9

332 12 0
                                        

Colt's POV

Nagising ako nang hindi ko maramdaman si Lauren sa tabi ko. Napabango agad ako. Kinuha ko yung robe ko at sinuot.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto at pinuntahan siya sa kwarto niya, wala ito dito.

Hindi.

Wag sana magkatotoo yung iniisip ko na baka tumakas siya.

Nagmadali akong bumaba. Sinalubong ako ng mga katulong.

"Where's Lauren!? Tumakas ba siya?!" Takot kong tanong.

"Sir, nasa kusina po siya." Sagot ng katulong.

Nawala yung kunot sa noo ko. Pumunta ako sa kusina.

Naabutan ko si Lauren na nagluluto. Naka suot pa ito ng robe at mukhang kakagising lang rin.

Pinagmasdan ko lang siya sa ginagawa niya. Mag-isa lang siya sa loob ng kusina na nagluluto. Gumaan ang pakiramdam ko dahil hindi niya ako tinakasan.

"Ayan. Mukhang perfect na.---andyan ka pala." Sabi nito ng makita ako.

Tinulungan ko siya sa platos na hawak niya.

"Para saan to?" Tanong ko.

Iba't ibang dish ang niluto niya na nakahain ngayon sa lamesa.

"Wala. Gusto lang kitang ipagluto. " Sabi nito.

Napangiti naman ako.

"Umupo kana dyan. Ako na bahala dito." Sabi niya pa.

Sumunod naman ako. Naupo ako sa pwesto ko sa dining area. Sumunod naman siya dala yung huling dish na niluto niya. Pagkatapos, ipinag hain niya ako.

"Tikman mo lahat yan. Ako nagluto niya. First time ko mag-luto kaya sana magustuhan mo." Excited nitong sabi.

Nagsandok siya ng marami sa plato ko.

"Aren't you gonna eat?" Tanong ko. Wala kasi siyang nilagay sa plato niya.

"Nope. Kumain nako ng smoothie bowl ko at protein shake. "

Pinatong ko yung kamay ko sa kamay niya.

"Let's eat. Samahan mo ako."

Napatingin ito sakin ng deretso.

"O-oo. Sasamahan ka..." Pagsuko nito.

Parang biglang nagbago ang mood nito.

Nagsandok ito ng pagkain sa plato niya. Inumpisahan ko namang kainin ito---

*Coughs*

Inabot ni Lauren yung baso ko at tinulungan akong uminom.

"Panget ba talaga yung lasa?" Pagtataka nito.

Umiling ko.

"N-no. Mainit lang. But it's really delicious." Pagsisinungaling ko.

Her toasted bread is literally burned. The egg is not cooked well. I also tasted the bacon, it taste raw. The fatty part is still not cook. I tried the mushroom soup, it taste like a water. It doesn't even taste like a mushroom.

But I shook my head. She putted all of her effort to cook for me.

Pinisil ko yung kamay niya na hawak ko pa rin hanggang ngayon.

"Thank you. I really appreciate it." Nakangiti kong sabi.

Napababa yung tingin ko sa labi niya habang ngumunguya ito.

"G-gusto mo akong halikan?" Tanong nito.

I wasn't thinking about doing that but..

"Do you want me to do it?" Tanong ko.

I love you, I lied [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon