Chapter 13
“Bro! ano ba, tumigil na nga kayo!!” pasigaw na sabi sa kanila ni Ivan.
hindi natinag sila Yuki at Saint saka ipinagpatuloy ang pagsalitan ng kamao.
kanina pa sila inaawat at pinipigilan nila Kenzo at Sceven, pero hindi pa rin nagpapaawat ang mga ito. pati tuloy si Kenzo ay natamaan na rin ng suntok ni Saint.
Halos lahat din ng staff namin ay kinakabahan at gulat na gulat pa ring pinapanuod ang dalawa. natatakot ang mga itong pigilan yung dalawa dahil baka sila ay madamay. saka puro babae ang staff na nandito, nasa labas yung mga lalaki at may ginagawa.
i bit my lower lip, hindi naman ito ang gusto kong mangyari.
halos mapatili si Beatrice ng malakas na tinulak ni Saint si Yuki dahilan ng pagkabagsak niya sa sahig.
my eyes widen, hindi ko na kinakaya pa ang nangyayari kaya naman ay mabilis akong pumagitna sa kanila ng makitang susugurin muli nila ang isa't isa.“KANJI!!”
hindi ko pinansin ang pagtawag ni Rina sa pangalan ko.
sumalubong sa akin ang matalim na tingin ni Saint.
“MOVE!” maawtoridad niyang wika
umiling ako sa kanya “t-tama na-”
“I SAID MOVE!!”
“DONT SHOUT AT HER!” pasigaw din na wika ni Yuki.
Jusko! ako pa ang dahilan kung bakit sila nagkakaganito. hindi ko na kinakaya pa ang nangyayari, mas lalo lamang akong nagi-guilty. kung sana ay nagsinungaling na lang akong aminin yung paratang nila sa akin edi sana hindi na aabot pa sa ganito.
nakita ko pa ang paggalaw ng bagang ni Saint, halatang galit na galit ito.
susugurin niya pa sana muli si Yuki pero mabilis ulit akong humarang.
galit na galit niya akong pinasadahan ng tingin.hindi ko in-expect ang sunod niyang ginawa. naramdaman ko na lamang na tumama ang ulo ko sa matigas na bagay saka ako nanghihinang pinanuod ang pagsugod ni Saint kay Yuki.
“OMG!”
“KANJI!!
gusto ko pa sanang tumayo para pigilan siya pero hindi ko na kaya dahil nanghihina ang katawan ko, nag-uumpisa na ring sumara ang talukap ng aking mga mata.
Nakita ko pa ang biglaang pag-panic nila Rina at ng ibang tao sa loob ng dressing room, nakatingin ang mga ito sa akin.nahagip pa ng mata ko ang nag-aalalang mukha ni Rina na palapit sa akin.
hindi ko na alam ang sunod na nangyari ng biglang nagdilim ang aking paningin.
🌸
Puting kisame ang bumungad sa akin pagkamulat ng aking mata.
ang pagkakaalam ko ay nasa dressing room kami at nag-aaway sila Saint at Yuki!
agad akong bumangon ng maramdamang nakahiga pala ako.
napahawak pa ako sa aking ulo ng maramdaman ang pagkirot nito. clueless ko pang nilibot ang paningin, at doon ko lang napagtanto na nasa loob ako ng hospital room.papaanong napunta ako dito?
agad na bumukas ang pintuan saka pumasok sila Ivan, Kenzo at Yuki sa loob, nagtama ang aming paningin, nanlalaki ang mga mata nilang nakatingin sa akin.
“Kanji!” ani Kenzo
“What happened-” they cut me
“What do you feel? may masakit ba sayo?” nag-aalalang wika ni Kenzo
BINABASA MO ANG
Beautiful Strangers : Morgan Series #2 ✅
FanfictionIsn't it amazing how a person who was once just a stranger, suddenly meant the world to you... Kanji Alison Morgan Morgan Series #2 ✅ 2020 Story kisstelm 2020 ▪️Completed ▪️