Cielo 6 (April 13, 2019)🌇

34 3 0
                                    

"Di mo sinasadya?! Wow! Ang galing ng reason mo Hanz!"

Napapikit ako at kinuyom ko ang kaliwang kamay ko. Gustong gusto kong murahin siya sa mga explanations niya sakin. Ano akala niya sa akin? Tanga?!

Maaga akong nagpasignal ngayon at napagdesisyunan nang tawagan si Hanz. Akala ko kaya ko na malaman sa kanya ang lahat, pero mas masakit. Nakakapanlumo.

"Minahal?! Past tense?! So ngayon hindi na pala? Hanz!! Matapos ang lahat..." Napaiyak na ako. Grabe!

"Bakit mo nagawa to sakin? San ako nagkulang Hanz?! Bakit sa matalik ko pang kaibigan!" Hindi ko mapigilang sumigaw sa inis.

Wala na akong pake kong may makarinig sa akin dito. Matapos ang ilang taon, ito gagawin niya sakin?! I trust him!

"Sorry Cie....I'm really sorry"

Hearing him saying sorry makes my heart broke and turn into pieces. I hang up the call at napasandal sa puno ng santol habang nakapikit.

San ako nagkulang? Yun ang tanong na nasa loob ng isip ko.
Anong nakita niya kay Bebecel na wala ako? Ha?!

Napamulat ako at napatingala sa langit. Kahit mga alas nuwebe palang makulimlim na ito. Mukhang uulan pa.

"Tsk, umiiyak ka nanaman? Yan tuloy parang iiyak nain ang langit"

Kaagad akong napalingon sa nagsabi noon at expected ko na si Sol yun. Kaagad akong yumuko at pinahid ng kamay ko yong mga luha ko.

"Masakit?"

Napalingon ako ulit sa kanya. Nakatayo lang ito at nakatingin sa langit. Bat ba mahilig to tumingin sa langit? Pero ano yong sabi niya? Masakit? Grabe, lakas makabobo ng tanong niya sakin ah.

"Masakit" tipid kong sagot nalang sa kanya.

Masakit ang lokohin ng taong pinagkatiwalaan at minahal mo ng sobra. Masakit malaman na ipagpalit ka sa mismong best friend mo pa. Masakit, sobrang sakit.

Binalot kami ng nakakabinging jatahimikan ng halos limang minuto.

"P-pag ako ba girlfriend mo, h-hahanap kapa ng iba?" Out of nowhere na tanong ko sa kanya.

Nanatili akong nakayuko, hinihintay ang sagot niya. Pero umabot ng ilang segundo na hindi man lang siyang umimik.

"W-wag mo na palang sagutin--" pagbabawi ko pero hindi ko na napatapos ng magsalita siya.

"Ang pag ibig ay marunong makuntinto. Hindi dahil humanap ng iba ay dahil may pagkukulang ka, yun ay dahil hindi siya marunong makuntinto sayo which means hindi ka talaga niya minahal kase hindi naman niya talaga alam yong ibigsabihin ng pagmamahal. Don't blame yourself, don't cry. He doesn't deserve every single part of you."

Napatingin ako sa kanya. Tumingin din siya sa akin at ngumiti.

Kung tutuusin he is still a stranger. I just know his name and nothing. But every word he says, it gives impact to me, it's weird hearing those words from him as if he knew me already.

"Love expert kaba?" Nasabi ko nalang. Bigla naman siyang natawa kaya natawa nalang din ako.

Di ko alam kung bat nagawa ko pang tumawa sa kabila ng nararamdaman ko. Pero isa lang ang sigurado, komportable ako sa lalaking katabi ko ngayon.

"Nakabreakfast kana?" Out of nowhere na tanong niya. Nakunot naman ang noo ko, grabe naman ang pagshift ng topic namin ha. Yong feeling na kanina parang binagsakan ako ng langit at lupa tas biglang matatawa nalang, nababaliw na ata ako.

Cielo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon