Cielo's mother POV
"3 months ago pumunta noon ang mga kaibigan ni Cielo sa Cebu with her boyfriend Hanz. Hindi nakasama ang anak ko dahil nagkasakit siya noon at hindi ako pumayag." Kwento ko.
"Proceed Ms. Farillon" the psychiatrist told me kaya nagpatuloy na ako sa pagkwento.
"Pagkatapos ng ilang araw ay nagsumbong ang anak ko na ang boyfriend niya at ang best friend niyang si Bebecel. Matagal na daw pala siyang niloloko ng dalawa at nalaman niya iyon dahil narin sa sumbong ng kaibigan niyang si Marie na nahuli daw ang mga itong naghahalikan."
Bumibigat ang damdamin ko habang inaalala ko ang sitwasiyon ng aking anak sa mga oras nayon. Iyak lang siya ng iyak at ramdam ko ang sakit sa nararamdaman niya.
"Mas lumala ng malaman niyang buntis pala si Bebecel. Nagkulong siya noon ng ilang araw sa kwarto niya. Hindi kumakain at hindi ako kinakausap." Pagpapatuloy ko.
Tumango tango naman ang psychiatrist sa akin.
"Pagkatapos ng isang linggo ay nakatanggap ako ng balita. Naaksidente daw ang mga barkada niyang kaibigan na sina Rey Mark at Marie sa Cebu dahil nahulog daw ang kotseng kanilang sinasakyan sa bangin. Nakaligtas at nasugatan ang iba sa kanila ngunit hindi naman nakaligtas ang kaibigan niyang si Marie."
Naalala ko naman ngayon yong kaibigan ni Cielo na iyon.
Napakabait na bata non, nakakaawa lang at maaga siyang nawala sa mundo."Then mas lumala ang lagay ng anak mo, am I right?" Saad ng psychiatrist sakin kaya tumango ako at napaiyak.
"Tuluyan na siyang hindi na lumabas pa sa kwarto niya. Dahil doon ay hindi na siya nakakapasok sa school resulting for her grades to drop. She's top 1 but because of what nawala siya ng parang bula sa listahan ng top students"
Pinahid ko ang mga luha ko na patuloy sa pagtulo habang nagk-kwento ako. Ayoko naman talagang ikwento pa ang lahat ng ito, pero kailangan ko upang maintindihan ng psychiatrist ang lahat.
I will do my best gumaling lang si Cielo.
"After 2 weeks nagkaroon ako ng pagkakataon para makausap si Cielo. Naging matino naman ang naging pag uusap namin at parang naging normal na siya ulit."
Umayos ako ng upo "Niyaya ko siyang magbakasiyon sa probinsya ng tita niya para naman makalanghap siya ng sariwang hangin at maaliw. Yun lang ang alam ko na paraan para makalimutan niya ang mga problema niya. Pero nagkamali ako"
Napalunok ako at napaiyak ulit. "Akala ko okay na siya. Pero hindi. Lagi nalang siyang tulala at bumubulong bulong ng kung anu ano. Marami siyang nakikita na hindi naman namin batid ng kapatid ko, kaya kaagad naming tinawag ang bayaw ng kapatid kong psychiatrist din tulad niyo. Inobserbahan niya si Cielo at ang sagot niya sa amin kung ano bang nangyayare sa anak ko, she said Cielo has schizophrenia"
Tumango naman siya sakin bilang pagsasang ayon.
"D-Doc, p-please.... Tulungan niyo po akong mapagaling ang anak ko. Gusto kong maging normal ulit siya" pagmamakaawa ko sa kanya.
Hinawakan naman niya ang kamay ko. Nakikita ko naman ang sinseridad niya.
"I will try my best Mrs. Farillon. Your daughter will undergo medication and therapy. By that, until unting magiging maayos ang anak mo. Per session of her therapy unti unting malilimutan niya yong mga tao na nabuo ng hallucinations niya. Magiging normal siya ulit. Pero maliban sa mga gamot at therapies, may isa pang mabisang paraan para mas mabilis siyang gumaling. Yun ay ang pagmamahal mo sa kanya. Let her feel na may taong handang maging nariyan sa tabi niya kahit anung mangyare. Let her feel that she is loved. Make her feel that she can depend and trust on you" nakangiting saad niya kaya napangiti narin ako at tumango.
Nagpaalam na kami sa isa't isa at lumabas nako ng office niya. Napabuntong hininga ako at ngumiti ng makita ko si Cielo nakaupo lang dito sa labas.
Nilapitan ko siya at kaagad niyakap.
Simula ngayon ipaparamdam ko sa kanya ang walang humpay kong pagmamahal. Araw araw ko siyang yayakapin kung kakailangin para lamang maipakita ko sa kanya na nandito lang ako para sa kanya.
Gagaling ka anak. Ipinapangako ko ito sayo.
Cielo's POV
May 20, 2019. Araw ng una kong session sa aking therapy.
Nakasakay ako ngayon sa bus kasama si mama. Tahimik lamang kaming dalawa.
Medyo mahaba ang byahe kaya tanging pagtingin sa mga nadadaanan namin sa bintana na nasa tabi ko ang ginagawa ko.
Naalala ko naman bigla si Sol.
Mula nang umuwi kami galing probinsya ni tita ay hindi siya nawaglit sa isip ko.Paminsan minsan ay nakikita ko padin siya, si Adrian at Estrella sa bahay pero ako narin mismo ang umiiwas na pansinin sila. Dahil alam ko naghahallucinate nalang naman ako.
Pero sa tuwing naiisip ko ang mga pinagsasabi sakin noon ni Sol. Hindi ko parin mawari na hindi yon totoo. Ang bawat salita ay parang totoo. Ang bawat salita ay tagos sa puso ko.
I missed him. But he is right. Dapat akong bumangon. Dapat akong magpakatatag.
Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa ospital.
Mabigat ang bawat hakbang ko papalapit doon.Kase alam ko. Pagkapasok ko doon. Masisimula ko nang makalimutan si Sol. Ang ala ala namin at lahat.
Napaiyak ako.Ang sakit padin. Ang sakit sakit padin.
Parang kelan lang kasama ko si Sol at nagtatawanan lang kami at nagkakantahan.
Parang kelan lang nameet ko siya sa talon. Nagkita kami sa tabi ng puno ng santol. Nagkita kami sa debut. Naglaro kami sa perya. Kinantahan niya ako sa kubo. Dinala niya ako sa flower plantation. Tinuruan akong maggitara sa borol. At naging kasama kong makipagtitigan sa langit.
Lahat ng yun. Maaring ilusyon lang pero para sakin, yun yung mga pinakmasayang parte ng buhay ko.
At ngayon, kailangan ko na itong kalimutan kasabay ng paglimot ko kay Sol. At sa paglimot kong ito, magiging okay na ang lahat. Magiging normal na ako.
Napatingala ako sa langit at nakita ko ang araw na malapit nang lumubog.
Tumigil ako sa paglakad at halatang nagulat sakin si mama pero tinignan lang niya ako.
Nanatili lang akong nakatingala at tumutulo lang ang luha ko.
As sun says goodbye and sky was filled with darkness. I close my eyes as my heart felt the emptiness I never felt before.
Paalam Sol.
![](https://img.wattpad.com/cover/231660260-288-k700619.jpg)
BINABASA MO ANG
Cielo (Completed)
Short StoryWhen sun says goodbye and the sky was filled with darknes, I close my eyes as my heart felt the emptiness, it never felt before. -Cielo COMPLETED Editing Cover photo: from Pinterest