"Hi Macqueen. May I invite you for a dance? Totoo pala ang sinabi nila. Lalo ka pang gumanda." anyaya ni Xander habang kunwari'y hindi ako apektado sa presence niya.
Wahhh.. OMG.. This is it. Di ko alam kung aabutin ko yung kamay niya. Shocks, I'm shaking. Pero teka, lalo daw akong gumanda? Eh kulang nalang laitin nya 'ko dati.
"Sige na sis, chance mo na yan para paibigin ang mokong na yan." sulsol ni Eric. Alam niya ang plano kong paibigin at saktan si Xander.
Rock ang tugtog pagdating namin sa dance floor. Sumayaw ako ng dirty dance kahit rock ang tugtog. Nakakahiya pero tinuloy ko ang plano.
"Tingnan ko lang kung hindi ka ma-inlove sakin." sa isip ko. Ginalingan ko pa ang paggiling at nakikita ko sa mukha niya ang pagkahumaling sakin. Shit, ang gwapo.
Pero teka. OMG, nagdedirty dance na din siya. Bakit ganon, ang macho pa rin niya kahit ganon ang sayaw niya. Nagpapalakpakan na samin yung mga tao dahil sa ginagawa niya.
"Oh c'mon. Macqueen wag kang padadala. Dapat siya ang maakit mo." paalala ko sa sarili ko.
Grabe! His lips, so sexy. His nose, his whole body, napakaperfect. Parang hinubog ng napakagaling na iskultor. Itong-ito ang dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya noon.
"Wahh, hindi ko na 'to kaya. Bakit ba kasi nagdirty dance pa 'ko. Grrrr.. Ang pogi pa rin nya." pag-aalburuto ng isang parte ng utak ko.
Nasa ganon kaming eksena nang biglang nagpalit ng tugtog. Naging sweet song. Hay, buti nalang nagpalit na ng music. Ang init grabe. Woooh.
Pero teka, ano daw? Sweet dance? Ibig sabihin magkakalapit kami?
Tugudug...tugudug...tugudug.. Dinig na dinig ko ang heartbeat ko.. Kalma lang Macqueen. Wag kang paapekto.
Aalis na sana 'ko nang dahan-dahang lumapit sakin. Nakakapaso ang titig niya na animo'y may gustong sabihin. Bigla namang lumukso ang puso ko dahil sa kaba.
----
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Yabang
HumorRomantic comedy na tungkol sa isang high school loser who turned into goddess. She will do everything para pagbayarin ang mga may atraso sa kanya during high school days. Specially, Xander, the man of her old fantasy.