Kasalukuyan kaming nasa basketball practice nila Xander ngayon.
"Macqueen nung naglinis ka ba nung kwarto ko may naitapon ka? May nawawala kasi sakin eh?"
Oh no! Baka alam na niyang kinuha ko yung underwear niya. Yay..
"Wala naman BABE." Weh..babe talaga no. Nasa school kaya kami kaya feel na feel ko ang pagsabi ng babe.hahaha Taas kilay naman yung mga babae dun sa sulok ko.haha Inggit lang sila no.haha
"Bakit babe, ano bang kulay ang nawawala sa'yo?"
Sige Xander, sabihin mong pink na boxer mo ang nawawala. Sige, sabihin mo.hahaha Ano, hindi mo masabi no, kasi pink?hahaha
"Ah, basta nalimutan ko na eh."
Weh? Nalimutan o ayaw mong sabihin na pink? Echosero ka rin my love eh.hahaha
"Eh ano ba kasi yung burda non?"
Ahaha.. Sige Xander, sabihin mong Mickey Mouse ang burda non! Sabihin mo, kundi tatawanan talaga kita.hahaha
"Burda?" Takang tanong ni Xander.
"Oo, yung burdang Mickey Mouse ba Xander?"
"Ha? Ano ba yung sinasabi mo? Yung libro ko sa Physics ang sinasabi ko. Hindi ko kasi makita eh."
Ahahah Oh my g! Muntik na kong madulas.hahaha Libro lang pala di mo sinabi agad. Gosh!
"Oh, babe, tawag na kayo ng coach mo oh. Magstart na daw ang game!"
"Oo nga no, wala bang pampaswerte dyan?" Tanong ni Xander.
"Ha? Anong pampaswerte?"
"Kiss." Sabay pout niya ng lips. Waaaaah. Kaloka, ang cute!hahaha
"Kiss ka dyan, eto, kamao gusto mo?" Ahaha joke lang Xander my love. Kahit ilang kiss pa yan no. Go lang! Ako pa ba?
"Naks, ang sweet nyo naman! Baka matalo na 'ko kay Xander sa pustahan nyan!" Nakangiting sabi ni Jeff na teammate ni Xander.
"Pustahan?"
"Ah, oo may, pustahan kasi kami ngayon eh.haha Sige, maiwan muna kita." Sabi ni Xander sabay kiss sa pisngi ko.
OMG! Shock ang lola niyo! Ikaw Xander ha. Porke alam mong crush kita ninanakawan mo na 'ko ng halik ah. Mapagsamantala ka.haha kilig much.
"Eeeeeww. Ano kaya ang pinakain ng babae na yan kay Xander?" Parinig ni Sherly kasama ang mga alalay niya.
"Baka naman ginayuma.hahaha"
"Ang kapal ng mukhang dumikit kay Papa Xander, nagmumukha tuloy alalay."
"Oo nga, tingnan mo naman yung nguso, parang sa bangus.hahaha"
Sige pa, magparinig lang kayo. Sanay na 'ko dyan no. Tingnan ko lang kung hindi kayo maingggit sa gagawin ko mamaya pagbalik ng babe ko.hahaha
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Yabang
HumorRomantic comedy na tungkol sa isang high school loser who turned into goddess. She will do everything para pagbayarin ang mga may atraso sa kanya during high school days. Specially, Xander, the man of her old fantasy.