Part 1 - The Girl in Pink

7.2K 135 18
                                    

Pinaghandaan ko ng bonggang bongga ang araw na 'to. Ang reunion ng aming high school batch.

Pagpasok ko pa lang ng lobby ng hotel nakuha ko na ang atensyon ng lahat. Sino ba ang mag-aakala na si Macqueen Salas Dela Rosa, dating binansagang campus loser ay may kakayahan ng akitin ang sinumang lalaking gustuhin nya ngayon?

Sinadya ko talagang magpahuli para agaw eksena. Pagbukas ko palang ng pinto nagtinginan na ang lahat sakin. Suot ang napakaelegante kong pink dress, diretso kong pumasok at lumakad sa red carpet. Dinig ko ang bulungan ng marami. Siguradong mangha sila sa kagandahan ko.

Pero teka, parang di pamilyar yung mga tao dito. Bakit may nakapangkasal?

"Oh shocks, mali ang pinasukan kong hall."

Dali-dali akong lumabas na nakatakip ang mukha dahil sa hiya. Lumapit ako sa isang staff ng hotel para magtanong.

"Hi, may I know where to find the banquet hall for a class reunion of Nutella High?"

"Yes ma'am. Let me accompany you to the place."

This is it. Huminga ko ng malalim at pumasok sa hall. Pagpasok ko palang nakita ko na ang mukha ni Sherly, ang kontrabida sa buhay ko nung high school. Nakumpirma kong nasa impyerno na nga ako. I mean, nasa reunion na nga ako. Tiningnan niya 'ko mula ulo hanggang paa. Kitang kita ko ang insecurity sa mukha niya.

Inirapan ko siya. Lumakad ako sa red carpet na parang model. Lahat ng mata sa akin nakatingin. Lakad ako ng lakad na kunwari ay may hinahanap pero ang gusto ko lang talaga ay magpapansin. Kaiikot ko'y may nakabangga ako.

"Ikaw?" Gulat na sabi ko sa isang napakagwapong nilalang. Siya'y may napakaamong mukha, matangos na ilog, mapupulang labi at nakakaakit na mata.

Seducing Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon