kanila na magpapasignal ako!
"Lumabas lang tayo nong pumunta tayo sa talon, nong pumunta tayo sa bahay ng kumare ng tita mo, nong bisperas, yong pumunta tayong bayan at nong gumala tayo dito sa baranggay nato"
Tahimik padin ako at naguguluhan.
"Anak, maliban doon ay nandito kalang lagi sa bahay. Tulala at kung anu-anong mga binubulong mo" dagdag niya pa.
"H-hindi! Hindi ako naniniwala sayo ma! L-Lumabas ako! Nagpapasignal ako halos araw araw!" Kaagad akong tumakbo sa pinto at binuksan ito.
"D-don! Doon ako nagpapasignal! Sa puno ng santol malapit sa sirang bahay kubo" ako sabay turo sa labas.
Umiyak lang lalo si mama at tita. "Cie, w-wala akong nakikitang sirang kubo" saad ni tita.
Napatingin naman ako ngayon sa labas. Nanlaki ang mga mata ko ng mag iba ang itsura ng lugar sa harap ko.
Puro kahoy at ni isang bahay ay wala. N-nawala yong puno ng santol at kubo. T-teka, nasan nayon?
"N-no! Alam ko, may sirang kubo diyan! Diyan ako laging pumupunta para magpasignal kung tatawagan ko sina Hanz! Kasama ko si Sol" lumapit ako kay tita at hinawakan ko ang kamay niya.
"Tita, maniwala ka" naiiyak kong pagmamakaawa kay tita.
"C-Cie. B-bakit kapa magpapasignal? M-may internet kase dito sa bahay kaya imposibleng magpapasignal kapa." Saad niya.
Napaluhod ako at naisuklay ko ang buhok ko. B-Bakit ganto? Ano bang nangyare?! Naguguluhan na ako!
Naalala ko naman bigla si Adrian. Siya! Siya ang magpapatunay na hindi ako gumagawa ng isturya! In the first place siya ang nagturo sakin na doon ako magpasignal sa gilid ng puno ng santol!
Kaagad akong tumayo "Adrian? Adrian nasan ka?!"
Lumakad nadin ako papunta sa kusina pero wala siya don kaya patakbo akong pumunta sa kwarto ng mama niya pero wala din. Nasan na siya!
Nakita ko naman na mas lumakas ang mga iyak nina mama at tita.
"A-anak.... Sinong Adrian?" Tanong ni mama.
Napatigil ako at nanlalaki ang mata ko. H-hindi.... D-don't tell me hindi niya kilala si Adrian?!
"H-he's my cousin! Anak siya ni tita! Ano ba ma! Kasama natin siya araw araw dito sa bahay, imposibleng hindi mo siya kilala"
Tinignan ko si tita pero wala siyang naging tugon.
![](https://img.wattpad.com/cover/231660260-288-k700619.jpg)
BINABASA MO ANG
Cielo (Completed)
Short StoryWhen sun says goodbye and the sky was filled with darknes, I close my eyes as my heart felt the emptiness, it never felt before. -Cielo COMPLETED Editing Cover photo: from Pinterest