Chapter 21

528 6 0
                                    

- t w e n t y o n e -

DAHLIA

"Hindi mo naman kailangan pumunta,"

Nilagay ko yung dalang pagkain ni Sebastian para sa amin sa may table. Tumayo si ate Ester at nagpasalamat kay Sebastian sa pagkain bago pa niya kinuha yung food para kainin ni Emily.

"Tapos ko na asikasuhin yung transfer papers ko when I texted you." Sagot niya at umupo sa monoblock sa tabi ng hospital bed ni Emily.

"Mag-ttransfer ka, Sebastian? Saan?" Nagtatakang tanong ni ate Ester.

"Sa UST po ate. Nagshift ako ng Architecture."

Lumaki ang mata ni ate Ester at napatigil sa pagpapakain ky Emily. "Bakit? Sayang naman yung years mo sa ADMU." Nakasimangot na sabi niya.

"I never really wanted my course there. Napilitan lang po ako ni Papa. Ngayon ko lang pinaglaban yung gusto ko."

Ate Ester pursed her lips and nodded bago pa ibinaling ang atensyon kay Emily. Just when I was about to sit. Biglang tumawag sa akin si Caitlyn. Maybe because of her offer. Hindi ko pa ito nasasabi kay Sebastian but I will, eventually. I excused myself sa room at lumabas.

"Hey Caty, what's up?"

"You up for the gig I told you? It's a Print Ad shoot." Sabi niya.

"Sige, kailan ba 'yan?"

"Next week. Malaki ang makukuha mong pera dito, Dahlia! Ano? Final na 'yan?"

I bit my lip. I should really be studying to get my grades back on track pero at the same time, nagsstruggle rin ako makahanap ng sapat na pera para sa pamilya ko. If only I could contact Dad to get some help pero wala akong alam na contact details niya.

"Sige, sign me up." I sighed. I need to work so that I could provide enough money para mabayaran yung mga bills namin sa bahay. Tsaka ko lang naalala yung monthly payment ko sa condo. I was thinking of moving out dahil di rin mababayaran ni mama yung pagstay ko pa doon. I have to talk to Trixie about that soon.

"Okay! See you there!" Masiglang sabi ni Katy bago binaba ang tawag.

Kinailangan kong bantayan si Emily para kay Ate Ester since kakapasok pa lang niya sa bago niyang trabaho. Dinala ko yung mga readings at laptop ko para dito na ako mag-aral. Pupunta rin sana si Sebastian dito kaso may inaasikaso pa siya para sa transfer niya. He stopped going to ADMU at ngayon abala na siya sa pagttransfer niya.

He even bought his materials para sa mga future plates niya. Maybe he started creating the designs for his plates para mapractice niya?

I have never seen his works before. I didn't know sa arts pala siya magaling. Though he is smart after all.

Emily was asleep and I suddenly stopped typing when I saw my brother calling. He was a busy man, he started working for grab at kung ano pang delivery app na pwedeng pasukan para lang magkapera. Naubos na kasi yung natirang pera niya sa huling sahod niya doon kaya kailangan niya pang kumayod lalo na't na-ospital pa si Emily. The Doctor said may Dengue daw siya at buti na lang sinugod agad sa ospital. She still needs to stay here for a few days. Sinagot ko iyon habang patuloy pa rin nagtatype.

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon