DAHLIA
"Mas bagay itong upuan sa bedroom. Sa tingin mo?"
We were in the chair section. Sebastian was listing the furniture that we think fits in the style of the house. He also took a picture of it para mapakita kay Kuya.
After Kuya left us, he was the first one to approach me para ipakita ang mga ideal designs for the interior.
Tumango ako dahil tingin ko ay talagang may alam na siya sa mga ganito kaya I trust his instincts.
Ngayon lang kami ulit nag-sama nang kami lang na dalawa. It was really awkward. Bumabalik pa rin sa akin ang mga nangyari noong nakaraan. Mahirap talagang kalimutan dahil siya lang ang naging boyfriend ko na minahal ko talaga ng sobra.
It hurts me to think that I've made him a man I want him to be for another woman. I couldn't help but feel so uneasy when I'm near him. Knowing that he's already married. I was not taught to be a home wrecker kahit mahal na mahal ko pa rin siya. May respeto pa rin ako sa pamilya niya.
Speaking of Family, kumusta kaya sila ng asawa niya? I still haven't heard about her. Ni pangalan nga hindi ko alam. Wala sakin ang copy ng personal information ng students ko. Not unless may concern ay kailangan ko talagang kausapin ang magulang.
"Are you hungry?" He asked while walking towards his car. Kakatapos lang namin magtingin-tingin.
"Uh.. medyo." Hindi ko alam kung bakit ayon ang lumabas sa bibig ko. Dapat talaga hindi!
"We'll stop by at a nearby restaurant... Sa Parañaque ka pa rin ba nakatira?" He sounded like he was hesitating to ask me that. Napanguso naman ako at umiling.
"Near QC lang." Tipid kong sagot. "You don't need to bring me home. Kaya ko na mag-grab from the restaurant." I insisted. Ayoko naman magkaroon ng malisya at maging issue pa ito.
Umiling siya. "I promised your Kuya na ihahatid kita."
"He won't even know unless.. you have plans on telling him." Napahalukipkip ako. Hangga't maaari gusto kong lagyan pa rin ng barrier sa gitna namin dahil iyon naman ang tingin kong tama.
"Wag na, mapapagastos ka pa, ako na ang maghahatid sa'yo." He said with finality. Hindi na lang ako pumalag pa at tumahimik na lang.
We stopped at an italian restaurant. Kinausap niya ang waiter at ilang sandaling ginabay niya kami sa table namin.
Binigyan niya kami ng menu at nang ako naman ang binigyan niya ay ngumiti siya at kumindat. Napaawang ang labi ko. Is he flirting with me? Well, may itsura naman yung waiter...
Tumikhim si Sebastian kaya parehas kaming napabaling sa kanya. "Thank you, you may leave us. Tatawagin ka na lang namin when we will order." He said in monotone.
"Sige po, sir." Tumango yung waiter bago pa bumalik sa counter.
"Alam ba ng boyfriend mo kung nasaan ka ngayon?" Biglang tanong niya sa akin. Napababa ako ng menu at napakunot ang noo.
"H-hindi. Hindi ko pa siya natetext." I lied at the second statement.
Ikaw? Alam ba ng asawa mo na nagdidinner ka ngayon kasama ex mo?
BINABASA MO ANG
The Gap Between Us
RomanceDahlia Krystalaña Suarez an aspiring Preschool teacher meets a famous UAAP Basketball Player, Sebastian, a student from ADMU.