- t h i r t e e n -
DAHLIA
"Sikat na sikat ka na ah! Nililigawan ka na pala ni Sebastian?"
Nakangising sabi ni Gianna. It was our first day in training at ayun agad ang bumungad sa akin pagdating ko. Hinatid ako ni Sebastian hanggang school kanina at sinabi niya na maghihintay lang daw siya sa condo niya.
Everyone in the team asked me about us simula noong kumalat daw ang mga pictures namin sa internet. Being linked with a public figure is so stressful pala! At simula noon ay biglang dumami na ang nagfofollow sa mga accounts ko.
Some will ship us, may mga nakita na akong fanclub accounts na ginawa nila for us. It was all new to me dahil ngayon lang ako naka-experience ng mga bashers rin.
I didn't mind that though as long as kilala ko ang sarili ko then I won't get affected to what they say.
Tumango ako, I can't deny because that's the truth. Alam na ng lahat kahit na alam ng iba na rumors lang iyon. Hindi pa namin na-coconfirm ni Sebastian in public. Hinayaan na namin kung anong gusto nilang isipin.
"You're so Lucky talaga, Dahlia. Sana all!" Ngumuso si ate Rhea.
"Sa lahat pa ng mga magaganda Volleyball player sa Ateneo, who would've thought na Knoller lang ang makakakuha ng puso ni Sebastian 'no?" Nakangising sabi ni Gianna.
"Ano naman kung hindi volleyball player? Mas okay nga yung cheerleader! May advantage pa pagiging flexible!" Ani Nicki sabay ngisi na parang may ibang pinapahiwatig. Nagsitawanan naman ang iba.
"Nagkiss na kayo? Masarap?" Naningkit ang mata ni Mika habang nakatingin ng nang-aasar sa akin.
"H-Hindi pa!" Nahihiyang sabi ko at nag-iwas ng tingin.
Parang naging teenager lang ako dahil sa nahiya ako sa tanong na 'yon. Marami na akong naka-momol na lalaki pero ngayon ko lang narealize na hindi pa pala kami nagkikiss ni Sebastian! Is that even a big deal?
"What? You haven't kissed yet? Impossible! Everyone knows Sebastian is a good kisser," nakangising sabi ni Nicki habang pinaglalaruan ang kanyang buhok.
My brows furrowed, "How can you say that? Lahat ba ng babae natikman na niya?" Nagtaas ako ng kilay.
"I have a common friend na naging fling na ni Sebastian so I think it's true.." napakagat ako ng labi habang iniisip yung mga past flings ni Sebastian.
Siguro nga marami na siyang experience, sa gwapo niyang 'yon ay panigurado hindi siya nauubusan ng babae.
Buong training akong preoccupied nang dahil doon. I can't help but feel so annoyed with the thought of his flings. Muntik pa akong mahulog ulit sa pyramid nang dahil sa kakaisip ko. Malapit na yung WCSA and we needed to practice our routine.
I'll be inviting my family to watch and also my friends. Hindi ko lang sigurado kung pupwede si Sebastian sa date na 'yon baka busy siya but I'll try to invite him too.
When our training was done, Coach told me to bring Sebastian with me on our next training. May pag-uusapan daw ulit sila tungkol sa pagbabasketball. For what I know, dating basketball coach si Sir Roel and he shifted on teaching cheerdance or cheerleading for some reason. Hindi naman akk maka-hindi kay Coach kaya pumayag naman ako.
BINABASA MO ANG
The Gap Between Us
RomanceDahlia Krystalaña Suarez an aspiring Preschool teacher meets a famous UAAP Basketball Player, Sebastian, a student from ADMU.