Chapter 27

545 15 3
                                    

- t w e n t y  s e v e n -

DAHLIA

"Uuwi na si Daddy!"

Masayang sabi ni Emily. Malaki na siya ngayon, nasa elementary na at laging pasok sa honors. Siyempre, ako lagi nag-tututor sa kanya kaya nagiging honor siya.

Lumipat kami sa isang executive village sa Quezon City last two years ago dahil dito nakabase ang work ni Papa. Nagkabalikan nga sila ni Mama at tinuloy ang Kasal. We were now a complete family... well.. si Kuya Kyle na lang ang kulang.

Ilang years na rin siyang nagtatrabaho sa abroad at mabuti na lang at makakauwi na siya dito ngayon and for good.

Napromote si Ate Ester sa trabaho kaya nagpakain siya sa bahay. She was still living with us. Si Ate Delilah naman ay pumasok bilang isang Architect rin sa isang Real Estate Company.

"Mabuti na lang at uuwi na yung kumag na 'yon." Sabi ni ate Lilah. Dahilan ng pagtawa namin.

"Mean mo Tita Lilah!" Emily pouted kunwari nagtatampo pero hindi naman.

"Nagjojoke lang siya, Emily. Hayaan mo na Tita mo." Ani Mama at sinubuan naman siya ng pasta.

"Congrats nga pala, Ester," Papa greeted her. Tinanguan siya ni Ate at ngumiti.

"Salamat po, Pa." she said before turning to me. "Tahimik mo diyan ah?" Nagulat ako dahil napansin niya 'yon?

"Kumakain lang ako dito," pinapatuloy ko lang ang pagkain. Sa totoo lang, wala talaga akong ganang kumain ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Matapos naming magkita ni Sebastian, biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Para bumalik nanaman ang lahat ng sakit from the past. I tried so hard to conceal my feelings pero mukhang halata pa rin.

"Did something happen at work today, anak?" Mama asked.

I shook my head. Ayoko nang maalala iyon. I should just move on and forget about it. May pamilya na si Sebastian and I should be happy for him.

"I know that look, she's heartbroken again," singit ni Emily.

I gave her a sharp stare. Ba't ang galing niya magbasa ng utak? Maybe I shouldn't have tutored her instead mukhang mas magiging matalino pa ito kaysa sakin.

Dama ko ang tingin nila Mama sa akin. "Emily, 'yang bibig mo talaga hindi na natigil!" Suway sa kanya ni Ate Ester.

"What? It's true! She's still inlove with Tito Sebseb—" sinubuan na lang ni Ate Ester ng tinapay si Emily para tumigil sa pagsalita.

It has been 7 years since our break up. I tried dating again pero laging fail. I chose to stay single dahil nakakatamad na makipag relasyon.  I'm not interested in dating anymore.

"Emily, sabing wag mo na nga banggitin yung pangalan na 'yon sa harap ng Tata mo," ani Ate Ester.

"Okay, kapag wala na lang po siya." Kibit balikat ni Emily. Hay. Minsan nakakastress 'tong batang 'to. Mas matalas pa yata memory neto kaysa sakin. Tandang tanda niya pa si Sebastian. Paano pa naman kasi nasa kanya pa family picture namin kasama si Sebastian noong new year, karga pa niya si Emily noon.

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon