Part 23 - Sorry Nathan

2.2K 48 4
                                    

Macqueen's PoV

Hindi ko maiwasang lumambot ang puso ko kay Xander dahil sa concern na pinakita niya kanina. Pero hindi rin ganon kadaling mawala ang iniwan niyang galit sa puso 'ko.

Nag-iisa akong nakaupo malapit sa dalampasigan. Tahimik at malaya akong makapag-isip. Kasalukuyan kong pinapanuod ang paglubog ng araw nang makita ko si Xander na parang batang nagtatampisaw mag-isa sa dagat.

"Mahal mo pa talaga 'no?" Sabi ng boses sa likod ko.

"Hindi ah. Hindi na 'ko magmamahal ng manlolokong katulad niya." Wala sa sariling sabi ko.

Nagulat nalang ako ng biglang umupo sa tabi ko si Nathan. Humarap siya sakin at tumitig sa mga mata 'ko na parang naninimbang.

"Dayain mo na 'ko pero wag ang sarilI mo." Siryosong sabi ni Nathan.

Iniwas 'ko sa kanya ang tingin 'ko at tumingin sa malayo. Tumahimik ako at nag-isip.

"Ewan ko Nathan." Mahinang sabi ko. Pinipilit kong idiretso ang pagsasalita ko kahit garalgal ang boses ko dahil sa pinipigilang bugso ng nararamdaman ko.

"Masaya ka ba sa ginagawa mo?"

Natahimik ako sa tanong ni Nathan. Masaya nga ba 'ko? Dapat nga masaya 'ko kasi nasusunod ang plano ko. I get the attention of anybody, nakakaganti ako kay Sherly at kay Xander pero bakit parang may kulang?

"Alam mo Macqueen, sa halip na makalimutan mo yung ginawa niya sa'yo, alam kong lalo pang lumalalim ang pagkagusto mo sa kanya dahil sa mga ginagawa mo." Tumahimik siya at huminga ng malalim. Napakalalim ng mga sinasabi niya na alam mong may pinaghuhugutan.

"Tulad mo, gusto ko na ring kalimutan yung nararamdaman ko sa'yo. Pero habang magkasama tayo, lalo pa kong napapalapit sa'yo. Gusto kong maging malapit sa'yo kahit maliit lang ang chance na maging tayo." Sabi ni Nathan saka lumingon sa ibang direksyon at nagpahid ng luha.

Napayakap ako kay Nathan dahil sa sinabi niya. Napaka-inconsiderate ko. Puro sarili ko ang iniisip ko. Hindi ko alam na nasasaktan ko rin pala si Nathan sa bawat ginagawa ko. Nagawa ko pa siyang pagpanggapin na boyfriend ko without asking how he feels about it.

"Sorry Nathan. Sana nga ikaw nalang ang minahal ko at hindi si Xander."

----

Nathan's PoV

Sa nangyaring pag-uusap namin ni Macqueen, alam kong wakas na rin yon ng pag-asa kong maging kami. Mahirap makipagkumpitensya para sa puso na alam mong may nagmamay-ari na. Pero ano man ang mangyari, nakahanda pa rin akong saluhin siya kapag dumating sa punto na muli siyang lokohin ni Xander. Ganun naman ang pagmamahal. Handa kang magbigay kahit walang inaasahang kapalit.

Seducing Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon