- e i g h t e e n -
DAHLIA
"I thought you're still not coming home!" Hindi makapaniwalang sabi ko while looking at him.
He chuckled and hugged me tight. "Surprise,"
I let go from the hug at binati rin sila Mama ng Happy New Year. I still couldn't believe na andito si Sebastian! Akala ko hindi pa siya uuwi. He scammed me!
"Alam niyo na uuwi siya?" Nagtatakang tanong ko habang kumakain.
"I knew! He messaged me na gusto ka niyang i-surprise," ani ate Ester habang pinapakain si Emily.
"Ngayon na ba talaga uwi mo? O nauna ka lang?" Nagtaas ako ng kilay. Baka mamaya tumakas lang 'to kay Tita Solana at Tito Lorenzo.
"Hindi na mahalaga 'yon, basta andito na ako sa tabi mo." He smiled and held my hand.
We heard Kuya coughed dahilan ng pag-alis ng kamay ni Sebastian sa akin. We chuckled then continued eating.
Nang matapos kaming kumain, nagkwentuhan kami sa sala. Ilang saglit lang ay nagpaalam si Sebastian na may kukuhanin sa kotse niya. Pagbalik ay may mga dala na siyang mga paper bag. I assumed mga regalo para sa amin.
Tuwang tuwa si Emily nang ibinigay sa kanya ni Basti ang bagong laruan niya. Nakangiti lang kaming lahat habang pinagmamasdan si Emily.
Binigay ni Sebastian ang isang paper bag naman kay Kuya at isa naman para kay Ate Ester. Nagdalawang isip pang tanggapin ni kuya yung regalo niya pero sa huli tinanggap naman niya.
Sumunod naman si Ate Lilah at Mama. I was shocked when Basti gave mama a designer bag! First time lang ni Mama makahawak at magkaroon ng isnag designer bag. She has a collection of bags at sa palagay ko ayan na ang magiging paborito niya.
"Naku, Basti, sobra sobra namang itong regalo mo.." nahihiyang sabi ni Mama habang tinitignan ang bag niya. She was holding it carefully like a baby. Ayaw niyang magasgasan iyon or madumihan.
"Wala po 'yon, Tita. Sana magustuhan niyo po." Basti said. I was looking at their gifts at napansin kong puro mamahalin ang mga gamit nila. Lumapit naman ako sa kanya at sinikuhan.
"Ba't ang mamahal naman ng mga binili mong regalo? Baka sabihin ng mga magulang mo pera lang habol ko sa'yo," bulong ko sa kanya.
His smile faded. "The money I used to buy those is from me. Okay? Ako naman ang may gustong magbigay ng regalo. What's wrong with that?"
"Wala namang masama doon, nakakagulat lang at hindi kami sanay na maregaluhan ng mamahaling gamit." Ani ko.
He held my hand tight at bago pa siya makapagsalita ay tinawag siya ni Mama.
"Basti, may regalo rin ako para sa'yo." Nakangiting wika ni Mama habang kinukuha ang maliit na box sa ilalim ng Christmas Tree. "Hindi ito mahal tulad ng mga regalo mo pero sana ay suotin mo lang ito lagi."
She gave him the small box at shinake pa ito ni Sebastian bago pa iyon binuksan. It revealed the other pair of my bracelet which is the Yang sign. The beads where all white at tanging yung sa gitna ang naka-itim which symbolizes the Yang. Habang sa akin naman ay baliktad rin sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Gap Between Us
RomanceDahlia Krystalaña Suarez an aspiring Preschool teacher meets a famous UAAP Basketball Player, Sebastian, a student from ADMU.