Chapter 19

224 9 0
                                    

Chapter 19


“Kanji?”

napalingon ako pagkabanggit ni Sere sa pangalan ko, nakataas ang kilay nitong nakatingin sa akin.

“Bakit?”

she crossed her arms over her chest, this time ay pinaningkitan niya na ako ng tingin.

“Kanina pa kita tinatawag, mukhang tulala ka ata! now tell me, what's bothering you?” masungit nitong sabi

i sighed heavily, nahihiya akong magkwento sa kanya.

hanggang ngayon kasi ay naaalala ko yung nangyari kagabi! hindi pa rin maalis yun sa isipan ko, hindi nga ako nakatulog ng maayos dahil doon. punyemas!

“Why are you blushing? magkwento ka nga, bigla bigla kang namumula dyan!”

itong si Sere, akala mo laging may dalaw. palaging nagsusungit e!

minsan talaga naku-curious ako kung paano kaya natitiis o natatagalan ni Clyde ang kasungitan ng babaeng 'to!

“A-anong gagawin mo if ever na halikan ka ng tao? tapos-”

“What?! sinong nanghalik sayo? omg! may nanghalik sayo?!” nagugulat at sunod-sunod nitong sabi.

ang OA, psh

gosh! hindi ko pa nga natatapos yung sasabihin ko, bigla-bigla na lang nag-papanic.

“Hindi ako!” nakapout kong sabi

sabi na nga ba e, kapag talaga sinabi ko sa kanyang hinalikan ako ni Saint, ganyan ang magiging reaksyon niya.

sobra pa naman siya kung maka-react.

napasimangot ako ng makita ang expression ng mukha niya, lalo na yung mga tingin niyang hindi naniniwala sa sinabi ko.

“Sure ka? umamin ka nga, may nanghalik sayo noh? maybe yun din yung iniisip mo kung bakit ka natutulala-”

“Ano?! wala nga! pinagsasabi mo.” pagdedeny ko.

“Defensive masyado, sa akin ka pa magsisinungaling? tell me sinong nanghalik sayo?” mataray nitong sabi

magsasalita pa sana ako ng tumaas na naman ang kilay nito.

“So?” naghihintay nitong sabi

nakakainis naman, wala ata akong sikreto na hindi nasasabi sa kanya. ang bilis makatunog e!

i bit my lower saka umiwas ng tingin sa kaya. nakita ko pa sa peripheral vision ko ang pagtaas muli ng kilay niya.

may itataas pa kaya yung kilay niya? kanina pa taas ng taas e.

“si S....Saint!” mahina kong sabi while biting my lower lips

nagulat pa ako ng malakas niyang hinampas ang table namin.

“How? When? Where?” sunod-sunod niyang sabi.

sinabihan ko siyang maupo na muna dahil nakatayo na ito habang sinasabi ang mga yun, medyo malakas din kasi yung pagkakasabi niya.

napatingin pa ako sa paligid namin kung may nakatingin ba sa amin! nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nakatingin ang ibang istudyante sa amin, may kanya kanya silang ginagawa. mabuti na nga lang talaga.

“Lower down your voice” i said to her

Mahina niya akong hinampas.

“Sa bench tayo.” she firmly said

tumayo ito saka naunang naglakad.
agad din akong tumayo saka sumunod sa kanya.

Pagkarating sa bench ay nag-uumpisa na namang magsungit ang mukha niya.
magkasalubong ang kilay niya habang naka-cross arms at nakatingin sa akin.
naupo na muna ako, medyo malayo sa kanya.

Beautiful Strangers : Morgan Series #2 ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon