Nasa kotse palang ay hindi na 'ko mapakali. Bakit kailangan pang umabot sa ganito ang lahat? Sinubukan kong tawagan si Nathan para magpasama pero hindi siya sumasagot. Sinubukan kong tawagan uli si Sherly para makibalita pero out of coverage area din. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa mga nangyayari.
Sinubukan kong alalahanin ang mga naganap samin ni Xander. Ang mga masasaya at malungkot naming pinagsamahan. Ganun ba talaga yon, kung kailan nasa bingit na ng kamatayan ang mahal mo tsaka mo lang malalaman ang kahalagahan niya sa'yo? Tsaka mo lang maiisip na hindi mo pala kayang mawala siya?
Huminto kami ni Eric sa isang flower garden.
"Bakit nandito tayo Eric? Hindi ba dapat sa ospital?" nanginginig na sabi ko.
"Dito daw nakaburol si Xander." nakayukong sagot niya.
"Anung nakaburol Eric? Nasisiraan ka na ba? Kapapanood lang natin ng video niya di ba?" nagiging hysterical na 'ko dahil sa nangyayari.
Pagbaba ko palang ng kotse ay lumapit sakin sina Sherly at Nathan.
"Nandito kayo? Nasan na si Xander? Sabihin niyong hindi totoo to, please." Garalgal na ang boses ko sa pag-iyak.
"Sorry Macqueen." Sabay yakap nilang dalawa sakin.
Inakay nila ko papuntanta sa entrance. Maraming ilaw, sari-saring bulaklak at paru-paro. May choir pang kumakanta kaya pakiramdam ko'y nasa langit na din ako nung mga oras na yon.
Wala sa sariling pumasok kami sa garden. Napakadilim. Kung maliwanag sa entrance, dito nama'y napakadilim. Isang ilaw lang mula sa gawing unahan ang nakikita ko.
"Macqueen, tatagan mo ang loob mo. Hinihintay ka na ni Xander." Malungkot na sabi ni Nathan.
Lumapit ako papunta sa harap. Nanginginig at patuloy sa pag-iyak. Hindi ko maaninag ang lugar dahil sa pag-uulap ng mata 'ko.
Umawit ang choir ng paborito kong kanta na "All of Me."
Isa-isang bumukas lahat ng ilaw. Napakaraming tao. Lahat sila nakaputi. Ngayon ko lang napansin na pati sila Sherly at Nathan na nakaputi rin pala. Napakaganda ng lugar. Punong-puno ng halaman at paru-paro.
Bumukas ang ilaw sa bandang harap..
"Buhay ka Xander?" Nasabi ko sabay ang muling pagdaloy ng luha ko. Luha ng saya dahil hindi totoong patay ang taong mahal ko.
Nakaputi rin siya at nakita kong katabi niya si Eric na nakaputi na rin. Lalo pa kong naiyak nung marinig ko ang boses niya gamit ang mikropono.
"Macqueen, ako ang taong nagbigay ng lungkot sa'yo. Pero sana, bigyan mo pa 'ko ng pagkakataon na itama ang mga pagkakamali ko."
Tumahimik siya at nag-isip habang patuloy naman ang paghikbi ko.
"Nung nalunod ka sa dagat halos mabaliw ako sa pagsagip ko sayo. Akala ko huli na ang lahat para satin."
Nakita kong nagpunas siya ng luha pati na rin ang mga tao.
"Nung gabing kinausap ko si Nathan, ang totoo, hinabilin na kita sa kanya. Pero di siya pumayag dahil sabi niya ako daw ang mahal mo at hindi siya."
Huminto siya at tumingin kay Nathan.
"Noon ko lang nalaman na hindi pala totoo ang relasyon niyo. Tinulungan niya ko para iset-up ka at paaminin na mahal mo ko. Idea niya yon na ituloy ko ang pagpunta sa Canada."
Nakangiting sabi niya at kita kong nag-okay sign si Nathan bilang pagsang-ayon.
"Gusto ko sanang mag-give up pero pinigilan ako ni Sherly. Gusto daw niyang bumawi sa'yo kaya tumulong din siya sa pagset-up nito."
Napatingin din ako kay Shely. Nakangiti siya sakin.
"Ngayon Macqueen, sa harap ng mga taong ito. Gusto kitang tanungin....
...Will you be my girlfriend? FOR REAL?"
Siryosong tanong ni Xander habang nasa stage samantalang ako nama'y nananatili sa pwesto ko.
"Papayan na yan! Papayag na yan! Papayag na yan!" Narinig kong masayang cheer ng mga tao.
"Sa kabila ng mga ginawa mo Xander, hindi kita nalimutan. Oo nagalit ako sa'yo. Pero at the end of the day, ikaw pa rin ang nasa isip ko. Bago ko sagutin ang tanong mo, may tanong din ako sa'yo." Dire-diretsong sabi ko habang panay ang paghikbi ko. Pero this time, hikbi ng ligaya.
"Ano yon Macqueen?"
"Kailan mo pa alam na kinuha ko yung underwear mo?"
Siryoso ko kunwaring tanong nang biglang magtawanan ang mga tao. Nakita ko namang biglang namula ang mukha ni Xander kaya napangiti ako.
"Bago pa tayo magshopping alam ko na. Kasi yun sana yung isusuot ko pero di ko makita. Nakumpirma ko lang nung ayaw mong ipahawak sakin yung backpack mo." Namumula sa hiyang sabi ni Xander.
Pagkasabi no'y dali-dali akong tumakbo sa kanya at niyakap siya.
"Oo, Xander! Payag na kong maging girlfriend mo. FOR REAL!"
Narinig kong nagpalakpakan ang mga tao. Tuloy ang kantyawan at sigawan ng iba. Halata naman ang kilig at tuwa ng marami. Ito na yata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Ang maging kami ng taong pinangarap at minamahal ko.
-----
After 1 year...
Lumipad papuntang Canada si Sherly para mag-aral. She grabbed the scholarship para daw mapratice ang natatago niyang galing sa English.hahaha
Lagi siyang tinatawagan ni Nathan. Magjowa na yata yung dalawa.
Si Eric, kasama ni Sherly sa Canada. Maghahanap daw ng puting jowa.haha
At kami ni Xander my love, ikinasal na for real. At ngayon, target na naming gumawa ng baby.hihi Favorite nyang isuot ang mickey mouse na boxers nung honey moon namin. Binili ko pa nga siya ng anim na ganon. Para everyday, happy.hahaha
-WAKAS-
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Yabang
HumorRomantic comedy na tungkol sa isang high school loser who turned into goddess. She will do everything para pagbayarin ang mga may atraso sa kanya during high school days. Specially, Xander, the man of her old fantasy.