- t w e l v e -
DAHLIA
"He said what?!"
Hindi makapaniwala si Trixie sa kinwento kong nangyari kagabi. We were facetiming each other habang gumagawa ng skin care routine.
"I don't want to repeat it! Bahala ka diyan!" I frowned, because I was too shy. I was acting like a teenager na crush rin ng crush niya!
She squealed that made my ear hurt. Ang ingay talaga nitong bruhang 'to. I just rolled my eyes before rinsing my face.
"I knew it! I'm so happy for the both of you!" She happily said na parang inanunsyo ko sa kanya na engaged na kami.
"Calm down! Hindi pa naman kami!"
"Doon na rin papunta 'yon! I never knew Sebastian knows how to court. Sa pagkakaalam ko wala sa vocabulary niya iyon. Well, Iba talaga kapag gusto ka ng tao." She smiled while applying cream on her face.
I blinked when she said that Sebastian isn't the type of guy who courts girls that he likes. Hindi ko rin naman 'yan masasabi dahil di ko pa alam ang kwento nila ng ex girlfriend niyang sineryoso niya rin.
Humiga na ako sa kama habang kausap pa rin si Trixie. She told me about her summer plans after the school year. Gusto niyang magbeach kami kasama si Joshua at si Sebastian at sa palagay ko, that would be a great idea. We talked for an hour bago pa naming maisipan na matulog na.
Maaga akong nagising dahil binilin sa akin nila Mama si Mily. At dahil ako lang naman ang nasa bahay ngayon ay responsibilidad kong alagaan ang pamangkin ko. Umalis si Mama at ate Lilah dahil may inaasikaso sila na hindi ko alam kung para saan. Habang sila ate Ester at kuya Kyle naman ay pumasok sa kanilang trabaho.
Habang nagluluto ako ay pinapanood ko muna ng cocomelon si Mily para naman ay malibang siya habang busy ako.
Napatigil ako nang narinig kong nag-ring ang cellphone ko. Mabilis kong kinuha ang phone ko sa lamesa at inipit sa tenga ko habang nagluluto.
"Hello?"
"Hey, I'm on my way to your house. Your mom called me, sabi niya samahan daw kita dito, I can't say no," I could sense a hint of smile from his tone. Maski ako nagulat nang malaman ko na papunta na siya dito nang maalala ko na hindi pa naman Thursday!
But then I just realized.. "Mama called you?" I asked, confused. Kailan pa nagbigayan ng number sila? I don't even remember when?
"I asked for her number, just incase for emergencies and she asked for mine too." He simply said. "Sige na, ibaba mo na. Malapit na ako," dagdag niya before I ended the call.
Mabilis kong inayos ang mesa at hinanda na ang ulam. Pinagisipan ko pa kung maliligo pa ba ako dahil pawis na pawis ako at ayokong madatnan ako ni Sebastian na mukha akong haggard.
I sighed and took a ten-minute shower para presko sa katawan. I wore a white fitted v-neck shirt and maong shorts. Lumabas ako ng kwarto at tinignan ulit si Mily na gumagapang patungo sa pinto. Nagmadali akong naglakad para buhatin siya nang matanaw ko ang kotse ni Sebastian sa labas.
I went outside to greet him, still carrying Mily on my arms. He went out of his car, with paperbags. My brows furrowed habang pinagmamasdan siyang sinarado ang pinto ng kotse niya at ni-lock bago humarap sa akin.
BINABASA MO ANG
The Gap Between Us
RomanceDahlia Krystalaña Suarez an aspiring Preschool teacher meets a famous UAAP Basketball Player, Sebastian, a student from ADMU.