Chapter 23

511 8 2
                                    

- t w e n t y t h r e e -
DAHLIA

"Hindi ka nanaman makakapunta?"

I pouted sa call. Nasa school ako ngayon at kakatapos lang ng training namin. Tinawagan ko si Sebastian para itanong kung tuloy ba ang date namin and he ditched me again, on our monthsary!

"I'm sorry babe, ang dami lang namin ginagawa ngayon. Promise babawi ako sa'yo."

I couldn't help but sigh. "Okay.."

"Babe, I have a question."

"What is it?"

"May napapansin ka ba na kakaiba kay Alliana lately? Iggy has been cold these past few days. Nag-away yata ang dalawa." Aniya. Akala ko naman tungkol sa amin! Pero nakakapagtaka nga, minsan ko na lang nakikita si Alliana sa campus at kapag nakikita ko siya, matamlay ang itsura niya. Ano kaya ang problema nilang dalawa?

"Hindi ko 'yan masasagot dahil hindi naman kami close ni Alliana."

"Ganun ba? Eto kasing si Iggy nagpapakalasing nanaman. Ako tuloy nag-aalaga dito."

I sighed. "Sige na, uuwi na ako sa condo. I'll text you when I get home."

"Okay babe. Ingat. I love you."

I said I love you too before dropping the call. Nang sinabit ko na ang duffel bag ko ay nahagip ng mata ko si Gianna who was seriously texting on her phone. I remembered na bestfriend niya pala si Alliana. Gusto ko man tanungin kung anong nangyari sa kanya kaso baka isipin lang na chismosa ako. Kaya nahiya akong magtanong.

Suddenly she caught me staring at her and then smiled and waved. "Wala si Jowa?" Tanong niya habang naglalakad palapit sa akin.

"Busy. Alam mo naman, dami niyang plates."

Tumango naman siya pero halata sa mukha niya na may gusto siyang sabihin sa akin pero nahihiya lang siya.

"S-sige! Una na ako! Ingat ka, Dahlia!" Paalam niya bago naglakad ng mabilis dahilan ng pagsunod ko na lang sa kanya.

Nadatnan kong nagkwekwentuhan sina Trixie at Pauline. Hindi na ako nagugulat kapag andito siya. Malapit lang naman ang condo ni Rick dito. Nang makita nila ako ay bigla silang nanahimik.

"Oh? Ba't ang tahimik niyo? Parang nakakita lang kayo ng multo," I chuckled before putting my bag down at kumuha ng baso sa kusina para uminom ng tubig.

"Wala, nag-kukwentuhan lang kami dito tungkol sa mga blockmates namin." Ani Trixie.

Napataas ako ng kilay at naging interesado na rin ako. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Trixie.

"Ano naman ang chika? Baka pwedeng i-share." Sabi ko at uminom ng konting tubig. Ramdam ko ang pagbago ng atmosphere sa loob ng room. I knew there's something fishy going on.

I saw Trixie bit her lip at napatingin kay Pauline bago binalik ang tingin sa akin. Napakunot ako ng noo due to curiosity.

"Hindi namin sure kung totoo pero narinig ko kay Gianna na break na raw si Ignacio at Alliana." Napatigil ako sa pag-iinom at lumaki ang mata ko. I remembered what Sebastian asked me earlier.

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon