Chapter 29

596 17 2
                                    

DAHLIA

"Tata! Saan ka galing? You're late!"

Si Emily agad ang bumungad sa akin pag-uwi kina Mama. Nakapamaywang pa siya at nakakunot ang noo. Mukhang kanina pa akong hinihintay nito. I kissed her cheek bago tumuloy. Nakita kong nanonood ng palabas si Papa habang si Mama naman ay naghahanda ng pagkain. Binati ko sila parehas bago ako umupo sa sala.

Simunod si Emily sa akin ay umupo rin sa tabi ko. It's been a year since Snow passed away due to parvo. Bukod sa break up namin ni Sebastian, iyon rin ang isa sa mga pinakamasakit na nangyari sa akin.

Lumabas si Kuya galing sa kusina at nagulat nang makita ako. "O, kamusta meeting?" He asked innocently.

"Mabilis lang 'yon, Kuya. Maaga rin kami natapos. May sinuggest lang akong design sa kanya."

"Daddy, sino po ba kasama ni Tata? She almost forgot our tutor day!" Emily pouted.

Kuya chuckled and ruffled Emily's hair. "She met up with the Architect who's going to build her new home," sagot ni Kuya. "Let tata rest for a bit bago kayo magtutor." Dagdag niya.

Tumango naman si Emily at naglaro muna sa iPad niya. Umakyat muna si Kuya sa taas dahil may gagawin pa siya. Siguro busy sa pag aayos para sa kasal nila ni ate Ester.

Pinakain muna kami ni Mama bago kong turuan si Emily. Minsan maayos lang siya turuan, kapag nasa mood. May times rin na may sumpong siya dahil sa pagod rin kaya naiintindihan ko naman. I can't force her to study dahil mas lalo lang siya mapapagod. I alao care her for health.

"Tata." She called me habang sumasagot siya ng module.

"Yes?"

"I don't want you to have a boyfriend." Biglang sabi niya which shocked me. Ba't bigla niya iyon sasabihin sa akin?

"Why not?"

She pouted and looked up, trying to think of a reason. "Because you end up being hurt and I don't like to see you sad."

I was out of words. Kahit pa ilang beses na akong inaasar ni Emily. She's still the sweetest kid. I took care of her ever since she was a baby kaya naging malapit na siya sa akin. She was so attached to me para na akong nanay niya.

"So ayaw mo ako magka-asawa? Ayaw mo magkapinsan in the future?"

She shook her head. "If you marry a guy and have a baby together then you won't have enough time for us to be together. You won't teach me anymore because I'm already growing."

I was so touched with what she said. Hindi talaga siya Mommy's girl or Daddy's girl dahil isa siyang Tata's girl. Sa akin talaga siya malapit maski na sa mga kaibigan ko. They love to spoil her.

"Mily, hindi naman pwedeng habang buhay akong mag-isa—"

"You won't be alone, Tata! You have me!" Aniya sabay halukipkip.

"Yes Mily pero syempre I have to have my own family in the future as well."

"You'll forget about me naman e," kumunot ang noo niya lalo.

Napakaselosa niyang bata. Gusto niya siya lagi ang binibigyan ng atensyon. Sa bagay, only child lang naman siya. "No, I won't. Ikaw pa rin ang favorite kong pamangkin!" I pinched her cheeks. Mukhang nakuha ko naman ang loob niya kaya nakangiti ulit siya.

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon