Cielo 7 (April 13, 2019- part 2)🌇

54 3 0
                                    

"Tae, talo nanaman"

Natawa ako sa reklamo ni Sol, mukang naiinis na siya sa sunod sunod na pagkatalo niya sa roletas. Siguro ay nakaabot na ng singkwenta pesos yong nawala sa kanya.

Kinuha na nong tagabantay ng taya yong mga pera sa mesa at nagsimula namang magtaya yong mga tao dito.

"Wuy, tumaya kadin" sabi niya sakin

Napailing naman ako sa kanya. Nanunuod lang kase ako kanina pa sa kanya. Hindi sa wala akong pera ha, nasasayangan kase ako kase baka matalo lang ako.

"Ba't naman?" Tanong niya

Napatingin ako sa malaking roletas na hindi pa naikot kase tumataya pa yong iba.

"Madami ang mga numero at iisa lang ang mapipili, konting konti lang ang posibilidad na manalo"

Tumingin ako sa mga mata niya "ayokong mag take ng risk kung malaki naman ang posibilidad na matatalo lang naman ako "

Napahinto ako sa mga pinagsasabi ko. Napahugot pa ata ako.

Sumeryuso bigla ang reaksiyon niya at diritsyong tumingin sa mga mata ko.

"Pano mo malalaman na matatalo ka? Sinubukan mo naba? Parang sinabi mo nading masama ang lasa ng adobo kahit hindi kapanaman nakatikim nito"

Bigla siyang huminto at tumingin sa roletas na umiikot na pala ngayon.

"Taking risk to things that you know it's hard to win is not bad at all. As long it has chance of winning, then go for it. Kung matalo, edi matalo atleast you tried. Eh pano pala kung panalo? Edi worth it. Atsaka in this game? It doesn't matter anyway if you win or not, as long as you're enjoying naman. I believe that prize is not the basis of success, but the happiness instead" humarap siya ulit sa akin at ngumiti.

Napangiti rin ako. Napabilib nanaman niya ako sa mga paniniwala niya. He is so deep.

"Tataya kana?" Nakangiti niya pading sabi

Natawa nalang ako at tumango "oo na! Baka kung ano pang words of wisdom marinig ko sayo"

Natawa na din siya. So ayun nga, nagdecide na akong tumaya. Pero ilang beses rin kaming natalo. Imbes mainis ay natatawa nalang kami. I couldn't expect na mag eenjoy ako sa larong to.

Maya maya ay nagsawa nadin kami kaya umalis na kami at naglakad lakad.

"Saan naman tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya. Tumingin tingin naman siya sa paligid, hanggang sa parang may naisip siyang ideya at nakangiting tumingin sa akin.

"doon tayo" tinuro niya yong karaoke malapit sa amin.

"Kumakanta ka?" Yun kaagad ang naitanong ko. Nakakagulat kase na magyayaya siyang pumunta sa karaoke.

"Sa palagay mo?" Sabi nito ng may nakakalokong ngiti.

"Aba, ewan ko sayo. Hindi naman tayo gaanong magkakilala no"

Pero nakakaramdam akong kumakanta itong lalaking to. Naimagine ko kase yong boses niya, malapit sa Shawn Mendez ang peg.

Natawa lamang ito at pumunta na nga kami doon. Umupo kami sa isang upuan, kinuha niya kaagad ang song book at pumili ng kanta, ako naman ay tumitingin tingin lang sa paligid. Huling beses ko atang nagkaraoke nong pagbirthday pa ni Rey Mark.

Napatingin ako sa screen ng karaoke ng bigla itong nagplay ng isang song. Shallow ang pamagat nito. Yan yung pinili niyang kanta? Eh pang duet ito eh.

Nagulat naman ako ng abutan ako ng mic ni Sol. "H-huh?" Yong lang ang nasabi ko.

Ayokong kumanta! I mean, kumakanta naman talaga ako pero hindi ako sanay kumanta sa may napakamaraming tao!

Cielo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon