Chapter 1

17.1K 259 42
                                    

Tori's POV

Nagising ako sa walang humpay na tunog ng alarm clock. Oo, makalumang alarm clock ang gamit ko at hindi cellphone. Wala kasi itong snooze snooze kaya mapipilitan akong bumangon sa ayaw at sa gusto ko. Para makasigurado na babangon ako para patayin ito ay nasa study table ko nilalagay. Hindi abot-kamay. Sa ngayon malinis pa ito at mukhang table pa pero sa oras na magsimula ang klase ay matatabunan na ito ng mga papel at plates.

Kahit pupungas-pungas pa ako ay wala na akong choice kung hindi ang bumangon para patayin ito. 8:30AM na. May mahigit isang oras pa ako meron para maghanda dahil 10AM pa naman ang klase ko. Normal na routine ko na ang mag-inat-inat muna ng katawan bago maligo.

Marunong akong magluto dahil mag-isa ko lang sa bahay. Pero dahil first day of school ngayon ay nagtimpla lang ako ng kape na ipapareha sa tinapay. Easy breakfast. Kabilin-bilinan kasi ni Mama na huwag aalis ng bahay nang walang laman ang tiyan.

Umupo ako sa round table na pang-apat na upuan. As usual, tahimik na naman pero nasanay na ako. Wala kasi si Mama dito at minsan sa isang taon lang siya umuuwi. Isang makabagong bayani si Mama. Nurse siya sa London. Si Papa naman ay maagang namatay dahil sa cancer. Limang taon pa lang ako nang mawala siya sa amin.

Sinigurado ko muna na locked ang dalawang pintuan ng bahay bago umalis. Magko-commute lang ako dahil thirty-minute ride lang naman ang school mula dito sa bahay. Maswerte ako dahil hindi double ride. Malapit rin sa babaan ng jeepney ang gate. Mga five minutes lang ang lalakarin. Pagkababa ko ng jeep ay tinanaw ko ang napakalaking gate ng university.

"Last year na 'to. Kapit lang." Mahigpit ang hawak ko sa backpack ko at nagbuga ng malalim na hininga.

Huling taon ko na sa college. Engineering ang course ko. Gusto ko sana sa University of the Philippines mag-aral eh kaso hindi ako nakaabot sa entrance exam. Isinugod kasi si Mama sa hospital nung araw mismo ng pagsusulit at dahil dalawa lang kame ay ako lang ang pwedeng magbantay sa kanya.

Hindi man ako nakapasok sa UP ay nakapasok naman ako sa isang magandang university. Minsan natutuwa ako pero madalas talaga parang pakiramdam ko out of place ako dito. Nagkataon kasi na isa ako sa mga scholars ng mga butihing benefactors ng paaralang ito. Wala akong binabayaran ni piso. Pero syempre, hindi naman kasama dun yung mga libro at pang-araw araw ko na gastusin.

Yung matayog na gate pa lang ay intimidating na pero sa tatlong taon ko dito, nasanay na rin ako. Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay tanaw na tanaw ko na ang mga magagarang sasakyan. Kung ano yung nakikita mo sa mga palabas sa TV ay makikita mo rito. Ferrari, Mustang, Range Rover at kung anu-ano pa.

Walang uniform dito kaya sa pananamit pa lang ay makikita mo na ang katayuan ng isang estudyante sa buhay. May mga restrictions sa pananamit pero sa papel lang yun. Hindi naman nasusunod. Sino ba kasi ang sisita sa pananamit ng anak ng isang katulad ni Henry Sy? Di ba wala?

Nakakatawa nga kasi kahit hindi ito high school ay makikita mo talaga ang kumpulan ng mga varsity players, nerds, bitchy cheerleaders, mga elitistang palaka, at mga walang pakialam sa mundo.

Napabuntong hininga na lang ako habang dumadaan sa catwalk ng campus. Kung hindi lang dahil sa scholarship ko ay baka umabsent na ako ngayon. Wala rin naman kasing masyadong ganap sa unang araw ng klase. Syllabus, requirements at house rules lang usually ang sinasabi ng mga professor. Minsan pa nga ay hindi sumusulpot ang mga ito.

Patuloy ako sa paglalakad nang mapansin na panay ang tingin sa akin ng mga estudyanteng nararaanan ko. Yung iba ay wala man lang balak itago ang bulungan nila. Gusto kong mag-roll ng eyes pero hindi naman pwede.

"Stay lowkey, Tori. Stay lowkey. Ignore them. Last year mo na 'to. Last na talaga. "

Sambit ko sa utak ko at patuloy na naglakad. Diretso lang ang tingin ko nang biglang may matinis na boses ang tumawag sa akin.

Last-Minute Changes (2nd)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon