Chapter 21

231 9 0
                                    

Chapter 21


2days... 2days akong hindi nakapasok dahil sa pag-reject at pang-insulto  sa akin. okay lang sana kung nireject lang ako e, kaso may kasamang insulto! masakit para sa akin yun dahil galing din sa kanya yung pang-iinsulto sa akin.

Nagdahilan na lamang ako sa mga subjects ko kung bakit absent ako ng 2days, kamuntikan na akong ibagsak ni Mrs. De Leon isa sa may hawak ng Major subject namin, yung design na ipapasa ko sana ay 50% ng grading, yung another 50% ay exam, final exam sa kanya.

“Be thankful at isa sa mga works mo ang gusto ko, but then may minus na ito, dahil sa late ka ng nagpasa. tomorrow may final exam tayo, so don't be late Miss Morgan.” she said

nagpasalamat na muna ako sa kanya bago lumabas ng faculty.  akala ko talaga ay babagsak na ako, manghihinayang talaga ako if ever na mangyari yun.

sayang din kasi yung percentage ng project.

Naalala ko din na mula pagpasok sa school hanggang makauwi sa Condo ay puro sermon ni Sere ang narinig ko.
kahit ganyan siya ay alam kong nag-aalala siya.
because she knows how important education is to me. she was just concern kaya ganyan na lamang siya kung maka-react. this is also my fault kaya hindi ko siya masisisi.

“Please k-kanji, don't make me worried again.” i saw tears in her eyes

I smiled at her pero hindi yun yung natural kong ngiti, yung ngiti na masaya. gusto ko muling ibalik yung dating ako pero ang hirap e, nahihirapan ako! hindi ko alam kung saan at kung paano mag-uumpisa muli.

After 1month natapos namin ang semester then proceed sa last sem, bago pa matapos ang previous semester, nagfile na ako kay Manager Rachel ng resignation. hindi ako masokista para magtagal pa doon, sasaktan ko lamang ang sarili ko kung ipagpapatuloy ko pa ang pagiging P.A ng Illustrious.
Sinabi ko na lamang kay Manager Rachel na huwag sabihin kila Yuki iyon, for sure magtatanong ang mga iyon kung bakit umalis ako sa trabaho ko.

Kahit ayoko ay pumayag na lamang ako sa Offer ni Ate Dionne, na siya ang gagastos sa Tuition ko for my last semester. pati na rin yung Monthly stocks ko ay sinagot niya rin, except sa Allowance. kahit yun lang ay gusto kong ako ang gagastos doon.

Nang mag-start ang last semester naming mga 4th year or graduating students, start na rin ng Duty namin. sa D'sign Company ako na-asign, pati rin si Serenity. ang gawain ko everyday ay Duty, bahay, duty, bahay. paulit ulit.
once a week lamang kami nakakapunta ng School kapag may importanteng meetings or ipapasa. mas lalo akong naging busy dahil doon kaya naman hindi ko masyadong nakikita o nakakasama sila Cullen.

Kagaya namin ni Serenity ay mga graduating students din sila, may kanya-kanyang duty yung iba at napaka-busy talaga. Sometimes pumupunta sila sa Condo ko para mangamusta then manggulo, si Clyde lang naman ang mahilig manggulo!
maganda din na ganto lamang ang ginagawa ko, nakakaiwas ako kila Yuki.

simula kasi ng mag-duty kami ay hindi ko na muling nakikita sila Yuki, pati na rin ang Illustrious. sa TV ko na lamang sila nakikita, sa personal ay hindi na.

Hindi na katulad ng dati ang kaligayahan ko, nabawasan na magmula ng mangyari iyon! kinalimutan ko na ang pangyayari na yun pero hindi pa din maalis sa isipan ko. kung dati ay nakangiti ako dahil sa kasiyahan, ngayon ay hindi na gano'n. nakangiti ako pero hindi yun masaya, may halong kalungkutan. madalas na rin akong nagiging tahimik at napapansin iyon nila Sere, pati na rin nila Cullen. hindi na lamang sila nagtanong dahil alam nilang hindi ako magkekwento.

After 6months ay natapos kami sa Kolehiyo. 4years of College life sa Ambrosia.
Stress, Pagod, Puyat ang naranasan namin sa huling semester, pero worth it lahat ng iyon dahil finally naka-graduate rin kami.

Beautiful Strangers : Morgan Series #2 ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon