Chapter 15
I closed my eyes for a moment habang nakahiga sa kama. sobra ang pagod namin ngayong araw, ngayon lang ata kami nakapagpahinga.
“Matutulog ka na?” ani Rina na kakapasok lamang dito sa Hotel Room
kaming dalawa kasi ang magkasama sa iisang Room, since dalawa lang yung bed ng kwarto edi dalawa lang kami ang gagamit nito.
Late na rin kami nakauwi dahil late na rin natapos yung event. may pa-party pa si Manager Rachel kanina kaya naman inabot na kami ng madaling araw ngayon. inilabas ko ang phone na nasa bulsa to check the time.
shems! mag-aalas dos na pala!
“Magpapalit na muna ako bago matulog” i said to her
Naupo ito sa kanyang kama habang may kinakalkal sa bag. mukhang may hinahanap!
“How about you? hindi ka pa matutulog?” habol ko pang sabi
nahinto ito sa pagkakalkal saka tumingin sa akin. “Hindi pa, tatapusin ko lang yung Research Paper ko.” she said saka bumalik ulit sa pagkakalkal
Mabuti na lang at natapos ko yung designs na pinapagawa sa amin, pati na rin yung ire-report ko. so ipapasa ko na lamang ang mga iyon pagkabalik namin. Lessons na lang naman ang hahabulin ko, since 2days akong hindi nakapasok. bukas kasi ay gabi na ang flight namin pauwi, so hindi ko talaga maaabutan yung klase namin for tomorrow.
Napagpasyahan ko ng bumangon at magha-half bath ako. medyo nanlalagkit na din kasi ako sa katawan ko. hindi pa naman ako mapakali kapag ganito ang pakiramdam ko.
kumuha na muna ako ng damit sa bag na dala ko then nagtungo na sa loob ng bathroom.
maya-maya lang ay lumabas na ako after mag-halfbath, naabutan ko pa si Rina na busy'ng nakatutok ang paningin sa Laptop, habang nakacross ang binti nito at may tinatype.
“Hindi ka maliligo or magha-halfbath?” i said to her saka naupo sa kama ko.
“Wait lang, tapusin ko lang to.” sabi nito na hindi man lang ako pinasadahan ng tingin.
after kong ayusin yung gamit ko nahiga na ako sa kama habang nag-i-scroll sa mga social media accounts ko. chineck ko din sa group chat namin kung ano yung ginawa nila this day, then maya-maya lang ay itinabi ko na ang phone sa side table. nagsabi din ako kay Rina na matutulog na ako.
Kinabukasan magtatanghali na ako magising, pagkabangon ko ay tulog pa si Rina. mukhang naligo o naghilamos ito kagabi dahil iba na ang suot niya ngayon.
kumuha na muna ako ng damit sa bag, after no'n ay tumayo na ako saka nagtungo sa bathroom para mag-shower, toothbrush at nagpalit ako ng damit.
pagkalabas ko ay kakagising lamang ni Rina.“Good morning- i mean afternoon pala! tanghali na din kasi.” medyo natatawa kong sabi.
“Kaya nga e. late na din ako nakatulog kaninang madaling araw kaya tinanghali na nagising.” she said while laughing.
iniayos at iniligpit ko ang damit na pinaggamitan ko saka iyon inilagay sa bag, pero nakahiwalay yun sa damit na hindi ko pa nagagamit. nagbaon din kasi ako ng Storage Compression Bag para sa damit na nagamit ko na.
Nag-message sa akin si Manager Rachel na bumaba na kami ni Rina para makapag-breakfast at lunch. kagaya namin ay kakagising lang din daw nila kaya ngayon pa lang din sila magsisikain. naka-received pa ako ng message mula sa kanya na daanan namin ang Illustrious para sabihin din iyon sa kanila.
Hinintay ko na lamang si Rina.
pagkalabas nito ng Bathroom ay sinabi ko sa kanya yung pinapasabi ni Manager Rachel, kaya naman sabay kaming lumabas ng Hotel room at nagtungo sa Rooms ng Illustrious since malapit ang room namin sa kanila, kami yung inutusan ni Manager Rachel.
BINABASA MO ANG
Beautiful Strangers : Morgan Series #2 ✅
FanfictionIsn't it amazing how a person who was once just a stranger, suddenly meant the world to you... Kanji Alison Morgan Morgan Series #2 ✅ 2020 Story kisstelm 2020 ▪️Completed ▪️