Nakatulala ako ngayon sa bintana. Pinagmamasdan kong mabuti ang mga ulap sa langit. Pilit kong inaalala ang mga pinagsasabi nong lalaki kahapon sa akin.
Pabalik balik pero hindi nakakasawa....
Parang nasabi ko na yun eh... Hayzz! Ewan!
Napatingin naman ako ngayon sa cellphone ko na kung saan nakadisplay ang mga pictures namin ni Hanz na magkasama at nakangiti.
I really wanted to call him at iklaro ang lahat. I still want explanations after all. Masakit padin siyempre, pero hindi naman pwede na umiyak lang ako ng umiyak dito.
"Ayos kalang ate?"
Napatingin ako kay Adrian na nakaupo sa another sofa at nanunuod ng t.v, kahit hindi siya nakaharap sakin alam ko namang ako yung tinatanong niya, ako lang naman kasama niya ngayon since may pinuntahan sina mama at tita.
"Ayus lang ako" tugon ko sa kanya.
Napaayos ako ng upo at humarap sa t.v, naunuod siya ng cartoons.
"Hmmm... Kilala mo ba yong lalaking nagpapasignal din don sa tabi ng sirang bahay kubo?"naisipan kong itanong.
Nacurious kase ako bigla kung sino yong lalaking yon. Palaging sumusulpot, malamestiryuso.
" sinong lalaki ate?" tugon naman ni Adrian saka nakakunot noong humarap sa akin.
So hindi niya kilala? Kungsabagay hindi ko pa naman nakitang nagmeet sila. Pero feeling ko ay kapag malaman niya kung sino yong lalaking tinutukoy ko ay makikilala niya to. Posible yun kase magkakakilala naman yong nga tao dito.
"Wala, nevermind nalang. Nuod ka nalang ulit"
Nanuod nga ulit si Adrian sa t.v, nangalumbaba naman ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit parang pamilyar sakin yong lalaking yon. Parang nakita ko na siya sa lugar namin.
Hayzz! Bat ko ba iniisip yong lalaking yun?! Supposed to be si Hanz dapat pinoproblema ko ngayon eh!
"DITO kalang Cie ha, punta lang kami ng tita mo don, hahanap kami ng upuan natin" paalam ni mama saka umalis na silang dalawa.
Napakamot ako ng ulo ko saka napatingin sa nga tao sa paligid. Narito kami ngayon sa isang debut ng kapit bahay ni tita. Ayoko pa sana sumama kase hindi ko naman kilala yong magb-birthday pero pinilit nila ako kaya no choice ako.
Ang daming taong nagdadagsaan dito ngayon. Actually mag aalasyite na nga ng gabi pero hindi parin nag uumpisa yong party nila. Hindi pa daw kase kompleto yong mga 18 candles, roses, etc.
Napatingin ako sa suot kong jeans, pink T-shirt at naka tennis shoes. Kumpara sa karamihan dito na nakadress talaga at nakaformal attire. Halatang nandito lang ako para makikain.
Maganda yong set up nila actually, halatang pinaghandaan.
Black and red yong motif kaya mukhang elegante ang dating. Nakaupo yong mga 18 candles, roses, treasures, etc. Habang kami naman na makikinuod at makikikain ay nakatayo lang.Hindi ko pa nakita yong debutant kase mukang nasa loob pa ito ng bahay nila at nag aayos. Naalala ko naman bigla nong nag 18 ako. First dance ko noon ay si Hanz at ang saya saya lang namin noon. Nakaramdam ako bigla ng kirot sa puso ko dahil sa ala alang yon.
Kaninang mga alas dos ay nagpasignal ako at sinubukang tawagan si Hanz pero nakaoff yong phone niya. Nakakafrustate. Gustong gusto ko na siyang prangkahin at murahin pero hindi ko magawa since hindi naman siya macontact.
"Ate, punta lang ako don"
Halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita bigla si Adrian. Muntik ko nang makalimutan na kasama ko pala siya.
BINABASA MO ANG
Cielo (Completed)
Historia CortaWhen sun says goodbye and the sky was filled with darknes, I close my eyes as my heart felt the emptiness, it never felt before. -Cielo COMPLETED Editing Cover photo: from Pinterest