Chapter 14
Ngayon lamang ako nakahinga ng maluwag matapos namin magawan ng paraan kung paano makakalabas sila Kenzo. tinawagan namin si Kuya Russel na umakyat dito then nag-palitan silang anim ng suot.
Nagpanggap sila Clyde, Caleb at Kuya Russel as Yuki, Kenzo and Ivan. since si Everleigh ang malakas ang loob sa amin, edi siya yung unang lumabas then kunwaring natalisod upang mapatumba sa mga fans nila, sunod noon ay ang mabilis na paglabas at pagtakbo nila Clyde.
nagmamadali namang hinabol ng mga kababaihan- i mean mga dalagita sila Clyde, akala kasi ng mga yun ay sila Kenzo yun since sinuot nila Clyde yung kaninang suot nila Kenzo. chineck pa namin ni Sere kung lahat ng mga yun ay sumunod kila Clyde!
sumenyas si Scarlett kila Kenzo saka kami mabilis na nagtungo sa baba, hanggang sa makarating kami sa pinagparking'an ng Van nila.
hinintay na muna namin si Kuya Russel na makabalik. after no'n ay saglit silang nagpaalam sa amin hanggang sa makaalis na sila.“Wait! anong nangyari dyan sa ulo mo at sa braso mo?” nakakunot noo tanong sa akin ni Sere habang nakatingin sa braso at ulo ko.
“Mahabang kwento” i simply said
pagkarating namin sa Condo ko, naabutan namin sila Caleb at Clyde na nakasalampak sa sahig.
“Ang bibilis magsitakbo, muntikan na kong maubusan ng hininga kakatakbo” ani Clyde
“Oh? bakit hindi pa natuluyan?”
napabangon si Clyde mula sa pagkakahiga sa sahig saka tiningnan ng masama si Sere.
“Tuluyan na kaya kitang halikan dyan” nakangisi nitong sabi.
kinuha ko yung mini pillow na nakalagay sa sofa saka yun hinagas patungo kay Clyde.
kahit kailan talaga, psh!
“Aray naman!” reklamo nito matapos kong matamaan ng mini pillow
“Pinagnanasaan mo lang si Sere.” He laughed
sinamaan siya ng tingin ni Clyde, hindi pa ito nakuntento at lumapit kay Caleb saka mahina niyang sinuntok sa balikat.
umiiling iling ako at hinayaan silang magpatayan- i mean mag suntukan na dalawa. mahina lamang yun at hindi naman mag-aaway yang dalawa kaya iniwanan ko na sila.
pumunta na muna ako sa kusina upang kumuha ng maiinom.
“Kanina ko pa napapansin yang nasa braso at ulo mo, what happened ba?” nag-aalalang tanong ni Everleigh “No'ng umalis ka wala ka namang ganyan.” she added
“Right! ngayon mo sa amin i-kwento, i don't care kung mahaba pa yan, makikinig kami.” nakairap na turan ni Sere.
nakataas naman ang kilay ni Scarlett habang nakatingin sa akin. napansin niya din ata yung sa braso at ulo ko kaya ganyan kung magtaray. parang sinasabi na magkwento ako.
I let out a small sigh then ibinalik ko na muna sa ref yung Lemon juice na nasa pitcher after kong lagyan yung glass ko.
Naupo ako sa harapan nila saka inilapag sa dining table yung glass of lemon juice, hanggang sa kinwento ko sa kanila yung nangyari.
kapag kasi hindi ko kinwento, mangungulit lang ang mga ito hangga't hindi ko nasasabi sa kanila.
Nakikita ko na ang pagtaas ng kilay ni Sere, tahimik lamang si Scarlett pero yung on-flick niyang kilay ay nagtataray na, samantalang yung kalmadong mukha ni Everleigh ay galit na galit na ngayon matapos kong i-kwento sa kanila.
BINABASA MO ANG
Beautiful Strangers : Morgan Series #2 ✅
Fiksi PenggemarIsn't it amazing how a person who was once just a stranger, suddenly meant the world to you... Kanji Alison Morgan Morgan Series #2 ✅ 2020 Story kisstelm 2020 ▪️Completed ▪️