Cielo 8 (April 14, 2019)🌇

39 3 0
                                    


"Nak, aalis na kami. Ayaw mo ba talagang sumama?"

Umiling lang ako kay mama, pupunta kase sila ngayon sa piyesta sa kabilang baranggay, makikikain sila nina tita sa bahay ng kapatid ni tito, in short bayaw.

Wala naman silang nagawa kundi umalis, uuwi naman daw sila kaagad pagkatapos mananghalian.

Napabuntong hininga nalang ako. Ayoko na maulit pa yong nangyare noong debut, maoOP lang ako don at lalabas na nadon lang ako para makikain, haha.

Hindi na keri ng pride ko para pumunta pa sa mga selebrasiyon ng isang pamilya na hindi ko naman kaano ano. Even though ang piyesta ay para kanino, pero kahit na no. Tutunganga lang naman ako don, kakain saka uuwi naman. Mas mabuting dito nalang ako sa bahay kasama si Adrian.

Btw, nagpaiwan din tong pinsan ko. Tinatamad daw kase.

Napagdesisyunan kong pumasok sa kwarto at mahiga sa kama. Alas diyes na ng umaga pero inaantok padin ako. Mag aalas dose nadin ng gabi kase kami kagabi nakauwi at nakatulog.

Naalala ko naman tuloy bigla si Sol. Hindi ko matiis na hindi mapangiti. Kakaisang linggo ko pa lang dito tapos may kaibigan na ako, tas lalaki pa!

Oo, tinuturing ko na siyang kaibigan. At least kase kahit konti ay may nalalaman na ako sa kanya.

Naisipan kong kunin ang cp ko at manuod ng Korean drama series na Goblin para naman hindi ako mabiringan. Nakakadalawang episode palang ako ng hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Malapit ng mag ala una ng gisingin ako ni mama na kakauwi lang. Kinain namin ni Adrian ang mga dala nilang ulam galing sa handa ng bayaw ni tita.

Masarap yong mga luto nila, lalo na yong afritada. Nagdala rin sila ng pancit at cassava cake at kapwang masasarap rin ang mga yun.

"Nak, nagtext nga pala si Bebecel sakin, gusto kadaw makausap" sabi ni mama na nakaupo lang sa tapat ko.

Napatigil ako ng kain ng marinig ang pangalan ni Bebecel. Gusto niyang makipag usap? Waw ha! Ang kapal naman ng muka niya.

Pinilit kong tumango nalang kay mama at nagpatuloy na sa pagkain. Nakaramdam ako ng inis at kawalang gana.

Sa totoo lang ayoko talaga siyang makausap. Ayoko nang marinig ang mga walang kwenta niyang rason. Parehas lang sila ni Hanz, mga manloloko!

Pero naisip ko na kailangan ko siyang harapin. After all naiintriga rin ako kung bakit kinaya niya akong pagtaksilan, na all this time ba tinuring niya rin kaya akong tunay na kaibigan?

Gusto ko maiyak nang maalala ko ang mga pagsasama namin, parang pinupunit ang puso ko. Sayang ang pagkakaibigan na nabuo namin, napakasayang. Sinira niya ang lahat.

Pagkatapos kumain ay kaagad akong pumasok sa kwarto at marahas na umupo sa kama. Kinuha ko ang cp ko at hinarap ito. Tatawagin ko siya mamaya, at sa pagtawag kong yun, tinatapos ko na ang pagkakaibigan namin. Masakit, but she deserves it, she deserve to be unfriend because she never deserve me as her friend. She and Hanz doesn't deserves me, never at all.


ALAS kwatro ng maisipan kong magpunta sa pinapasignalan ko, san pa nga ba kundi yong puno ng santol na katabi ng sirang bahay kubo.

Habang naglalakad ay nakakarinig ako ng tugtog ng gitara na sinasabayan ng kanta. Palakas ng palakas habang papalapit ako sa puno.

"Used to share that feeling, dreaming
Gazing at the bedroom ceiling
Oh oh now I'm lay here wishing you'd come home"

Nakarating na ako sa tabi ng puno ng santol pero nakatitig lang ako sa sirang bahay kubo. Doon kase nagmumula yong tugtog at tinig ng isang lalaki.

Cielo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon