Chapter 24
Nagising ako mula sa sinag ng araw na tumatagos sa glass wall ng aking kwarto. mukhang may nag-ayos nung Curtain ko kaya hanggang dito ay nasisinagan ako ng araw.I want to sleep more but my head hurts so badly. I drunk too much last night- mabilis akong napabangon mula sa pagkakahiga saka napatingin sa paligid, this is my room! pilit kong inaalala kung paano ako nakauwi kagabi! inis akong napahawak sa ulo ko ng kumirot ito. oh gosh! super sakit talaga, gaano ba karami ang nainom ko kagabi at bakit sobrang sakit naman ata nito?
“Hoy, Kanji! tanghali na aba! hindi ka pa kikilos dyan?” magsalubong ang kilay nitong nakahawak sa doorknob ng pintuan ko, nakapameywang pa nga
tiningnan ko tuloy yung wall clock, oh shems 12pm na pala! napahaba yung tulog ko ngayon pero... sayang nakakabitin, gusto ko pang matulog kaso may sched kami mamayang hapon
“Bumaba ka na nga, magtatanghalian na kami. sasabay ka ba?”
kaya hindi binabalikan nung Ex niyang mahal na mahal niya e, psh!
“Oo, mag-shower lang ako.” i said to her
Kahit masakit yung ulo ko ay go lang, baka magalit pa yung nanay ko- i mean si Misae pala! kapag hindi pa ako bumaba para kumain, baka ibalibag niya yung kama ko kapag di pa ako kumilos.
“Dalian mo, masamang pinaghihintay yung pagkain.”
“Mauna na kaya kayo, sunod na lang ako-”
“Dadalian mo o Dadalian mo?” sabi nito saka ako pinanlakihan ng mata
Nako naman! may choice pa ba ako?
Padabog at nakasimangot akong nagtungo sa bathroom. nagshower, toothbrush, nagbihis saka nag-ayos ng buhok at sarili bago ako bumaba at nagderetso sa kusina. naabutan ko pang nagkekwentuhan sila habang hinihintay ako. talagang hinintay pa ako! naupo ako sa vacant seat.
“Uy ate, umamin ka nga! kayo na ba ulit ni Kuya Cullen?” mausisang tanong ni Mari
I shook my head as an answer then nag-umpisang maglagay ng foods sa plate ko.
“Si kuya Cullen kaya ang naghatid sayo kaninang madaling araw, sure kang hindi pa kayo nagbabalikan?” ani Mj
si Cullen pala ang naghatid sa akin? message ko na lang siya later para makapag-thank you sa paghatid sa akin pauwi.
“Hindi pa nga-”
nahinto ako ng tumili sa kilig yung dalawa... Mari and Mj
“Meaning no'n may balak ka pang balikan siya?” kinikilig na tanong ni Mari
“Kapag nagbalikan na kayo, magpakasal na kayo agad hah?” agad naman na wika ni Mari. kagaya ni Mj ay kinikilig din ito
Anika cleared her throat. napatingin tuloy yung dalawa sa kanya samantalang ako ay nagsasalin ng Lemon juice sa baso ko.
“Umayos nga kayong dalawa! Respeto sa single dito oh!” nakairap niyang turan
Mahina akong napatawa.
“May nanliligaw naman sayo Ate, choosy ka lang talaga.” biglang singit ni Mikay
“Hindi niya kasi type, sobrang seloso pa naman no'ng nanliligaw sa kanya” Misae said
Kahit sino naman ay aayawan ang gano'ng ugali. kakausapin lang siya ng ibang lalaki nagseselos na agad yung nanliligaw sa kanya, wala pa namang 'sila' pero kung umakto akala mo girlfriend niya na si Anika, that's a no no for me. buti na lang at pinatigil niya ng manligaw, miski kasi ako ay naiinis doon!
BINABASA MO ANG
Beautiful Strangers : Morgan Series #2 ✅
FanficIsn't it amazing how a person who was once just a stranger, suddenly meant the world to you... Kanji Alison Morgan Morgan Series #2 ✅ 2020 Story kisstelm 2020 ▪️Completed ▪️