Chapter 7
I let out a deep sigh, hanggang ngayon ay hindi pa din maalis sa isipan ko ang nangyari kagabi! dahil doon ay wala na naman akong tulog. hindi ko alam pero sobra talaga akong na-apektuhan sa sinabi sa akin ni Saint!napaka-tanga ko ba talaga para hindi matandaan ang iniuutos niya?! hays...
pwede naman sigurong magkamali diba? hindi naman ako perpektong tao! wala namang perpekto sa mundo. kahit nga yung Joy ay hindi perfect e, kaya nga palaging 99.9% at hindi 100% kasi nga hindi iyon perpekto!wala sa sarili tuloy akong napasabunot sa buhok!
pati Joy nadadamay! nahihibang na ata ako! wala na naman kasi akong tulog kakaisip sa nangyari kagabi!“Kanji! are you okay?” nag-aalalang tanong ni Sere
bumuntong hininga na muna ako bago tumingin sa kanya.
“I'm fine” yan na lamang ang nasabi ko.
kahit ang totoo ay hindi talaga ako okay! sino ba naman kasi ang magiging okay sa kalagayan ko diba?! wala na ngang tulog, iniisip pa din yung nangyari kagabi! ewan ko ba , ayaw talagang mag-move on ng isip ko at hanggang ngayon ay inaalala pa din yun.
nakita ko pa ang pagtaas ng kilay nito, halatang hindi naniniwala.
“seriously? para ka kayang timang dyan na sinasabunutan ang sarili! tell me, what's bothering you?” sabi nito habang naka-cross arms
sa pagkakataong ito ay napabuntong hininga na naman ako!
nginitian ko na lamang ito habang nailing, para hindi na mag-alala pa. saka ayokong i-kwento sa kanya ang nangyari kagabi.“Wala! hindi pa ba tayo babalik ng classroom?”
pananingkitan ako nito ng mata saka napangalumbaba. “and why? tell me, ano ngang bumabagabag dyan sa isipan mo?” seryoso nitong wika
itinago ko ang kamay na napa-cross finger. kapag nakita niya yun, mahahalata niya talagang may tinatago ako sa kanya.
“wala nga!”
“really?”
“ang kulit mo Sere, wala nga! inaantok na kasi ako kaya gusto kong umidlip sa room” pagdadahilan ko pa
umayos ito ng upo at hindi pa din inaalis ang nakataas kilay nitong tingin sa akin.
“Kanji! Sere!”
sabay kaming napalingon ni Sere sa gawi ng taong tumawag sa pangalan namin!
nakangiting papalapit sa amin sila Scarlett, Yuki, Cullen and Claude.
bakit kasama nito sila Yuki at Claude?!
narinig ko pang nagsitilian ang ibang istudyante dito sa cafeteria, mas lalo yun lumakas ng makalapit sila sa amin.napaka-ingay talaga! gosh
“Hi” Yuki said while smiling then naupo ito sa harapan ko.
nginitian ko na lamang siya saka inubos ang shake na iniinom.
“Bakit wala ata si Clyde?” takhang tanong ni Sere sa kanila.
“order lang ako” Cullen said
nagsabi na sasama si Scarlett sa kanya, kaya naman dalawa silang um-order ng kakainin.
“Hindi pa tapos klase nila!” Claude said
“Oh? lagi atang nag-eextend ang klase nila?”
nagkibit balikat na lamang si Claude.
tiningnan ko ang wrist watch na suot, mahaba haba pa ang break time namin! gusto ko pa namang bumalik ng classroom kaso si Sere ay mukhang ayaw pang bumalik.
BINABASA MO ANG
Beautiful Strangers : Morgan Series #2 ✅
FanfictionIsn't it amazing how a person who was once just a stranger, suddenly meant the world to you... Kanji Alison Morgan Morgan Series #2 ✅ 2020 Story kisstelm 2020 ▪️Completed ▪️