Cielo 17 (Epilogue)

39 3 0
                                    

A/n: :)

----

3 years later

"Ma! Aalis napo ako!" Mabilis kong niyakap si mama at hinalikan siya sa pisnge.

Yumakap siya pabalik at hinalikan naman niya ako sa noo ko. "Oh siya, mag ingat ka anak."

Tumango lang ako at ngumiti. Kumuwala na ako sa pagkakayakap sa kanya at kinuha ko na ang bagpack ko sa sofa. Kaagad ko itong sinuot at saka naglakad nako palabas ng bahay.

Madilim pa ang paligid dahil alas kwatro y medya palang ng umaga. Maaga akong aalis para hindi ako malate sa klase ko mamaya.

Supposed to be kahapon pa ako bumalik sa apartment ko sa bayan. Pero dahil birthday ni mama kahapon eh wala akong naging choice kundi ang mag overnight sa bahay para naman may kasama siyang magcelebrate. Nasa barko padin kase si papa at sa susunod pang buwan pa ito makakauwi.

Nakapara na ako ng tricycle kaya kaagad na akong sumakay dito.
Mabuti na lamang at maaga pa at may bumabyahe na dito samin. Kaya wala akong magiging problema.

Nakangiti lang ako habang sa byahe at tumitingin tingin sa paligid. Maliwanag naman dahil sa mga streetlights sa daan.

May dumadaan na ding mga tao at karamihan sa kanila ay nagj-jogging.

Napatingin ako sa isang basketball court ng may nakita akong may isang batang naglalaro na dito.

Waw ha? Ang aga aga tas nakabadketball na kaagad.
Pero napangiti na lamang ako ng hindi ko namamalayan.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang sobrang pamilyar nong bata sakin. Pero ewan, hindi ko na lamang pinansin kase baka marahil nakasalubong ko na ito dati.

Ilang minuto pa ang lumipas ng marating namin ang main road.
Pagkatapos bayaran si manong driver ay pumunta na ako kaagad sa waiting shed para maghintay ng bus papuntang bayan.

May mga iilang tao nading nakaupo at halatang nag aabang ng bus. Umupo nalang ako sa bandang likuran at ikinuha ko ang cp ko sa bulsa ko.

Nakatanggap ako ng text mula sa mga kaibigan ko kaya kaagad ko itong binasa.

From: Rey Mark

Pakisabi happy birthday kay mama mo🎂🎈💕

From: Gilliane

Uy! Di ka babalik ngayon sa apartment?

Napakamot ako ng ulo ng mapagtantong kahapon pa pala itong mga text nila. Hindi ko na nireplyan pa ang mga ito sa halip ay binuksan ko ang iba pang mga messages. Napangiti ako ng may message si Bebecel at Hanz sakin kaya binasa ko naman ito.

From: Bebecel

Happy birthday kay mama mo Cie :)

From: Hanz

Pakibati ako kay tita Cie! Wish me, Bebecel and Mayca can go there pero alam mo naman. Nasa Palawan kami ngayon at nagbabakasiyon.

Katulad ng naging text nina Gilliane ay hindi ko na binalak pang replyan ang mga ito. Ibinulsa ko na lamang ang cp ko at ngumiti.

3 years ago was the most worst thing happened in my life. At naalala ko padin kung gano ako kamiserable noon.

Kung pano ako nadepress nang malaman kong may relasyon pala si Hanz at Bebecel lalo na nong nabuntis ito.

Nong namatay si Marie na matalik na kaibigan ko.

Kung pano bumaba ang grado ko at nawala sa listahan ng top students.

Hindi ko alam ang gagawin ko noon at parang gugustuhin ko nalang mamatay. Pero hindi. Pasalamat ako dahil nariyan si mama. Siya ang taong never akong sinukuan at ipinaramdam sakin ang buong puso niyang pagmamahal. Nagpapasalamat ako at siya ang naging mama ko.

Cielo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon