Part 6 - Inggitin si Xander

3.2K 63 2
                                    

"Siryoso ka ba talagang itutuloy mo ang plano mo?" bulong ni Nathan habang nagsasayaw kami.

"Oo nga. Galingan mo ang pag-acting kundi tatadyakan kita dyan."

Parte lang din ng plano ko si Nathan. Anak siya ng kasosyo ni Daddy at naging kaibigan ko sa business school.

"Okay." tumatawang sagot niya. "Napakabayolente mo talaga. So, siya pala si Xander ha. Gwapo pala, kaya patay na patay ka eh."

"Ha? Dati yon. Wala na kong feelings sa kanya no."

"Yung totoo?"

"Wala nga no. Sapakin pa kita dyan eh."

Shit, ang pogi talaga nito. Wag mo na 'kong kausapin please. Di ko alam kung sa kanya 'ko titingin o kay Xander. Wahh, pakiramdam ko nasa heaven na 'ko.

"Pero aminin mo, gwapo di ba?" pagpapaamin niya sakin.

"Oo na. Nakakainis ka talaga. " sagot ko na nagpabungisngis sa kanya.

"See? May feelings ka pa din." patuloy na pang-aasar niya.

"Che, sumayaw ka na nga lang dyan. Kung di ka lang pogi hindi ko hihingin ang tulong mo no." Kunwari ay galit kong sabi pero may point naman talaga siya.

"Pero mas pogi ka don." bulong ko.

"What did you say?"

"Wala ah. Meron ba?" deny ko.

"Hay nakakainis ka Macqueen. Ba't mo sinabi yon. Pero infairness, kung di lang talaga kapatid ang turing ko dito nako, may chance." sa isip ko.

Hinigpitan ko pa ang yakap kay Nathan nang makita kong nakatingin sina Sherly at Xander. Kapwa hindi maipinta ang mukha. Grabe, you're so bright talaga Macqueen. Perfect ang plano mo.

"Aray ko, ang higpit naman ng kapit mo. Di ako makahinga." si Nathan.

"Si Xander kasi nakatingin oh." kinikilig kong sabi.

"Oh, kala ko ba wala ng feelings. Bakit may kilig?"

"Wala naman ah."

Ang swerte ko naman, may Xander na nga, may Nathan pang kayakap.

The night ends up so well. Palagay ko naman, ako ang nagwagi sa gabing 'to. The loser becomes the winner while the bitter has always been a bitter. Pero ipinapangako ko. Simula pa lang 'to ng paghaharap namin nina Xander, Sherly at ng mga alipores nya. Maghanda sila sa marami ko pang plano.

Seducing Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon